Chapter 04

1969 Words
MABUTI na lang pala dumating si Stella. Kung hindi, namuti na ang buhok niya sa bunbunan. Bukas na bukas din, pupuntahan niya ang lalaki. Susubukan niyang kumbinsihin ito. Pakiramdam naman niya magiging successful ang kanyang plano. He's handsome, wealthy and influential. Hindi mo na kailangan pag-isipan kung may naghahabol dito dahil siguradong-sigurado na. Sa ganda pa lang ng mga kulay ginto nitong mata, tangkad at lalaking-lalaki na tindig. Walang sinumang hindi hahabol nang tingin. Hindi rin kapintasan para rito ang pagiging intimidating. Mas nakaka-attract pa nga. Napasabunot siya sa sariling buhok. "I'm thinking about him again. I really need to get rid of him as soon as possible." Nag-angat siya ng tingin sa pinto nang may kumatok. Pumasok doon si Stephano. "What?" Sumulyap ito sa relo. "It's five. Are you going to overtime again?" himig nanenermon nitong tanong. Stephano is like a brother to her. Hindi talaga ito umaaktong employee kapag kaharap siya. Minsan okay lang pero syempre minsan hindi rin dahil nakaka-badtrip ang sarcasm na meron ito sa katawan. Napabuga siya ng hangin saka tiningnan ang wrist watch. Alas-singko na nga. Huling check niya alas-dos pa lang. She was so caught up na hindi niya na napansin ang oras. Lihim siyang napailing. All those hours were filled by only him. Napakagaling talaga, Savannah. Niligpit niya muna ang gamit bago umalis. Tahimik lang siya mula sa elevator hanggang sa makasakay. Ang bigat ng pakiramdam niya. Daig niya pa ang nagbuhat ng gamit samantalang nasa opisina lang siya at nakaupo. Hinilot niya ang nananakit na batok dahil sa matagal na pagkakayuko. "We're here," anunsyo ni Stephano. "Thanks," bulong niya. Lutang at pagod siyang lumabas ng kotse. Hindi na niya narinig tuloy ang sinabi ni Stephano. Ang tanging nasa isip niya na lang ay matulog. Malapit na siya sa unit nang mapako ang mga paa. Nawala ang pagkalutang niya at namilog ang mga mata. Nakatayo ngayon ang lalaking kanina lang ay nasa isip niya. Ano'ng ginagawa nito sa harap ng condo unit niya? Humakbang ang isa niyang paa ngunit napahinto rin. Binundol kasi ng kakaibang kaba ang dibdib niya. Bagay na palagi niyang nararamdaman kapag malapit siya rito. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ito nilapitan. Nagbaling ito ng tingin sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" pormal niyang tanong. Nakakapanghina ang mga titig nito. Gusto niya na lang lagpasan ito at pumasok sa unit na parang wala lang. Mabuti na lamang mahaba ang pasensya niya. "It's almost six." Tumaas ang kilay niya. "Ano ngayon?" masungit niyang tanong. "You are overworking." "Ano ngayon kung ino-overwork ko ang sarili? It's none of your business," malamig niyang saad. Nalampasan niya na ito nang muling magsalita ang binata. "It's bad for yourself. Kumain ka na ba?" mahinahong tanong nito. Nagtataka niya itong nilingon. Bakit ba ito concern sa kanya? At ano'ng ginagawa nito sa condo niya?—Wait! Paano nito nalaman kung saan siya nakatira? "What exactly is the reason you're here?" nagsususpetsya niyang tanong. Bahagyang tumaas ang kilay nito. "Masama ba'ng dalawin ang magiging asawa ko?" Daig niya si flash sa bilis niyang nag-iwas ng tingin. Paulit-ulit niyang minura ang sarili sa isip dahil sa pag-init ng mga pisngi. "I have something to tell you," bigla niyang saad. "Mabuti na rin na nandito ka. It's important." Mabuti na lang pumasok kaagad sa isip niya ang plano. Hindi na siya mag-aabalang puntahan ito bukas. Plus pa na ito na ang magiging huli nilang pagkikita. "I don't wanna hear it." Kumunot ang noo niya. Humarap siya rito. "You have to! Tungkol ito sa kasal," mariin niyang saad. "Kumain ka na ba?" Seryoso? Ito ang itatanong nito pagkatapos niyang sabihing importante ang sasabihin niya? Tinaliman niya ang tingin para iparating dito na hindi siya nakikipagbiruan. "I said, it is important. Kailangan mong makinig—" "I said I don't want to hear it. Bukas na lang," kaswal nitong saad. "But—" Tumitig ang mga mata nito sa kanya. Kaagad