Chapter 11 Nagsimula na ang program. Nasa unahan ng stage ang mga muse and escort. Pinakilala na din ang mga team ng bawat college na maglalaro ng basketball, volleyball, badminton, mga larong pinoy at iba pa. Maya-maya pa ay pinarampa na ang mga muse and escort at magpapakilala. Palakasan ng cheer. Bawat college ay may drummers na lalong nagpapadagdag sa ingay. Hindi magkandaugaga ang mga estudyante sa pagcheer ng mga representative nila. Yung iba naman hindi bias, kung gwapo o maganda ang representative ay talaga namang titilian. Noong si Master Rob na ang magpapakilala, grabeng ingay. Halos lahat yata ng college ay may fans sya. Hindi sya agad nakapagsalita sa mic dahil sa hiyawan ng mga tao. Nang hindi na ganoon kaingay ay nagpakilala na sya at after nya sabihin na from College

