TULALA siya sa binata habang ito ay tahimik at kaswal na inihahanda ang pagkain sa kanyang mesa. Pulido ang bawat kilos nito. Mukha ring wala itong pakialam sa kaalamang condo niya ito at hindi welcome ang binata.
Bumaba ang mga mata niya sa mga pagkaing inuwi nito. Ang akala niya ay marami itong tinake-out. Mabuti na lang at hindi. She won't be able to finish it all at base sa pangangatawan ng binata. Hindi rin ito mukhang kumakain nang marami.
"Hindi ka rin mapilit, no?" sambit niya. Hindi siya pinansin nito.
"Sit. I'm done," utos ng binata.
She crossed her arms. "What will you get from continuing this? My offer still stands—"
"Sit, Savannah. Oras ng pagkain. Don't start me with that proposal of yours," mautoridad nitong saad.
Umawang ang mga labi niya. Balak niya pa sanang magreklamo ngunit natameme siya nang magtaas ito ng tingin sa kanya. The man looks like a scolding father, and she doesn't want to be scolded.
No choice siya kundi sundin ang gusto nito. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa lamesa at naupo. Alessandro sit next quietly. Sumulyap siya rito.
He was casually eating. He doesn't seem bothered by her presence samantalang siya hindi mapakali.
"Why do you want to have dinner with me?" tanong niya. And why are you so persistent?
Gusto niyang idagdag ang mga katagang iyon ngunit pinigilan niya ang sarili. Inabot niya ang kubyertos at nagsimulang kumain.
"Because I want to eat you—"
"What?" sindak niyang tanong.
Napatigil ito sa pagkain. Nag-angat ang seryosong mga mata nito sa kanya.
"I said I want to eat with you."
Napakurap siya. What's happening with her mind? Pati utak niya naapektuhan na ata. Umiwas siya nang tingin dahil hindi man lang ito nagbaba ng tingin.
"You're not eating after work."
Nanlaki ang mga mata niya. Muling bumalik tuloy ang tingin niya rito. Paano nito nalaman iyon? Is he stalking her? But that's impossible. Sa condo kaagad siya dumidiretso kaya walang nakakaalam kundi ang sarili lang.
"W-Who told you that? Kumakain ako. You're just assuming things," tanggi niya.
"Kung hindi ako dumating, ano'ng kakain mo dapat?" tanong nito bago muling bumalik sa pagkain.
Natahimik siya. Kung hindi ito dumating, malamang na wala na siyang kakainin bukod sa mansanas. She was too tired to eat.
"You don't have to lie. I can accept your truth."
Kumuyom ang mga palad niya. "Bakit ba nangingialam ka? So what kung hindi ako kumakain? Ikaw ba ang mangangayat? Ha?"
"Hindi, pero ako ang mag-aalala para sa 'yo."
Natameme siya.
"I am not a perfect man, but I will do my best to be a good husband. That's all I can do. Kaya hayaan mo akong mag-alala sa 'yo," seryosong usal nito.
Sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay maririnig nito iyon. Pasimple niyang sinapo ang dibdib. May kung anong nabuhay sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag.
"Eat, wife. You have to rest," muli saad nito.
Ngunit hindi na siya muling nakagalaw hanggang sa matapos ito. Sumunod ang tingin niya sa binata nang tumayo ito at sinuot ang coat. Bumaba ang mga mata nito sa kanyang mukha kaya nag-iwas siya ng tingin.
"Goodnight. . ."
Mahina siyang napasinghap nang haplusin nito ang kanyang ulo bago siya tuluyang iniwan sa kanyang kusina. Saka lang siya nakahinga nang maayos nang marinig ang pagsarado ng pinto sa kanyang condo.
"What's. . . What's with that man?" she whispered, both confused by Alessandro's actions and her heart's reaction.
LUTANG siya kinabukasan. She can't figure out what the agenda is behind Alessandro's act. He's a businessman. He wasn't known as a successful businessman kung hindi ito matinik sa mga bagay-bagay. Ang tipong taong tulad ng binata ay laging may agenda sa bawat kilos.
"But what is it? What does he want?" bulong niya sa sarili. Tulala siya habang nakatingin sa bintana ng kotse.
"Maybe you?"