siyang napaiwas ng tingin. "Bahala ka. Kung ayaw mo, edi 'wag. Bukas na tayo mag-usap. Umalis ka na." Muli niya itong tinalikuran. "Wait!" Napahinto muli siya sa paglalakad. Pumikit siya nang mariin. Ano pa ba'ng gusto nito? "What?" asik niya. Marahas niyang hinarap ito nang hindi ito umimik. Pinagsisihan niya rin kaagad ang ginawa dahil ang dibdib nito ang nakaharap niya. She froze. "I didn't mean to sound controlling. I'm sorry. Hindi ko alam kung paano maging perpektong asawa but I will do my best." Natameme siya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito. Kinuha nito ang palad niya at inilagay roon ang hawak na paper bag. Napakurap siya. "I've heard how hardworking you are and I am proud. But please, don't overwork yourself. I will provide you everything." Nadarama niya ang malakas na pintig ng puso. Almost like she's having a heart attack. Napatitig siya sa paperbag. "Eat well. Goodnight, wife." Naiwan siyang nakatanga roon at gulong-gulo sa nararamdaman. Sinapo niya ang dibdib. It's still beating fast. "I—I really hate you, Alessandro Forfax. . ." PINAGMASDAN niya ang sarili sa salamin. Calculated and sophisticated. That's what describes her right now. Dapat sa unang tingin pa lang ng lalaking 'yon, papayag kaagad. Kung hindi niya ito kayang mapa-oo sa mabilis na paraan. She has to be intimidating then. Kung kailangan niyang ipakita kung sino siya sa mundo ng business, gagawin niya. She has closed billion dollar deals, but this will top them all. Ito ang pinaka-mahalagang deal na kailangan niyang makuha. "Just wait, Alessandro Forfax. I will get what I want. . ." bulong niya sa sarili. Kumuha siya ng itim na coat para patungan ang suot na damit. Naka-red long sleeves, itim na jeans at itim na high heeled boots siya. Hinayaan niya lang na nakalugay ang buhok na kulay chestnut brown. Taas-noo siyang lumabas ng unit. Nangunot naman ang noo ni Stephano. Napansin ata ang determinasyon sa mga mata niya. "You're not going to murder a person, right?" tanong nito kaagad. "I'm not. But if you pissed me off. Baka ikaw ang gilitan ko," banta niya. Nilampasan niya ito. "Just saying." Hindi niya na ito pinansin. Nauna siyang pumasok sa kotse. She settled herself in the backseat and kept herself calm. She needs it later. Napapansin niya ang pasulyap-sulyap ni Stephano sa kanya sa rearview mirror. Malamang ay nawe-werduhan sa kaseryusuhan niya ngayon. Hindi naman ito nagkomento kaya hinayaan niya pero kung magko-comment ito. Masasapok niya talaga. "To Forfax's building," utos niya. Sumulyap ang binata sa kanya. "To your fiancè's company?" Nagusot ang mukha niya. "Hindi ko siya fiancè so quit calling him that!" singhal niya. Nasapo niya ang noo. Kailangan niyang huminahon. She has to be emotionless the moment she steps out the car. Bakit ba napaka-stressful ng lalaking ito ngayon? "Whatever." Tinaliman niya ito ng tingin. Hindi nito nakita dahil hindi na nakatingin sa kanya sa rearview mirror. Ito pa ang may ganang magsungit! Nakalimutan ata nito kung sino ang boss sa kanila. Pasalamat ito at hindi siya pwedeng maging amazona ngayon. Ipinikit niya ang mga mata at pinayapa ang sarili. Ilang saglit lang, huminto na rin ang sasakyan. "We're here." Dumilat siya. "Huwag mo na akong ihatid. I will face him myself," seryoso niyang utos. "Hindi naman talaga." Nanliit ang mga mata niya. Talagang ayaw nitong tumigil, ah. Muntik itong dumikit sa windshield nang sadya niyang sipain ang upuan nito. Nawala ito sa poise at pinanliitan din siya ng mata. "Sorry. Ang haba kasi ng legs ko. Hindi kasya," labas sa ilong niyang paumanhin. Hindi niya na hinintay pa ang reaksyon nito. Lumabas siya ng kotse at taas-noong pumasok sa loob. Hindi na siya nag-abalang magtanong sa receptionist. Lagi namang nasa top floor ang office ng isang C.E.O. Dalawang naka-black suit ang sumalubong sa kanya. Nagtinginan muna ang mga ito bago lumingon sa kanya. "May appointment ka, Miss?" tanong ng walang buhok sa bunbunan. "Wala pero importante ang pinunta ko rito. Kaya tabi," mautoridad niyang utos. "No appointment, no entry. Busy ang boss namin. Hindi siya tumatanggap ng bisita ngayon," saad naman ng may bigote at balbas pero walang buhok sa ulo. