Chapter 03

1189 Words
Nanlaki ang mga mata niya sa paghakbang nito paabante. Napaatras siya. Bakit ito lumalapit sa kanya? Hindi ba nito nakikita na ayaw niyang madikit dito? "Tu-tumigil ka!" banta niya. Palapit na kasi itong nang palapit. "Sinabi nang tumigil ka! Hindi mo ba narinig?" gigil niyang sigaw. Para kasi itong bingi na tuloy-tuloy lang sa paglakad. Nanuyo ang lalamunan niya dahil kaunti na lang malalapitan na siya nito. Gusto niya nang tumakbo palayo pero hindi nakikisama ang mga paa niya. "Kapag hindi ka huminto, sisigaw ako rito at sasabihin kong may balak kang masama sa 'kin—" "Ano ba'ng pinagsasabi mo d'yan?" Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses na iyon. Siya na ang lumapit at hinaltak ang braso nito papunta sa liwanag. "Brandon!" bulalas niya. He's not Alessandro. . . Nakataas ang kilay nito. "Bakit tili ka nang tili. Ano'ng trip mo? Hindi ka na naman ba nakainom ng gamot?" nang-aasar nitong saad. Napapikit siya nang mariin. Nakakahiya. Mukha siyang timang kanina na sigaw nang sigaw. Eh, kapatid niya lang pala ito. "Mukha kang timang," sambit nito. Binitiwan niya ang braso nito at sinamaan ng tingin. "Bakit kasi nandito ka? Hindi naman dito ang kwarto mo, ah!" saad niya. Kaya niya rin siguro napagkamalan ito dahil kwarto niya lang naman at ng lalaking iyon ang nandito sa pasilyo. "Bakit? Bawal na bang dumaan dito?" Naasar niya itong tiningnan. Pasalamat ito at napahiya siya kundi kinaltukan niya na. Nasayang ba naman ang effort niyang magpaantok dahil dito. "Oo! Dahil wala rito ang kwarto mo!" asik niya. Saan ka ba galing kasi?" "Sa fiancè mo," sagot ni Brandon. Automatikong tumaas ang kilay niya. "Ano'ng ginagawa roon?" nagtatakang tanong niya. "Nakipaglabing-labing. Selos ka?" nang-aasar nitong sambit. "Possessive pala ang kambal ko?" Nag-init ang mga pisngi niya. "A-Ano ba'ng pinagsasabi mo diyan? Baka ikaw ang hindi nakainom ng gamot!" "Hey! Bro!" sigaw nito bigla. Kumunot naman ang noo niya dahil sa pagtataka. "Nagseselos 'yung kapatid ko. Lambingin mo nga rin," sigaw nito. Nataranta kaagad siya dahil sobrang lakas ng boses nito. Kulang na lang lagyan niya ng packing tape ang bunganga nitong matabil. "Manahimik kang hayop ka!" gigil niyang saway. Mapang-asar lang siyang tinawanan nito. "Paliwanag mo raw bakit galing ako sa kwarto mo, bro!" Hayop na— Kinuha niya ang tsinelas at akmang ibabato kay Brandon ngunit nakatakbo na ang hayop na lalaki. Nanggigil niyang isinuot ang tsinelas pabalik. "Humanda ka sa 'king lalaki ka!" gigil niyang bulong. Humarap siya upang bumalik sa kwarto nang mapatigil. May isa na naman kasing bulto roon. This time sigurado na siya kung sino ito. "You want what—" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tumakbo na siya papasok sa loob. Habol-hiningang itinapon niya ang sarili sa kama. Siguradong narinig ng lalaki ang pinagsasabi ng magaling niyang kapatid! Pinaghahampas niya ang unan dahil sa inis. Makakatikim talaga ang kulugong 'yon sa kanya bukas! MABUTI NA LANG wala na ang binata kinabukasan paggising niya. Hindi niya alam kung paano ikikilos. Lintek kasing kulugo 'yon! Sana naman hindi uto-uto ang lalaki. Baka isipin pa no'n na gusto niyang magpalambing kahit hindi naman. Mas gugustihin niya pang yumakap sa unan. Kapag nakita ko talaga ang kupal na 'yon, hindi na siya sisikatan ng araw! Nakabusangot tuloy siya habang nagta-trabaho. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang boses ng sekretarya. "Ma'am, nandito po si Miss Stella," imporma nito. Sunod na pumasok ang kaibigan niya. Si Stella Turner. Very confident itong pumasok sa office niya. May pa-sway sway pa ng itim na buhok. "Ano namang ginagawa mo rito?" nakabusangot niyang tanong. Naupo ito sa sofa. "Hindi mo na ako pinaupo. Ganyan pa tanong mo," sarkastikong saad ni Stella. Ibinalik niya ang tingin sa mga papel. "Busy ako. Can't you see? Ayoko ng istorbo," masungit niyang saad. "Porket ikakasal ka na, ginaganyan mo na ako." Umakto itong parang nagdaramdam. Savannah snorted. "Spill what you want. Ay, 'wag na pala. Halatang makiki-tsismis ka lang naman." Malapad itong ngumiti na ikinaismid niya. Lagi itong busy sa publishing company kaya halatang may agenda kapag napapadaan sa opisina niya. Malapad itong ngumiti. " Akala ko ba hindi ka magpapatali sa kahit kaninong kampon no Adan? Ano 'to?" "Hindi ba obvious? It's arranged marriage," tipid niyang saad. "And I can't say no. It's Mom's only request. Gusto niya na akong mag-settle down dahil natatakot siyang tumanda ako mag-isa." Napatango-tango si Stella. "Naiintindihan ko si Tita. Grabe ka naman kasi mag-fasting sa lalaki. After Haydon, wala na talaga. How are you gonna enjoy your life more?" saad nito. "I can enjoy my life without a man, Stella. I don't need them," mariin niyang saad. Dalang-dala na siya. After what happened between her and her ex-boyfriend. Nawalan na siya ng gana makipagrelasyon. Muntik pa nga siyang maging manhater dahil sa galit niya. "Of course, you still need one. I am also an independent woman and sometimes hate men's gut pero kailangan ko pa rin naman ng kutsilyong hihiwa sa petsay ko," saad ng kaibigan. Nahilot niya na lang sentido sa pinagsasabi nito. Hindi niya na lang pinansin. "I still hate the idea of marriage. Lalo na kung ang lalaking 'yon ang magiging asawa ko." Tumaas ang kilay ni Stella. "Sino ba ang fiancè mo?" tanong nito. Saglit niyang tiningnan ang kaibigan bago niya sinagot ang tanong nito. "It's. . ." Huminga siya nang malalim. "It was Alessandro. . . Forfax." Namilog ang mga mata ni Stella at napasinghap. Kulang na lang ay mapatayo ito. "What! How?" Itinukod niya ang mga siko sa lamesa at naihilamos ang mga palad sa mukha. "It was my parent's choice but mostly si Mom." "W-wow. . . Sa rami ng effort mong layuan siya noon, sa kanya ka pa rin babagsak," saad nito. "Hindi kaya destined talaga kayo?" Sinamaan niya ito ng tingin. "There's no such thing. Nagkataon lang dahil close niya si Dad. Noon pa man ay nakikita na natin siya 'diba? Even on my 18th birthday he was there." Stella nodded in agreement. "What's your plan now? Magiging Mrs. Forfax ka na ba sooner?" tanong nito na nakapagpatigil sa kanya. Mrs. Forfax. Nag-iwas siya ng tingin. "I don't want to disappoint Mom pero ayoko talaga. May maisu-suggest ka ba?" tanong niya. Sumandal si Stella sa upuan at umaktong nag-iisip. Tahimik naman siyang nag-aantay. Hindi kasi talaga gumagana ang isipan niya. Kaya sa opinyon na lang nito siya aasa. "If you can't turn down the marriage, maybe he can. . ." Napatingin ito sa kanya. Nagniningning ang mga mata niya nang ma-gets ito. "That's right! Kung siya mismo ang aatras sa kasal, wala ka nang poproblemahin. Magiging madali na lang sa 'yo kung siya ang magsasabi kay Tita Milana at Tito Arthur!" "Tama ka! Ang talino mo talaga!" tuwang-tuwa niyang saad. Yes! I finally have an idea now! "Akalain mo 'yon? May maidudulot din pala ang pang-iistorbo mo rito," saad niya rito. "Oo, kaya let me disturb you more next time." Malawak ang ngiti niyang sumandal sa swivel chair. Pakiramdam niya naka-solve siya ng mahirap na math problem sa test. Stella is right. I won't disappoint Mom if he refuses first. Pero paano niya nga pala magagawa iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD