07
SHE HAD GIVEN him a choice but he refused, so this time she will give him no choice, no other option, and only one answer to get what she wants. Gagawin niya ang lahat para ma-turn off ito para ito na mismo ang magtapon sa kanya paalis sa buhay nito.
Inayos niya ang dress na hapit na hapit sa kanyang katawan habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. She was wearing a sparkly gold bodycon dress, gold stilettos, and her hair was in a high ponytail. Mukha na siyang high class prostitute sa suot pero wala siyang pakialam.
She has never worn these kinds of clothes, especially to a bar, but she will do it tonight. All this effort for Alessandro. Para lang layuan siya nito. Savannah released a harsh breathe. Ilang segundo niya munang sinulyapan ang sarili bago kinuha ang cellphone. Tinext niya si Stella na on the way na siya. Sa bar sila magkikita.
Sunod niyang kinuha ang purse saka lumabas ng kwarto. Stephano meet her outside her condo. Nalaglag naman ang mga panga nito nang makita siya. Ang laging naka-poker face na mukha nito ay nagkaroon ng emosyon.
"What the actual hell are you wearing, young woman?" gilalas na tanong nito.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Nakapameywang pa na akala mo tatay na nanenermon sa kanyang anak. Tinapunan niya lang ito ng tingin at nilampasan. Sumunod din naman ito sa kanya.
"Savannah!"
"I have a plan to execute tonight, Stephano, and this dress is my weapon," saad niya.
"What? Weapon? Have you gone insane?"
"Tuluyan talaga akong mababaliw kapag hindi ko napaalis ang lalaking 'yon sa buhay ko kaya tumahimik ka na lang d'yan! Huwag mong sasabihin ang nakita mo ngayon kay Mom at Dad kundi humanda ka sa 'kin," banta niya sa binata.
"And do you think they won't know even if I stay silent?" tanong nito.
"Basta wala kang sasabihin. Maliwanag?" mautoridad niyang utos.
Marahas na napabuga ng hangin ang nakasunod na binata. "You look like an idiot right now. Don't you realize that?"
Kahit mahina ang pagkakasabi nito ay narinig niya. Nilingon niya ito upang samaan ng tingin. Nanahimik na ito pagkatapos. They reached the bar, where Stella often hung out. Automatikong napalingon sa kanya ang mga nasa bar sa pagpasok niya. Iginala niya ang tingin upang hanapin si Stella. She saw her friend on the second floor, drinking alone. Kumaway ito nang makita siya.
"Such a bad influence. . ." bulong ni Stephano nang makita si Stella.
Hindi niya pinansin ang komento nito at tumungo sa puwesto ni Stella. Namilog naman ang mga mata ng kaibigan pagkakita sa kanya. Napatakip pa ito sa nakaawang na labi.
"Ano 'yang suot mo? Are you planning to dance on a pole, hook up with someone or something?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Naupo siya sa katapat nitong silya. Si Stephano ay sa ibang lamesa umupo at mag-isang uminom ng light drinks habang nagmamatyag sa paligid.
"None of what you said, but I am planning something tonight," amin niya rito.
Nagtaka naman ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "And what is that?"
Ngumisi siya. "It's plan 101: Turn Alessandro Off."
Lumaki ang mga mata nito. "At talagang gagawin mo ang suggestion ko?"
"Yes, at tutulungan mo 'ko," saad niya.
"What? Ayoko nga! I don't want to go bankrupt! Mahal ko pa ang publishing house ko!" tanggi nito.
Kinuha niya ang bote ng beer at isinalin ang laman sa basong may ice cubes saka iyon nilaklak. Humagod ang mapait na lasa ng alak sa kanyang lalamunan.
"You have no choice. Tutal ikaw ang nakaisip no'n, ikaw ang dapat tumulong sa akin. Don't worry, you won't go bankrupt. Tayo lang namang dalawa ang nakakaalam nito," she assured.
Bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalangan. Nagsimula itong hindi mapakali. "You know you're my best friend pero huwag mo naman akong isama sa kalokohan mo. If you want to die, die alone. Ayoko pang mamaalam sa mundo."
"Why are you overreacting? As if namang literal na tatanggalan ka ng hininga ng lalaking iyon," nakasimangot niyang saad.
Napailing ito sa kanya sabay laklak ng sariling alak. "Gusto ko lang namang magliwaliw. . . " nagrereklamong bulong nito.
"I don't really get you. Why are you so afraid of him?" tanong niya.
Binigyan siya nito ng sarkastikong tingin. "At ako pa talaga ang tinanong mo niyan, ah? Parang hindi ka naging daga noon makaiwas lang sa paningin niya!"
Nag-iwas siya ng tingin. "It's in the past now."
"If it's in the past now. Pakasalan mo nga siya? Hindi mo kaya no? Kasi ayaw mong aminin na attracted ka sa kanya kaya takot ka sa presensya—"
Isinubo niya rito ang chips. Napaubo ito.
"Kulang ka ata sa pulutan. Gusto mo pa?" tanong niya.
Napabusangot naman ito. "Sana hindi na lang kita niyaya rito. . ."
