Chapter 10 "You know what, pangit, noong nakaraan ko pa napapansin, parang lagi kang wala sa sarili mo? May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Master Rob pagkababa namin sa sasakyan. Hinatid na kami dito sa school. Ilang araw na ang lumipas mula noong gabing yun.. "Huwag kang mawawala ha. Sa akin ka lang lagi. Hindi ko na yata kayang mabuhay ng wala ka." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at umiling-iling. Nagtatanong pa itong si Master Rob eh siya lang naman ang dahilan kung bakit ilang araw na akong walang matinong tulog. Kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga nya. "A-ah, wag mo na akong intindihin. Wala akong problema. Hehe." Sabi ko na lang sabay pilit na ngumiti at umiwas agad ako ng tingin sa kanya. May pautal talaga, Lia? Kung hindi ko na lang kasi dapat binibigyan ng

