Chapter 7- Partners

2288 Words
Chapter 7 Sa sumunod na araw ay binigay na nga agad ni Marichu ang order ko. Nakakaloka dahiĺ medyo madami ito. May soap, toner, day and night cream at may serum. Pinaliwanag naman nya sa akin kung paano gamitin. At si Liam naman ay iiling-iling nanaman dahil kung anu-ano daw ang inilalagay naming mga babae sa pagmumukha namin habang ako ay naeexcite ng gamitin. Maganda naman ang naging takbo ng mga klase namin. Dahil halos kakasimula pa lang naman ay laging pagpapakilala lang ang ginagawa namin. Hanggang sa maglunch break uli. And this time ay may baon na akong lunch. Ang mamahal kasi ng pagkain sa cafeteria. Ang baon ko ay yung natira sa almusal kanina. Nagbalat din ako ng apple para pang himagas, medyo dinamihan ko iyon para mabigyan ko sila Marichu at Liam. Habang kumakain kami ay napadaan ang grupo ni Chelsea. Tatlo din sila sa grupo nila. Nagtatawanan sila at nang matapat sila sa pwesto namin ay napatigil ito. "Ano yan, pangit?" Sabi ni Chelsea habang tinuturo ang pagkaing baon ko. Kung si Master Rob ang tatawag sakin ng pangit ay okay lang, pero kapag si Chelsea, hindi okay. Ang kapal naman nito, nakikitawag sakin ng pangit. "Oo nga pala guys, naalala ko, ito yung breakfast namin kanina. At dahil dakilang katulong lang naman sya, pinabaon sa kanya iyang tira-tira." Tumawa ito at ang mga alipores nya. Eh ano naman kung tira-tira ito sa breakfast namin kanina, malinis naman ito. Atsaka ako ang may kagustuhan na magbaon. Wala namang nagpabaon sa akin nito. "Nagkakamali ka, Chelsea. Hindi ito pinabaon sa akin, ako mismo ang nagbaon nito kasi ang mamahal ng tinda dito sa cafeteria." Sagot ko sa kanya in a very mahinahon way kahit na deep inside ay gustong-gusto ko ng kotongan ang Chelsea na ito. "See? Napakacheap talaga ng babae na ito. Mahilig kumain ng tira-tira. Kaya if I were you guys.." sabay turo kina Marichu at Liam. "..lalayuan ko na si Lia dahil baka mahawaan lang kayo sa pagkacheap nya. Kapag inalukan nya kayo ng foods ha wag nyong tatanggapin, kasi tira-tira din iyon eh." Sabay tawa ni Chelsea at mga alipores nya. Napakamaldita talaga nito kahit kailan. "Ehem." Sabay-sabay kaming napalingon sa grupo naman ng kalalakihan. 5 sila sa grupo at si Master Rob ang nasa gitna??! Wow! May friends na sya? "Iyan na ba yung inutos ko sa iyo na pagkain? Hati na lang tayo total ikaw naman ang nagdala eh. Pahingi ako nyan ha. Wait for me, bibili lang kami ng drinks and lunch namin." Sabi ni Master Rob sabay pumunta sa counter. Napanganga naman ang grupo ni Chelsea. At nagbulungan ang mga ito. "Maling akala ka naman girl. Si Roby naman pala ang nag-utos nun." Sabi nung isa. "Kaya nga. Atsaka, wala namang masama kumain ng tira eh. Ang masama ay kung itatapon mo lang ito, sayang kasi." Sabi din noong isa. At umalis na sila. Niyakap naman ako ni Marichu at hinawakan ni Liam ang kamay ko. Pinapahiwatig nilang okay lang yan, di ka namin iiwan. Ang sweet talaga ng mga kaibigan ko. Maya-maya lamang ay dumating na ang grupo ni Master Rob. Kumuha nga sya ng ulam ko at kinuha lahat ang binaon kong apples na nakalagay sa isa pang tupperware. Aangal pa sana ako kaso di ko na lang tinuloy, pathank you ko na lang sa kanya. Pumwesto sila sa table na kalapit ng amin. And as usual, si Marichu ay todo pacute nanaman sa mga boys. Hinawakan naman bigla ni Liam ang mukha ni Marichu at hinarap ito sa mukha nya. "Mahilig ka sa gwapo diba? Tumingin ka na lang sa mukha ko at magsawa ka." Sabi ni Liam. Napatawa naman ako sa ginawa at sinabi nya. Totoo naman kasi. Mahilig pa din tumingin-tingin si Marichu sa mga gwapo eh wala naman syang mapapala doon. Natapos na ang klase namin ng alas kwatro. Ganun din ang oras ng tapos ng klase ni Master Rob kaya every Tuesday at Thursday ay sabay-sabay kaming uuwi. Pagdating ko sa waiting shed ay nandun na si Kuya Jun. Si Master Rob na lang daw ang kulang. Pumasok na ako at naupo sa unahan. Maya-maya pa ay dumating na din si Master Rob. Napadaan naman kami uli sa simbahan. Nakita ko nanaman ang dalawang mag-asawa na matanda. Gusto kong maiyak sa nakikita ko kaya nagpaalam ako kung pwede ba ako pumunta sa fast food. Hindi sumang-ayon si Chelsea pero pumayag naman si Master Rob. Sinamahan pa nga ako ni Master sa fast food chain. Bumili ako ng 2 order ng chicken with rice and drinks at spaghetti. "Dalawa talaga ang binili mo? Sa akin ba yung isa?" Tanong ni Master Rob sa akin habang paalis na ng store. Hindi ko lang sya sinagot, ngumiti lang ako sa kanya. Nagulat sya ng mag-iba ako ng direksyon dahil hindi naman doon nakapark ang sasakyan. Tinawag pa nya ako para pigilan pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapuntahan ko ang mag-asawang matanda. Inabot ko sa kanila ang pagkain na binili ko. Muli ay halos maiyak nanaman ako sa galak ng makita na mangiyak-ngiyak din ang mag-asawa dahil sa binigay kong pagkain. Teary-eyed ako ng bumalik sa sasakyan. "Iyan kasi, bakit mo binigay ang binili mong pagkain, tapos ngayon ay iiyak-iyak ka." Pang-aasar sa akin ni Master Rob. Napatawa na lang ako sa kanya. Loko talaga. Pagkauwi namin ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Niready ko ang mga bote ng pampaganda ko. Kinagabihan bago matulog ay naghalf bath ako, at doon ko na ginamit ang skincare set. Unang gamit pa lang, lumambot na agad ang mukha ko. Ang galing! Umaga't-gabi ko daw ito gamitin para mas mabilis ang effect. - - - - Makalipas pa ang ilang araw ay nararamdaman ko ng may nagbabago sa mukha ko. Nagbabalat na ito. Hindi na ako natakot dahil normal daw ito. Pero ang pangit tignan dahil may puti-puti ako sa mukha. Umaga iyon at nag-aalmusal na kaming 3 nina Chelsea at Master Rob. "What happened to your face?" Takang tanong ni Master Rob. Maski ito ay napansin na ang pag-eexfoliate ng mukha ko. "Ah..namamalat?" Sagot ko na parang hindi sure. Ayaw ko kasing sabihin sa kanya na may ginagamit ako sa mukha. "I know. Pero bakit nagkakaganyan? Palitan mo kaya ang sabon mo. Ang pangit mo na nga tapos magkakaganyan pa ang mukha mo. Kawawa ka naman." Sabi nya sabay tawa. Tumingin lang ako ng masama sa kanya. Ayos din itong si Master Rob eh. Akala mo concern pero lalaitin ka lang pala. Natawa din naman si Chelsea sa pang-aasar sa akin ni Master Rob. Hala! Sali sali nanaman. Pagkatapos mag-almusal ay hinatid na kami papuntang campus. Sa bulletin board ng aming building ay may nakadikit na upcoming events. Magkakaroon ng election of Student Government. Ang sabi pa ay gumawa na ng kani-kanilang partido at nang platforms, may nakalagay pa kung kailan ang deadline ng submission at magkakaroon pa ng interview. Grabe, ganito pala sa college. Kasi naman noong highschool ako ay parang naglolokohan lang eh. At bago matapos ang buwan ng Hunyo ay magkakaroon ng Meeting de Avance bago ang araw ng election. Exciting naman ito. Wala naman akong balak lumahok pa sa ganyan-ganyan dahil alam kong nakakaubos ito ng oras. Magiging isang mabuting estudyante na lamang ako ng University na ito, sapat na sa akin iyon. Nagulat na lamang ako ng wala na pala akong kasama, pagtingin ko sa aking relo ay may sampung minuto na lang ako para makaabot sa unang subject. Kaya nagmadali akong pumunta sa room ko na nasa fifth floor. Physical Education na ang subject namin. Hindi naman ako nalate sa unang subject ko kanina. Kami ay nakapagpalit na ng PE uniform, nasa covered court ang buo naming klase. Dancing ang topic namin at sinabihan kami na kailangan namin idivide sa 4 para makabuo ng isang grupo. Ang grupo namin na mabubuo ngayon ay siyang magiging grupo na namin hanggang matapos ang preliminaries. Sakto at magkakagrupo kami nina Marichu at Liam. Bawat grupo ay binigyan ng task, mayroong gagawa ng Ballroom dance, modern dance, Folk dance at Aerobics. Ang napunta sa grupo namin ay ballroom dance. Lahat ay excited at nagpulong na kaming magkakagrupo kung anong kanta at marami pang iba. Bibigyan na lang nya kasi kami ng isang linggo para paghandaan iyon at iperform. Ngunit mayroon kaming problema dahil paano makakasayaw ang isa kung wala naman itong kapartner. Noong nagpartner-partner na kami, tsaka ko lang narealize na ako pa pala ang nawalan. Si Marichu kasi ay agad na kinapitan sa braso si Liam kaya hindi na ako nakiagaw. Lumapit ang grupo namin sa aming Prof. "Sir, paano po yung grupo namin kulang ng isa. Wala kasing partner si Lia." Sagot ng aming leader. "Ganun ba? Kaso hindi na din ako pwede humatak sa ibang grupo eh dahil magkakapareho lang kayo ng bilang. Papayagan ko na lang kayo humatak ng magiging kapartner nyo basta hindi outsider ha and of course, hindi dapat member ng ating dance troop." Sagot ng prof namin. "Kahit anong year po ba iyan at kahit anong course?" Tanong uli ng leader namin na sinang-ayunan naman ng aming prof. Nagpulong na uli kaming magkakagrupo. Wala naman akong kakilala dito maliban kay Master Rob. At saka, asa naman sa lalakeng iyon, hindi iyon papayag. May ilang kakilala naman ang iba kong kagrupo pero salungat naman dahil babae din ang kakilala nila. Kailangan namin ng lalake. "Alam ko na Lia!!" Sigaw ni Marichu. "Yung alaga mo na lang. Si Robert Herrera II!!" Excited nyang sabi at talagang buong-buo ang pangalan nito. Nacurious tuloy ang iba naming groupmates kaya naman pinilit nila akong si Master Rob na nga lang ang kunin ko. "Titignan ko. Kapag umayaw sya, kayo na lang maghanap para sa akin." Sagot ko sabay buntong-hininga. Mabili na lumipas ang oras. Uwian na at sabay-sabay nanaman kaming sinundo ng aming service. Pagdating sa bahay ay sumunod ako kay Master Rob hanggang sa kwarto nya. Nasa loob na kami. Umupo ako sa kama nya habang siya naman ay nagsimula nang maghubad ng uniporme. Una niyang hinubad ay ang white polo at hinagis sa mukha ko. Bastos amp! Pero ang bango ha. Seryosong-seryoso ang mukha nito akala mo walang ginawang kalokohan. Sumunod ay ang pants sya, hinagis nya uli sa akin. Nakaboxer shorts na lang sya at sando. "Are you just going to watch me while changing my clothes?" Takang tanong nya. "Ano bang kailangan mo?" "Hehehe" tanging nasabi ko. "Sabi ko na may kailangan ka eh. Ano ba yun?" Sabi nya habang seryosong nakatingin sa akin. "Pumayag ka muna." Sabi ko at natawa sya. Napasimangot tuloy ako. "Paano ako papayag kung hindi mo pa nga sinasabi? Ang kulit mo talaga. Ikuha mo nga ako ng damit." Sabi nya at umupo sa tabi ko. Aba'y nautusan pa ako. Pumunta naman agad ako sa closet nya at kumuha ng komportableng damit. Nang ibibigay ko na sana ang damit sa kanya ay tinaas nya ang dalawa nyang kamay. As in nakataas. Napataas naman ang kilay ko. Ano kayang trip nito? Wala naman syang sinasabi kung ano ang ibig niyang sabihin. Kiniliti ko sya sa tagiliran. Napailing lang ito at natawa. Tinapik ko ang dalawang kamay nya dahil baka ang ibig nyang sabihin ay 'up here' pero humindi lang ito. Namula naman ang mukha ko nung may iba pa akong naisip. Kahit hindi sigurado ay alanganin ko syang niyakap. Maya-maya ay niyakap nya din ako pero mahigpit at bigla syang humiga. Nakaibabaw tuloy ako sa kanya. Agad kong inilayo ang katawan ko sa kanya at pulang-pula naman sya sa kakatawa at humihindi pa din. Tumayo na uli ako at sya ay bumalik sa pagkakaupo habang nakataas pa din ang mga kamay. "Kapag nahulaan ko kung ano ang pinapagawa mo, deal na ha." Sabi ko at nanlaki ang mata nya at ang guwapo nya doon. Nag-isip muna ako saglit at parang alam ko na ang gusto nyang ipagawa. At ang bobo ko kasi bakit ngayon ko lang naisip ito. Hawak-hawak ko na ang damit kanina pa eh. Kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko ang laylayan ng sando nya, napatingin pa ako sa kanya at nagulat ako na sobra na palang magkalapit ang mga mukha namin. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya habang sya naman ay patuloy lang na nakatingin sa akin. Nagsimula na akong itaas ang sando nya at napapikit na lang ako. Nang maalis na ang damit nya ay binuksan ko na uli ang mata ko at tumambad sa akin ang matipuno niyang katawan. Napalunok ako. Napatingin ako sa kanya mula mata, bumaba ng balikat, hanggang sa mapunta sa dibdib at sa kanyang abs at sa kanyang *toot* toot*. "Tinitingin-tingin mo jan?" Sabi nya sa akin na tila iritable. "Gusto mo??" Sabi nya habang tila nang-aakit ang mukha. "LUH!!!? ASA KA!" at sabay kaming tumawa. Uso kasi iyon ngayon sa t****k at nairelate pa nya sa sitwasyon namin ang lines na iyon. After namin tumawa ay biglang sumeryoso ang mukha ko. "Asa ka din! Baka ikaw ang umaasa. Kapaaal!!" Sabi ko habang iniirapan ko sya. Tawa lang sya ng tawa at bago pa mawala sa isip ko ay agad ko na din syang dinamitan. "Yes!!!" Sigaw ko. "At dahil nahulaan ko ang gusto mong ipagawa, sasabihin ko na ang kailangan ko at wala ng atrasan." "Luh! Ang daya mo naman Pangit!! Siguraduhin mong madali lang iyan ha." Sabi sa akin ni Master Rob. "Kulang kasi kami ng isa. At ako pa talaga ang nawalan. Pinayagan naman kaming kumuha ng partner basta ba student din doon. Kaya naman, ikaw ang napili ko." Tugon ko na paligoy-paligoy pa. "What do you mean?" Takang tanong nya. "Magkapartner na tayo sa ballroom dancing namin sa P. E." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD