Chapter 8 - Nose to nose

1913 Words
Chapter 8 Napapayag ko na maging partner si Master Rob sa PE namin kahit na ayaw na ayaw pa niya sa una. Though may alam naman sya sa pagsasayaw, pero di nya lang daw feel dahil freshmen ang makakasama nya. Natapos na ang klase namin sa araw na iyon at ang usapan ay magpapractice na kami ng sayaw. Nasa loob pa din kami ng campus at doon lang kami pumwesto na magkakagrupo sa lilim ng puno. 'Pepito' ang napili namin na kanta at ito ay Chacha. Pinakamadali kasi ito at pwedeng paulit-ulit ang step. Nalate lang ng isang oras sa practice si Master Rob dahil iyon pa lang ang tapos ng kanyang klase. Ako na ang nagturo dito ng mga steps at madali naman nya itong natutunan. Steps at counting lang muna ang nagawa namin nung hapon na iyon. 2 hours lamang kami nagpractice at nag-uwian na. Balak pa namin na sa araw ng Sabado at Linggo ay mag-uupa kami ng dance studio at doon magpapractice para mas lalong mapaghandaan. Ganito pala pagcollege, career kung career sa lahat ng activities. - - - Mabilis lumipas ang mga araw at sumapit na ang araw ng Linggo. Doon pa din kami sa Dance Studio na pinuntahan namin kahapon (Sabado). Huling practice na namin ito dahil magpapahinga na kami bago sumapit ang mismong araw ng pagpeperform. Tapos na namin kabisaduhin ang mga steps at nagsimula na kami maglagay ng music. Ang kanta namin na Pepito ay iyong buhay na buhay na tipong mapapaindak ka kahit na nakikinig ka lang kaya hindi ka tatamarin paulit ulitin ang sayaw. "Okay, guys!! Perfect na natin lahat. Practisin na uli natin, last na ito at nang makauwi na tayo." Sabi ng leader namin. "Lagyan naman natin ng landi. Yung feel na feel para masarap panuorin." "Quiéreme (quiéreme), quiéreme (quiéreme) Bésame entre tus brazos Pepito mi corazon (pepiti, pepito), dame mas de tu carino (pepiti, pepito) Cantame asi (ou-wa), cantame asi (ou-wa) con amor" Kapag nasa ganyang bahagi ng kanta ay pupuwesto sa likod namin ang mga lalake at kami ay gigiling, tatalon ng konti paright side sabay ifoforward ang kamay, tatalon uli parightside sabay lagay ng 2 kamay sa likod ng ulo and vice versa paleft side naman. Habang ang mga kamay naman ng lalake ay nasa baywang namin at dapat daw ay sumusunod ang tingin nila sa direksyon namin. Pagtapos nang ganoong steps ay maghahawak kamay ng partner at magchacha.. at syempre ang dulo ay papaikutin kaming mga girls papalapit sa partner namin at itataas namin ang aming hita na hahawakan naman ng partner namin at magtititigan. Everytime na nasa huling part ay halos lahat kami ay may ilangan. Pero napagkasunduan naman namin na sa mismong performance ay gagawin namin lahat with feelings para mafeel din ng mga manunuod. After ng huling practice namin ay nagbigayan naman ng costume. Yes! May pacostume pa. Nagpatahi pa kami habang ang mga lalaki naman ay sapat na ang black pants, white long sleeves na hapit sa katawan at black na vest with black bow tie. Ang costume naman naming girls ay pure black. Nakamesh long sleeves kami sa loob na papatungan ng dress na nakachinese collar with silver sequins at short multi-layered ruffles ang pinakapalda. Ang sexy tignan pero nahihiya akong suotin. Sinukat muna naming mga girls iyon sa cr ng studio habang ang mga lalake ay doon na mismo nagsukat. Nahihiya kaming lumabas sa CR at nagpakita sa mga boys. Tinignan namin kung bagay ba tignan since puro salamin naman doon. Ang gwapo ni Master Rob, hapit na hapit sa kanya ang suot nya, ang laki pa naman ng braso nya at muscles. Kadalasan na nakikita ko kasi sa mga nagbaballroom dancing ay may kapayatan ang lalaki at ganda tignan lalo pag nasayaw. Nahihiya naman akong lumapit sa kanya. Nasa harapan na niya ako pero hindi sya nakatingin. "Pangit??" Sabi nya na para bang hinahanap ako. "Hoy Lia! Nasan ka na?" Sabi pa nya habang nilagpasan ako. Nagtanong pa sya sa kaklase kong lalaki at tinanong kung nakita nya ako at tinuro naman ako ng kaklase ko. Pagharap nito ay pigil-pigil ito ng tawa. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Hala! Hindi kita nakita. Akala ko anino ko." Sabay tawa. Ang lakas nanaman ng trip. Inaasar nanaman nya ako. Lalo lang ako napasimangot sa kanya at dali-dali na din ako nagpalit. Nakakabad trip! Buti na lang at isang beses lang namin iyon susuotin. Bwisit! Hindi ko sya pinansin hanggang makauwi kami. Siya naman ay nagsawa na kakasuyo. Kasi naman, kakapalan ko na nga lang ang mukha ko para masuot iyon tapos lalaitin pa ako. Naku naman talaga. Pagpasok namin sa mansyon ay bumungad ang mommy at daddy ni Master Rob habang kasama si Chelsea. "Son and Lia, let us talk at the garden." Sabi ni Sir Robert. Nagkatinginan naman kami ni Master Rob. Mukhang seryoso ang mukha nila. Napatingin ako kay Chelsea at nakangisi ito ng nakakaasar. Pumunta na kami sa Garden. Hindi pa naman madilim dahil alas-singko pa lang naman ng hapon. Magkakasama kaming apat sa mesa. Ako, si Master Rob, si Sir Robert at Maam Sigrid. Napansin kong hawak ni Maam Sigrid ang cellphone ni Chelsea. Bakit kaya? "Anong pag-uusapan natin?" Pasimula ni Master Rob. "Didiretsuhin ko na kayo, pero bago yun ay may ipapakita muna kaming video at saka kayo magpaliwanag." Sagot ni Sir Robert. Nanlamig bigla ang kamay ko. Alam kong wala naman kaming ginagawang masama pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam. Ipinakita sa amin ni Maam Sigrid ang video. Kami ni Master Rob ay nasa kwarto nya. Nakataas ito ng kamay, niyakap ko sya at niyakap din nya ako bigla at nadaganan ko sya. Tumayo ako at itinaas uli ni Master Rob ang kamay nya.. Habang pinapanuod iyon, napapatawa kami ni Master Rob. Iyon kasi ang kalokohan nya na tinaas nya lang bigla ang kamay nya, at sinabi ko na kapag nahulaan ko ang gusto nyang ipagawa ay papayag na syang maging kapartner ko. ..nag-usap kami saglit sa video pero hindi marinig kung ano ang pinag-uusapan namin. At itinaas ko na ang sando nya.. *END OF VIDEO* Mababakas naman sa mukha ng magulang ni Master Rob ang pagtataka dahil tila natatawa kami sa video. "Alam nyo ba mommy, iyang nasa video, yan yung time na nagprank ako kay Pangit tapos nagsabi sya na kapag nahulaan ni pangit ang gusto kong ipagawa ay papayag na ako maging kapartner nya." Sabi ni Master Rob. Tila nagulat naman sila Sir Robert. "Partner?? In what?" Tanong ni Maam Sigrid. "Actually, on Tuesday, magpeperform na kami para sa PE activities nila. We're going to dance Cha-cha." Sagot ni Master Rob. Tila nasiyahan ang mag-asawa sa narinig nila. At para bang naexcite. "Really anak?" Sabi ni Maam Sigrid sabay tingin sa akin. "And because nahulaan mo ang gusto nyang ipagawa, which is itaas ang damit nya, kaya pumayag si Rob na maging partner mo?" Napatango naman ako. "Pwede ba namin mapanuod ang performance nyo?" Sabi ni Maam Sigrid na agad namang nagdisagree si Master Rob. Namumula na ito sa hiya at ayaw na ayaw nyang pumayag na mapanuod nila kaming sumasayaw. Hindi na rin nagpumilit pa si Maam Sigrid kaya mukhang napanatag na ang loob ni Master Rob. "I think may mas kailangan tayong kausapin ngayon, Love." Sabi ni Sir Robert. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at nagpaalam na sa amin ni Master Rob. Batid namin na si Chelsea ang kailangan nilang kausapin. - - - Kinabukasan, araw na ng performance. During PE Time ay binigyan kami ng time makapagrehearse. Pero, dahil may klase si Master Rob ay ako lang ang walang partner pero wala naman akong problema doon dahil kabisado na namin ang steps. After ng klase naming lahat, around 3pm, doon kami sa Theater ng University magpeperform kaya pwedeng may makanuod sa amin na ibang year and course at mga professors. May 3 din daw kaming bisita na magiging judges. After class, naghanda na kaming lahat. Kanya-kanya nang pagpapaganda at pagsusuot ng costumes. Pare-pareha din kami ng tali sa buhok. Nakatirintas ang kaliwang part ng buhok habang nakalugay naman ang right part na sinampay sa right shoulder ang buhok at may pulang rosas kami sa left ear. Lumabas na ako ng room namin sa back stage para hanapin si Master Rob. Hindi naman ako nahirapan dahil nakita ko kaagad sya kasama ang mga kagrupo ko at tinutulungan sya magsuot ng costume nang bakla naming leader na todo pacute sa kanya. Nilapitan ko sila at automatic namang nginitian ako ng leader namin at sa iba naman tumulong. Kinuha ko sa kamay nya ang bowtie at isinuot ko na ito sa leeg nya at nilagay sa ilalim ng collar. Nang makuntento na ako sa pagkakaayos ko ng bowtie nya ay tumingin naman ako sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin. Pero bakit parang kinikilig ako? Para hindi nya mahalata na kinikilig ako ay nagpacute na lang ako sa kanya. Nagwacky-wacky, yung parang sa ginagawa kapag tumugtog yung "Dalagang Filipina, yeah!". Napangiti at napatawa naman si Master Rob sa ginawa ko kaya ang ginawa nya ay pinisil nya ang pisngi ko at nilapit ang mukha nya sa akin. Nagulat ako sa ginawa nya at napapikit ako. Naramdaman ko na kiniskis nya ang ilong ko sa ilong nya. Habang sinasabi nyang, "Ang cute-cute mo jan." Halos himatayin ako sa ginawa nya. Akala ko.. Akala ko.. Akala ko hahalikan nya ako. Ano ba naman itong naiisip ko. Biglang may humatak sa akin. Si Marichu pala. Dinala nya uli ako sa room namin sa back stage. "Alam mo girl, kanina pa kita hinahanap. Sabi ko wait lang at ikaw naman ang susunod kong mamake-upan eh." Sabi ni Marichu. Pinaupo na nya ako sa harap ng salamin at sinimulan na make-upan. Panay ang sermon sa akin, kesyo daw malapit na magsimula. Pangalawa pa naman kami na magpeperfomed. "Uy, pero friend, nakita ko yun ha. May panose-nose pa kayo ni Rob. Pasensya na kung naistorbo ko kayo. Hihihi." Sabi ni Marichu na tila kinikilig. Namula tuloy ako sa sinabi nya. "Nagbablush ka girl.." pinindut nya yung ilong ko. "Ang sweet nyo, no?" Sabi ni Marichu sabay tawa. Parang mas kinikilig pa ito sa akin. Kahit ganun ay nakakapagconcentrate pa din naman sya sa pagmamake-up sa akin. Matapos nya akong make-upan ay di ko na maalis ang mukha ko sa salamin. Parang ibang tao naman itong reflection ko. Ngayon lang kasi ako naayusan ng ganito kabongga. Kahit pala morena ako ay bagay na bagay pala sa akin ang pulang lipstick. "Hala ang ganda mo, friend!!!" Puri sa akin ni Marichu. Nagmake face naman ako na para bang hindi naniniwala sa kanya. "Salamat shopee, ay! Marichu pala." Sagot ko kay Marichu. Nagtawanan lang kami. Magsstart na ang unang grupo kaya umupo na kami kasama ang mga groupmates namin. Magkalayo ang babae sa lalaki kaya hindi ko pa nakita uli si Master Rob. Nagpalakpakan kami matapos ang performance ng unang grupo. Ang galing ng performance nila pero panatag pa rin kami na mas magaling ang grupo namin kaysa sa kanila. Tumayo na kami at tinawag na ang grupo namin. Nakapila kami na umakyat ng maayos sa stage. At tumabi na sa kanya-kanya naming partners. Nilalamig ang kamay ko. First time ko lang kasi magperform sa ganto kagandang theater at pagsasayaw pa talaga. Humugot muna ako ng malalim na paghinga at binuga iyon. "Lia!" "Lia!" May mahinang boses na tumatawag sa akin. At kilala ko kung sino iyon. "Bakit?" Sagot ko habang nakangiti at nakaharap pa din sa audience. "You're so beautiful."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD