SAVANNAH WAS SO CONFIDENT before she left the room earlier. Pero ang lahat ng iyon ay parang bulang naglaho nang makarating siya sa dining area. Huminto ang mga paa niya nang maabutan ang ina na malapad na nakangiti. Nag-aayos ito ng lamesa at nakikipag-usap sa mga katulong.
Bumalik ang pagdadalawang-isip niya. Her mom looks so happy while talking about her marriage with that man. Parang ayaw niya na ulit ituloy ang planong ginawa niya sa kwarto.
Lumihis siya sa gilid upang hindi siya makita ng mga ito. Nagbaba siya ng tingin at mahinang napabuga ng hangin. Tuluyan na atang nilipad ang lakas ng loob niya.
How can I stop this?
It's so hard for her to decide lalo pa't maaapektuhan ang kasayahan ng ina. Napapikit siya nang mariin upang makapag-isip muli ng ibang paraan. Nasa gano'n sitwasyon siya nang may magsalita.
Napamulat siya ng mga mata. "Dad!"
Nagtatanong ang mga mata nitong lumapit sa kanya. Umayos siya ng tayo. "Bakit hindi ka pa pumasok sa loob? Is there a problem?" tanong nito.
Nag-iwas siya ng tingin. She knew her dad was observing again. They knew why she hates to be committed with a man, again. Her dad's probably expecting her to throw a fit.
Pero hindi niya magagawa iyon. Kahit pa tutol siya sa kasalang ito. She can never be mad at them. Masyadong malaki ang utang na loob niya at pagmamahal sa mga ito.
Matapos ang lahat ng nangyari sa kanya noon. The desire to live her hellish life, died. Pakiramdam niya noon sobrang sira na siya.
Iyong parang wala nang patutunguhan ang buhay niya. Simula't sapul kasi itinatak na sa isip ng dating umampon sa kanya na wala siyang silbi. Na wala nang sinuman ang magtatangkang ampunin siya.
But then they came and treated her right. They gave her home, family and love. Kaya wala siyang lakas tumanggi.
"Savannah, lagi mong tatandaan na handa akong makinig. If you don't want the marriage I'll talk with your Mom—"
"No!" pigil niya. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita, "Gusto ko po munang pag-isipan."
"Sigurado ka ba riyan?" paniniguro nito. Halatang hindi naniniwala sa rason niya.
Tumango siya. Ngunit mukhang hindi pa rin kumbinsido ang ama kaya nag-isip siyang muli ng excuse.
"Ma-maybe, it's time for me also to. . . to settle down."
"Iyon din ang iniisip namin ng Mom mo. You're already twenty-eight and still single. We're afraid you'll never get married. Your Mom thinks you're just probably having a hard time finding a good man kaya naisip niya si Alessandro. He's a good man so I didn't refuse," saad ng Dad niya.
Lihim siyang napangiwi. She wants to disagree. He's making her embarrass herself for no reason kaya hindi good man ito para sa kanya. Kahit pa nakakahumaling ang mga mata nitong mala-ginto.
"Pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon. Think about it thoroughly. Don't rush." Marahang tinapik ng kanyang ama ang balikat upang pagaanin ang loob ko. Pumasok na ito sa loob ng dining room.
Her dad is right. Nasa kanya pa rin ang desisyon.
Pero nasa kanya rin ang problema kung bakit hindi niya masabi-sabi ang problema. Naihilot niya na lang ang sentido dahil sa stress. Saktong kumalam ang tiyan niya.
Nakakagutom talaga ma-stress.
Sumunod siyang pumasok. Kaagad na nag-angat ng tingin ang kanyang ina nang makita siya. Malapad ang ngiti nito at nagniningning ang mga mata.
Ganoon ba ako ka-miss ni Mom? Eh, kakabisita ko lang naman dito kahapon—
"Mukhang nagkakamabutihan na kayo, ah! Sabay pa kayong pumunta rito," natutuwang saad ng kanyang ina, na siyang ikinakunot ng kanyang noo.
What—
Nanigas ang mga binti niyang nang maramdaman ang presensya ng isang tao sa likod. Namilog ang mga mata niya.
Paanong— Mag-isa lang naman akong pumasok kanina!
"Common, kids. Kumain na! Ako ang nagluto nitong lahat para sa inyo," masayang saad ng kanyang ina.
Nakalimutan niya saglit ang binata sa likod. Nawalan na naman kasi ang inipon niyang pag-asa para tumutol. She doesn't want to ruin this moment. Ang kanyang ina pa ang nagluto ng lahat ng pagkain.
Muli rin naman siyang napabalik sa realidad nang maalala ang lalaki. Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito sa likod niya. Hindi niya alam kung ano'ng kabaliwang sumapi sa kanya at humarap siya rito.
Tila nakalimutan ata ng baga niya ang huminga nang magtagpo ang paningin nila. Lumaki ang mga mata niya. Sobrang lapit nito! Kaunti pa at magdidikit na ang ilong nilang dalawa.
Saglit siyang natulala sa ginto nitong mga mata. Those eyes that remind her of a lion. Dominant and dangerously handsome.
Lalong nagwala ang puso niya nang mabuo ang maliit na ngisi sa mga labi nito.
"You're on my way again . . ." bulong nito.
Napabalik siya sa katinuan nang makarinig ng impit na tili. Para bang may kinikilig sa gilid. Tiningnan niya kung sino iyon. Napa-facepalm siya.
It's none other than her mother.
Ngiting-ngiti ang ina na kasama ang mga katulong sa pagtili. Ang ama naman niya ay nakamasid lang pero may mukhang halatang nagpipigil ng ngiti.
"Kain na tayo."
Napabalik ang tingin niya sa binata. Bigla atang lumakas ang loob niya at itinulak ito. Feeling close!
"Huwag kang makalapit-lapit sa 'kin!" asik niya.
Tinalikuran niya ito at tumungo sa upuan niya. Hindi naman na nag-usisa kanyang ina pero halayang kinikilig pa rin. Nakabusangot tuloy siyang kumain.
Hindi siya sumabat sa kwentuhan ng tatlo. Tahimik siyang kumain. Gusto niyang matapos agad dahil naiirita siya sa binata. Nararamdaman niya kasi ang sulyap nito sa kanya.
"Sa kwarto lang po muna ako," paalam niya nang matapos.
Hindi niya tinapunan ng tingin ang binata nang tumayo siya. Iniwan niya ang tatlo roon at dumiretso sa kwarto. Tatapusin niya na lang ang trabahong naiwan para ma-distract ang isipan.
She badly needs it. Distraction.
IT WAS ALREADY two in the morning pero gising pa rin siya. Sa dami ba naman kasing naglalaro sa isip niya. Nakalimutan na ata ang salitang tulog. Kanina pa siya hindi mapakali. Naiinis na napabangon siya.
"Kasalanan itong lahat ng lalaking 'yon!" gigil niyang sambit. Masama ang tingin sa pinto.
Padabog siyang tumayo at lumabas kwarto. Magtitimpla na lang siya ng gatas. Baka sakaling gumana.
Tumambay muna siya sa kusina hanggang sa maubos ang iniinom. Hinintay niya munang antukin bago umakyat. Mabuti at dinalaw din siya. Lalaklakin niya talaga lahat ng ito 'pag hindi.
Napahikab siya habang naglalakad papunta sa kwarto. Ngunit napatigil nang mapansin ang bulto ng isang lalaki. Akala niya nagha-hallucinate na siya.
But no.
Dahil ang antok na kay tagal niyang hinintay ay nawala nang maglakad papunta sa kanya ang pigura. Namilog ang mga mata niya at napaatras.
It was him!
What is he going to do?