Chapter 9 "You're so beautiful." Napatingin ako sa kanya. Ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang nagwawala at makakalas na sa katawan ko. Hindi sya nakatingin sa akin pero napayuko sya at ang lapad ng ngiti. Nakakainis itong tao na ito. Dinidistract ako. Nagsimula na ang tugtog. Lahat kami ay binigay ang lahat ng energy. Kembot kung kembot at landian daw, ika ng aming leader. Fierce look din daw kung kailangan na para din bang nang aakit kung kailangan. Kung gaano kasigla ang kanta ay ganun din ang aming binibigay na energy. Naghawak kami ng kamay. Ramdam na ramdam ko ang tila milyon-milyong boltahe na dumaloy sa aking katawan. Ang bawat hawak nya sa akin ay para bang nadadala ako nito sa langit. Ang sarap sa pakiramdam na para bang safe na safe kanya. Patapos na ang kanta. S

