Chapter 20 "Hi, Lia!!!" "Hello Lia!" "Uy! Si Lia, ang ganda nya noh.." Iyan ang naririnig ko habang naglalakad ako papunta sa room ko. Nauna na si Chelsea sa akin kanina kaya hindi ko sya kasabay. Nakakapanibago, ang dami nang pumapansin sa akin. Bubuksan ko na sana ang pinto ng classroom namin nang biglang may tumawag sa akin. Si Wil. Napangiti ako nang makita sya. "Good morning, Lia." Bati nito sa kanya. Nakasakbit pa sa isang balikat nito ang bag niya. Ang gwapo nya lalo sa school uniform namin. "Hi Wil.. Anong sa atin?" bati ko naman sa kanya. "Inabangan talaga kita, gusto lang kita makita." Sagot nito sa akin. Napahawi tuloy ako sa imaginary hair ko na para bang humarang sa mukha ko. "Ganun? S-sige, pasok na ako ah." Sabi ko na lang. Medyo nailang ako sa kanyang si

