Hindi niya malaman kung anong tumatakbo sa isip ng binata at tinanggihan ang alok niya. Parehas namin silang magbe-benefit sa proposal niya. Kahit kailan talaga ay napakahirap nitong basahin.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Ngayong hindi ito pumayag sa alok niya. Balik na naman siya sa pamomroblema kung paano mapipigil ang kanilang kasal.
Nag-angat siya ng tingin sa pinto nang may kumatok doon. Kasunod no'n ang pagpasok ni Stephano. Bumaba ang mga mata niya sa hawak nitong bulaklak. Lalong dumami ang linya sa kanyang noo.
"Ano 'yan?" naiirita niyang tanong.
"Obviously, it's flowers," sagot nito.
Tinaliman niya ito ng tingin. "Kung hindi lang kita pinagkakatiwalaan. Matagal na kitang tinanggal," gigil niyang usal.
"But unfortunately, you trust me so much. You can't find anyone like me. Kaya magtiis ka," kaswal nitong saad.
"Kanino galing 'yan at saan siya nakakuha ng lakas ng loob para padalhan ako ng bulaklak? Everyone knows how much I hate these cliched things," masungit niyang tanong.
"It's from your soon-to-be husband. The reason? Just call him. I don't have time to ask," saad niya.
Wala itong paalam na tumalikod at iniwan siya sa opisina. Kung makaasta talaga, akala mo ito ang nagpapasahod sa sarili.
"Bawasan ko nga sahod nito. . ." bulong niya.
Bumaling ang atensyon niya sa bulaklak na nasa lamesa. It's a fresh picked white roses. Dati kinikilig pa siya sa mga ganito pero ngayon hindi na. Ayaw na ayaw niyang pinapadalhan siya ng bulaklak, chocolate, stuff toys at kung ano-ano pa.
Kahit sino pa ang mga ito. Kaibigan, manliligaw o business partner. Hindi niya tatanggapin. Pati pamilya niya alam ang bagay na ito. She have no idea how did they knew but at least, hindi na siya mahihirapang tumanggi.
Kung gusto niya ng mga bagay na iyon. Bibili siya. Sarili niyang pera. Hindi niya kailangan manggaling iyon sa iba. Savannah doesn't want to be rude. Ayaw niya lang ng sinusumbatan. Galing na siya roon, eh. Ayaw niya nang araw-araw ma-guilty o gumawa ng labag sa loob dahil lang sa feeling niya may utang na loob siyang kailangang bayaran.
Kinuha niya ang bulaklak upang suriin nang may nahulog mula roon. It's a small red card. Her one slender finger opened the card and read its content.
Have dinner with me tonight, wife.
Hubby
Nagusot ang noo niya pagkabasa. "Ano namang pakulo ito?" tanong niya sa sarili.
As if namang makikipag-dinner talaga siya rito. Kaka-propose niya lang kahapon na iurong ang kasal. Hindi ba nito na gets na ayaw niya rito?
Initsa niya ang card sa lamesa at sumandal sa swivel chair. She rolled herself to face the glass wall. Hawak niya pa rin sa kamay ang bulaklak na galing sa binata.
"These are beautiful but I refuse. . ." bulong niya sa sarili.
Kung kailan niya ito paghintayin at paasahin mamaya para malaman nitong ayaw niya rito. Then she will do it.
BUSY siya sa pagbabasa ng reports nang bumukas bigla ang pinto. Muling bumaba ang kanyang mga mata sa binabasa. Si Stephano lang pala.
"What do you want this time?" bagot niyang tanong.
"It's six. Have you had no plans on going home?" tanong nito. Akala mo ay kapatid niya. Daig pa ang kambal niyang kung saan-saan nanggagala.
"Uuwi ako kapag tapos na ako. Why are you fussing? This is not new," saad niya.
"Won't you go meet your husband?" muling tanong nito.
Naasar siyang nag-angat ng tingin dito. "I said don't call him that. Hindi ko siya at asawa. Hinding-hindi ko siya magiging asawa!" singhal niya.
"Huwag kang magsalita ng tapos. Baka magulat ako, sampo na anak niyo."
Lalo siyang nanggigil. "Get out!" sigaw niya.
Saglit siya nitong tinitigan bago tumalikod at tuluyang nilisan ang kanyang kwarto. Sumandal siya sa swivel chair at nahilot ang sentido. Sumasakit ang ulo niya sa pinagsasabi ni Stephano. Matatadyakan niya talaga ito one of these days.
Hindi na rin siya nakapag-focus sa pagtatrabaho kaya napagpasyahan niya nang umuwi. Niligpit niya ang kalat sa lamesa bago dinampot ang bag. Naabutan niya si Stephano na nakahiga sa mahabang sofa sa labas ng office niya at tulalang nakatitig sa kisame.
Bumaling ang tingin nito sa kanya. "Finally, you resurrect."
"Panira ka, eh," singhal niya.
Tumayo ito at sumunod sa kanya. Tahimik lang siya sa biyahe habang nagche-check ng email sa cellphone. So far, wala pa namang unknown number na tumatawag sa kanya. He's probably on a restaurant now. Waiting for her.
Napatigil siya sa pagtipa. She released a harsh breath. Pumasok sa isip niya ang imahe ng binata habang matiyagang naghihintay sa kanya. Nakaramdam siya ng kaunting guilt.
"I have to do this. . ." pabulong niyang kumbinsi sa sarili.
Masama man tingnan o pakinggan pero ito lang ang naisip niyang way matapos ang pagtanggi nito sa kanya kahapon. Alessandro needs to realize that she's serious. She wants to break away from the marriage.
"We're here," anunsyo ni Stephano.
Lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto. Walang imik na lumabas siya ngunit bago siya makaalis. May sinabi itong nagpahinto sa kanya.
"May the guilt eat you so you won't be able to sleep tonight. Have a bad night."
Napatingin siya rito. Nakasunod ang tingin niya sa binata hanggang sa makaalis ang kotse. Mahina siyang napabuga ng hangin. Stephano knew what she's planning and doesn't like it.
Tulala niyang tinungo ang condo unit. Mabigat ang pakiramdam niya. Kabaliktaran kanina na active na active dahil sa determinasyon.
Binuksan niya ang pinto ng unit saka pumasok. The familiar silence enveloped her. Iba talaga ang hatid sa kanya tuwing umuuwi. Kahit mag-isa lang siya. It's so comforting. No one's watching her. It was just her here.
Diretso siyang tumungo sa kwarto at pumasok sa banyo. She took a short shower. Kulay puting manipis na bestida pantulog ang sinuot niya. Abot hanggang kalahati ng hita niya ang bestida ngunit long sleeve naman.
Imbes na maghanda ng pagkain. Kumuha lang siya ng tubig at mansanas. Mas lalo niyang naramdaman ang pagod matapos maligo. At kapag ganito, kadalasan ay hindi na siya kumakain.
Pabalik na siya sa kwarto nang may mag-doorbell. Nangunot ang noo niya. Mukhang nandito na naman ang magaling niyang kambal para manggulo sa payapa niyang buhay.
Bagot niyang tinungo ang pinto at binuksan. "What the hell do you want—"
Ang bagot niyang mukha ay napalitan ng pagkabigla. Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang mga labi. Hindi si Brandon ang nasa harap niya ngayon kundi si Alessandro!
Napaatras siya nang humakbang ito papasok sa loob ng kanyang condo.
"A-Anong g-ginagawa mo rito?" kinakabahan niyang tanong.
His serious golden eyes met her eyes. "Hindi mo 'ko sinipot."
Bumuka ang mga labi niya ngunit wala namang lumabas na salita mula roon.
He crossed his arms. It makes him more intimidating. Napalunok siya.
"I knew you would do that. Why did I even bother asking you," saad nito.
"M-Masama pakiramdam ko. I need to be alone. Umalis ka na," usal niya. Pumiyok pa siya.
"No. You're not sick."
Napakurap siya. Kumabog ang dibdib niya nang magbaba ito ng mukha. His face was so close, their faces almost touch.
"I want to have dinner with my wife, so I will have dinner with my wife."
Napatanga siya rito nang umangat ang isa nitong kamay. May dala-dala itong maraming plastic.
"A-Ano 'yan?" gulat niyang tanong.
"I take out our food. If you can't go to me. Then I will go to you myself. Magdi-dinner tayo."
Nilampasan siya nito at naunang pumasok sa kusina. Naiwan siyang tulala at kinukwestiyon ang sarili.
Kailan niya ba mahuhulaan ang tumatakbo sa isip ng lalaking iyon?