Bumaling ang mga mata niya kay Stephano na seryosong nagda-drive. Ano na namang pinagsasabi nito? She straightened up and crossed her arms. She gave him a stern look.
"No'ng nakaraan ka pa, ah. Gusto mong mawalan ng sahod for three months?" banta niya.
"I'm just suggesting," payak ang boses nitong saad.
Mahina siyang napabuga ng hangin. "I don't need your suggestion." Lalo na kung ganyan ang suggestion mo.
Muli siyang bumaling sa bintana. Well, whatever his agenda is, she will not be swayed. She must. Kahit anong tamis ng mga salitang lumalabas sa magandang mga labi nito. Hindi na magbabago ang desisyon niya.
Hindi siya papatali rito.
Naabutan niya si Stella na nag-aantay sa kanya sa opisina. Taas ang kilay na tiningnan niya ito.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong niya.
Dumekwatro ito bago siya sinagot. "Ano nang nangyari sa plano mo? Did it work?" excited na tanong nito.
Nakabusangot na pabagsak siyang naupo sa swivel chair. "No, it didn't."
Lumaki ang mga mata nito. "What! Why? Arranged marriage iyon, right? Why did he refuse—"
Lalong lumaki ang mga mata nito at nagniningning pa. Stella smile weirdly at her. Napakunot-noo siya.
"Don't tell me Alessandro Forfax likes you?" nang-aasar na usal nito.
Nabitin ang kamay niya sa paglipat ng page sa hawak na dokumento. Gusto siya nito? That's impossible and. . . and absurd! Oo at matagal na silang magkakilala, hindi nga lang close, pero imposibleng magustuhan siya nito.
"Magkapatid ba kayo ni Stephano? Pareho kayong baliw," kalmadong saad niya kahit sa loob niya ay gusto nang batuhin ito ng ballpen.
"Ano namang meron sa sinabi ko para masabi mong baliw ako? It's one of the possible reasons. Come to think of it—"
"Stella!" suway ko. "Umuwi ka na bago kita tadyakan palabas!"
"Ayoko nga. Pagkatapos kitang hintayin nang matagal dito. Papalayasin mo uli ako," mataray nitong saad at humiga pa sa kanyang sofa.
"Hindi kita papalayasin if you're not talking nonsense! Ano ba kasing pinunta mo rito? Aren't you busy?" naasar niyang tanong sa kaibigan.
"I am pero nababagot na ako. Ilang araw na akong stuck sa opisina. Gusto kong magliwaliw. Pero ayoko namang mag-isa kaya isasama kita." Dumapa ito sa sofa at nakangising tumingin sa kanya.
"Busy ako. Alam mong ayaw na ayaw kong natatambakan ng trabaho," tanggi niya sa balak nito.
"Ano ba'ng makukuha mo sa sobra-sobrang pagtatrabaho? Hindi ba sumasakit ang katawan mo? Baka napudpod na ang pwet mo d'yan! Ano na lang ang hahawakan ni Alessandro sa 'yo kapag nagbalibagan na kayo sa kama," tatawa-tawa nitong saad.
"Stella!" nahintatakutang sigaw niya. Hindi siya pinansin nito.
"But seriously, kahit isang buwan kang magpahinga. Hindi ka naman maghihirap. Your parents are already rich. Bakit pa nagpapakapagod ka pa?" Umiling-iling ito na parang sobrang disappointed sa kanya.
Kaunti na lang, mababato niya na talaga ito ng folder. 'Yung solid ang cover.
"You asked like you didn't know why," seryoso niyang sagot.
Muli itong napailing. "Nago-overthink ka lang."
Hindi na niya inimikan ang kaibigan. She focused herself on the document she's reading.
"So? Sumama ka mamaya," muli nitong wika.
Mahina siyang napabuga nang hangin. "Ayoko nga," tanggi niya.
"Sumama ka. Kung hindi mo kayang pakiusapan ang future asawa mo. Then, gumawa ka na lang ng mga bagay na matu-turn off siya."
Napatigil siya sa pagbabasa dahil sa sinabi nito. May ideyang pumasok sa isip niya. She looked at her.
"Iyan ang pinakamaganda mong sinabi," nakangiti na niyang saad.
Napailing ito at tumihiya. "Businesswoman ka nga. Nakikinig ka lang sa kung saan ka magbe-benefit."