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Savannah Sarmiento," saad niya. "That's my name. Tell him that." Nagkatinginan ang mga ito. Nanlalaki kapwa ang mga mata. Umatras din naman kapagkuwan upang bigyan siya ng daan. Naging pormal ang mga mukha ng dalawa. "Pasok po kayo, Miss Sarmiento." Kumunot ang noo niya. Ano'ng meron at parang tutang umamo ang mga ito sa kanya? Kahit nagtataka ay binalewala niya na lang. Mas mahalaga ang dahilan ng pagpunta niya rito. Lumapit siya sa nag-iisang two double mahogany door. Nabitin sa ere ang kamay niyang papakatok na sana sa double doors. Binaha ng kaunting kaba ang dibdib niya. Realization hits her. Behind this door was him. The man she had been avoiding for years for some reason aside from fearing his presence. Humugot siya nang malalim na hininga saka itinulak ang pinto bago pa magbago ang isip niya. Ang Alessandro na inaasahan niya ay nagbabasa at mag-aangat nang tingin dahil sa biglaan niyang pagdating. Ngunit hindi iyon ang nanyari. He's already staring at her. Sitting on his swivel chair like a king. His golden eyes were looking at her intently. Kahit malayo ay ramdam niya ang intensidad mula sa mga mata ng binata. "Hello, wife. What can I do for you?" Muntik nang mawala ang lahat ng inipon niyang tapang dahil sa lalim ng boses nito. Magaling siyang magbasa ng isip ng tao ngunit kapag ito. Lagi na lang siyang nanghuhula. Humugot siya nang malalim na hininga. It's now or never. Kung maduduwag siya ngayon, sayang lahat ng effort niya kanina. "May kailangan tayong pag-usapan," panimula niya. Lalong tumiim ang mga mata nito bagamat hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha. Tila naghahamon ang mga mata nito. Muli siyang nagsalita nang hindi ito umimik. "It's about our fixed marriage." Sinadya niyang diinan ang salitang fixed upang bigyan ito ng hint. Hindi na naman ito umimik kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "You're wealthy, influential, young and. . . handsome." Mahina siyang napabuga ng hangin. Nahirapan pa siyang banggitin ang huli. "You can have any woman you want in just a snap of your fingers. Kaya hindi kawalan sa 'yo kung iba ang pakakasalan mo." He tapped his fingers on the table. "You want me to find another woman to be my wife. Iyon ang ibig mong sabihin." Hindi patanong ang pagkakasabi nito. "Yes, gusto kong iurong mo ang kasal. I know you can do that. If you think thoroughly—" "Bakit ko gagawin iyon?" Kusang napaatras ang isang paa niya nang tumayo ito. He started walking near her. Sa bawat pagtapak ng paa nito palapit, ang siya namang paglakas ng t***k ng kanyang puso. "A-Ano'ng ginagawa m-mo? S-stay there!" mariin niyang utos. Kababakasan na ng kaba ang boses niya. "No. I won't." Tinulak niya ito sa dibdib nang tuluyang makalapit ngunit sinalo nito ang kanyang pulso. Napasinghap siya sa bigla nitong paghila. Nagtaasan lahat ng balahibo niya sa katawan dahil sa mainit nitong hiningang tumatama sa kanyang leeg. "I don't like your proposal, Savannah" maaligasgas ang boses nitong saad. Sinubukan niyang hilahin ang pulso ngunit lalo lang humigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanya. "And I don't like your refusal, Alessandro!" mariin niyang saad. "Bakit ba nagpapaka-impokrito ka pa? You will benefit at it anyway. Makakahanap ka pa ng iba." "I don't like anyone else." Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. Isang maliit ngunit mapaglarong ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata. "Bakit pa ako maghahanap ng iba kung nasa harapan na kita? You will be my wife whether you like it or not." Napakurap siya nang bigla nitong pitikin ang kanyang noo. Gulong-gulo niya itong tiningnan. "Kung wala ka nang sasabihin. You can now go. Take care, wife." Laglag ang kanyang panga nang lagpasan at iwan siya nito sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD