Chapter 19 Kahit nakalapit na ako kina Marichu at Master Rob ay nakatingin pa rin ang huli sa papalayong bulto ni Wil. "A-ah. Sige Lia, iwan ko muna kayo ha." Paalam sa akin ni Marichu at saka lumayo. "Sinayaw ka ba nya?" Tanong agad ni Master Rob. "N-ni Wil?" Tanong ko din sa kanya. Alam ko namang si Wil ang tinutukoy nya pero gusto ko lang magpaligoy-ligoy. Tinaasan lang niya ako ng kilay. "...oo. Sinayaw nya ako kanina." Sagot ko muli at napayuko. Bakit parang ang laki na agad ng kasalanan ko? Guilty eh. Pero duh! Sya nga eh, sinayaw na nya si Chelsea. Napabuntong hininga na lang si Master Rob. Dapat ba tinanggihan ko muna si Wil? Dapat ba hinintay ko muna na isayaw ako ni Master Rob bago ako tumanggap ng iba? Sabagay, hindi naman ginusto ni Master Rob na isayaw si Chelsea