Muli niyang nilaklak ang alak na hawak. She sat there for minutes. May ilang lalaking sumubok kausapin siya ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. She silently readied herself before calling Stella's attention.
"Call him now," utos niya.
"Huh?" nagtataka nitong tanong.
"Call Alessandro and tell him I am here. Ngayon na," utos niya.
Namilog muli ang mga mata nito. "What? Ako talaga! Si Stephano na!"
Itinuro nito si Stephano na kaswal na umiinom. Napatingin tuloy ang binata sa kanila. Agad din namang nag-iwas ng tingin ang lalaki na animo'y hindi sila nakikilala.
"Just do it, Stella," she urged.
"Wala akong number no'n!" saad ng kaibigan.
"Alam kong meron dahil kung wala, kanina mo pa sana sinabi!" singhal niya.
Napakamot sa ulo si Stella bago kinuha ang cellphone. May pinindot ito sa screen bago itinapat ang cellphone sa tenga. Tumayo siya kaya napatingin sa kanya si Stella.
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
Nakita niya ang pagsagot ng tinatawagan nito kasabay ng tanong ni Stella. Nag-iwas siya ng tingin at inayos ang damit. Kinuha niya ang basong may bagong salin na alak at iniinom ng isang lagukan. Bahagya siyang nahilo sa ginawa but she gather herself.
"I'm gonna dance. Tell him that," saad niya saka naglakad.
"Savannah! Savannah!"
Hindi na niya pinakinggan ang kaibigan. Bumaba siya mula sa second floor ng bar at tinungo ang gitna kung saan may mga nagsasayaw.
‘Tonight, I will show you, Alessandro, that I will do everything to get my freedom back!’
HILONG-HILO na siya dahil sa matagal na pagsayaw. Idagdag pa ang iba't ibang amoy sa paligid. Pinaghalong sigarilyo, alak, perfume at anghit na ang paligid. Naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura kaya dali-dali siyang umalis sa kumpol ng mga taong nagsasayaw.
Naisuka niya ‘ata pati laman-loob niya pagkapasok ng cubicle. Agad niyang flinush ang inidoro. Ibinaba niya ang takip at doon siya naupo pansamantala para tanggalin ang hilo. Hinilot niya ang sentido.
'Urgh! Is this even worth it?’
Tumayo rin siya nang mawala-wala ang hilong nararamdaman. Nagmumog muna siya sa may sink bago lumabas ng banyo. Savannah is still unable to locate Alessandro in the bar. Mukhang palpak ang plano niya.
Naiinis na kinaltukan niya ang sarili. Sayang lahat ng effort niyang magpunta rito imbes na magtrabaho at magsuot ng revealing na damit. Imbes na naka-pajama at nakahilata na dapat siya ngayon dahil may pasok pa siya bukas, narito siya sa bar. Hilong-hilo at ang lagkit-lagkit ng pakiramdam.
Muntik na siyang ma-out balance nang may bumangga sa kanya. Napahawak siya sa balikat nito upang i-steady ang sarili.
"Sorry, Miss! Are you okay?" tanong ng lalaking hindi niya kilala.
Mas lalo ata siyang nahilo dahil sa pagbangga rito.
"Are you alone?" pabulong na tanong ng lalaki sa kanya.
Akala niya ay lulubayan siya nito dahil sa hindi niya pagsagot ngunit natagpuan niya na lang sariling nakasandal sa pader. Nakadikit ito sa kanya. Pilit niya itong itinulak palayo.
"G-Go away! You assh*le!" pagpupumiglas niya rito.
"You're drunk. I'll take you to a safer place, hmm?" malambing na sambit nito ngunit tunog manyakis iyon sa kanya.
Inipon niya ang lakas at tinuhod ito sa pinaka-iingatang parte ng katawan. Napamura ang lalaki sa sakit habang sapo ang ibaba.
"You b*tch!" Sinubukan siya nitong hatakin ngunit nasampal niya ito bago pa magawa ang nais.
"Jerk! How dare you touch me?" gigil niyang angil dito bago iniwang namimilit, sapo ang pisngi at crotch area.
Kahit nanlalabo ang paningin, patuloy lang siya sa paglalakad ng walang hintuan. May ilan siyang nabunggo na hindi niya pinansin. She wants to go home before she murder the man who put her here.
Nahinto ang pag-iisip niya nang sumalpok ang mukha niya sa matigas na bagay. Sa lakas ay muntik siyang matumba but an arm wraps around her before she even fall. Hindi pa siya nakakahuma nang haltakin siya nito. Napasubsob siya sa dibdib ng estranghero.
Balak niyang tuhurin din ito ngunit nang maamoy ang pamilyar na pabango nito ay nanigas ang kanyang tuhod. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at namawis kanyang mga kamay. Tila biglang nawala ang tama ng alak sa kanya. Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang nang subukan niyang kumalas.
"I am not impressed, Savannah," seryoso ang malalim nitong boses na nakapagpataas ng mga balahibo niya sa katawan.
"And I am not happy."
Hindi niya alam kung paano nangyari ngunit natagpuan niya na lang sarili sa loob ng kotse nito habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ng binata.