WALA na ang kanyang hilo at sigurado siyang matino na pero bakit nandito siya sa loob ng sasakyan ng binata? Bakit hindi man lang siya tumanggi n’ong hilain siya nito palabas ng bar at papasok sa kotse nito?
"I-Ibaba mo 'ko," nanginginig pa ang boses na utos niya.
But the man acted like he didn't hear anything. Para bang hindi sila magkatabi sa loob ng kotse. Diretso lang ang tingin nito sa labas at seryosong nagda-drive. Palihim siyang lumunok at kinalma ang sarili.
"I said, ibaba mo ako," mas mariin na niyang utos.
Ngunit mas mariin, mas matigas ang sagot nito. "No."
"And why no?" gigil niyang tanong. "Hindi ikaw ang masusunod sa ating dalawa!"
Wala siyang nakuhang sagot mula sa binata na ikinainis niya. Hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa kanyang isipan at umurong papalapit dito upang kabigin ang manibela. Ngunit nahawakan nito ang kamay niya bago pa magawa ang nais. Natigilan siya nang pagsiklupin nito ang kanilang mga kamay. Mahigpit.
"B-Bitiwan mo 'ko!" Sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit mas hinigpitan nito ang hawak. He even brought their hands to his thigh. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso.
"What are you thinking, wife?" seryoso at kalmado na ang boses nitong tanong.
"What?" naguguluhan niyang tanong. Nakalimutan niya na hawak pa rin pala ng binata ang kanyang kamay.
"You don't like bars and you don't like alcohol."
Saglit na umawang ang mga labi niya. Seriously? Paano nalaman nito iyon? Una, ang condo unit niya tapos ngayon ay tungkol sa mga bar. Is he really stalking her?
"Paano mo nasabi? You don't know me. Kailan lang tayo nagkakilala para masabi mong ayokong nagpupunta sa mga bar," tanggi niya kahit totoo naman ang sinabi nito.
Hindi niya alam kung namalikmata ba siya dahil nakita niya ang pag-usbong ng isang maliit na ngiti sa labi ng binata.
"You're mistaken, wife. I know you very well. . ."
Napakurap siya. Paano nito nagagawang humabi ng kasinungalingan? Hindi siya nito kilala dahil hindi naman sila naging close o kahit magkaibigan lang! Hell! They hadn't even talked to each other before.
"If only you hadn't avoided me before.. "
Tuluyan siyang nanigas sa kinauupuan. Ang dila niya ay umatras at nanlamig ang kanyang mga palad. Tama ba ang narinig niya? H-He knew that she had been avoiding him for years?
Hindi na siya nagtangka pang magsalita sa takot na may masabing hindi dapat nitong marinig. She didn't disagree or agree. It's the safest answer she can give to him. At least, kung hindi man totoo ang sinasabi nito, she didn't confirm anything. Nag-iwas siya ng tingin at sa labas na lang tumingin. Saglit siyang natulala bago bumalik sa isip niya na magkahawak pa rin pala ang kanilang mga palad.
"A-Ang kamay ko," mahina niyang saad.
"Kamay pa rin."
Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. "Niloloko mo ba 'ko? Bitiwan mo ang kamay ko!"
"No," kaswal nitong sagot.
Umawang ang mga labi niya. Nauwi iyon sa pagtalim ng kanyang tingin dahil sa pakairita. Sinubukan niyang hilain ang kamay pero matigas talaga ang lalaki. She has no choice but to endure the heat she's receiving from his hand.
Ilang minuto pa ang lumipas bago pumasok ang kotseng sinasakyan nila sa isang subdivision. Nag-panic siya nang ma-realize na hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Before she could even react, he had already maneuvered the car inside a two-storey house.
"Dito ka nakatira?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Hindi sa nang-iinsulto siya but the house is so simple and quite small para sa inaasahan niyang mansyon na tinitirhan nito. Sa mga nadaanan niyang bahay, ito ata ang pinaka-maliit.
"Yes," rinig niyang sagot ng binata bago lumabas ng kotse.
Umikot ito papunta sa puwesto niya at binuksan ang pinto. Wala sere-seremonyang hinawakan nito ang kanyang kamay at marahan siyang hinila palabas ng kotse. Napatitig siya rito.
"What was I doing in your house, Forfax?" tanong niya nang bumalik sa isipan ang dapat reaksyon niya.
"Don't call me that," saway nito.
"I will and you can't stop me," pagmamatigas niya.
His serious amber eyes looked at her intently. "Okay. . . Mrs. Forfax."
Umawang ang mga labi niya at nanlaki ang kanyang mga mata. "W-What?"
"If you call me Forfax, then I will call you Mrs. Forfax. Your choice, wife. "
Kumuyom ang kanyang mga palad. He's really getting into her nerves. Tinalikuran niya ito at walang salitang naglakad paalis ngunit hindi pa siya nakakatatlong hakbang, nahigit na siya nito. Muli siyang napaharap sa binata.
"You're staying here tonight," sambit nito.
"May sarili akong tirahan kaya hindi ako matutulog dito," mariin niyang tanggi.
Alessandro ignored her. He, instead, starts unbuttoning his coat. Nanlaki ang mga mata niya. Akala niya kung anong gagawin nito, iyon pala ay ibabalot siya nito gamit ang suot na coat. Nakatanga lang siya sa binata nang isuot nito nito iyon sa kanya.
Hinila siya nito papasok sa loob pagkatapos. Ang pagtataka niya kanina ay nawala nang makita ang loob ng bahay nito. The interior were all in a shade of gold, white and red. Bumungad sa kanya ang living room nitong kumikintab dahil sa malaking chandelier na nakasabit sa high ceiling.
The exterior didn't give justice to the interior of the house!
"Are you sober now?"
Napabalik sa realidad ang kanyang isip nang marinig ang boses ni Alessandro. Nakalimutan niya na katabi niya pa rin pala ito. She blinked several times before having the courage to speak.
"I am, and I want to go home. I won't stay here," tanggi niya.
Tumalikod siya at akmang aalis nang bigla naman siyang nahilo. Mabuti na lang ay nahawakan siya ni Alessandro sa braso. Humigpit ang hawak nito bago siya inaayos ng tayo. Kanina lang ay okay ang kanyang pakiramdam. Bakit bigla na namang bumalik ang hilo niya?
Narinig niya ang mahinang pagbuntonghininga ng binata. "Drink some cold water."
Hinila siya nito ngunit tinabig niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Natigilan ang binata bago napalingon sa kanya.
"Ang sabi ko, uuwi na ako," mariin niyang saad.
"You're drunk," he answered like it would answer everything.
"I don't care. Iiuwi mo 'ko!" sigaw niya.
Tumiim ang mga mata ng binata. Nagtagisan silang dalawa ng tingin. Bagama't kalmado ang mukha niya. She could feel her heart beating so damn fast and she hated it. It's making her insides crumble down. At ayaw na ayaw niya ng pakiramdam na iyon.
Lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso nang maglakad papalapit sa kanya ang binata. Sa bawat hakbang na ginagawa nito ay ang pagtindi ng hindi pamilyar na emosyon sa mga mata ng lalaki. Sinubukan niyang itulak ito ngunit hinuli lamang nito ang kanyang mga kamay at hindi na muling pinakawalan.
"I know what you're trying to do, Savannah," mababa ang boses nitong saad.
Nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang ilapit nito ang mukha sa kanya. His lips almost touched her ears. Dinig at dama niya ang init ng paghinga nito. It got heavier when he suddenly pulled her closer. Napahawak ang isa niyang kamay sa balikat ng binata upang ilayo ito ngunit tila tinakasan siya ng sariling lakas.
Her breathing became unstable when he wrapped his arm around her waist. Lalo nitong isiniksik sa gilid ng kanyang mukha. It was an intimate position, and her heart was reacting madly to it. Baka nga rinig na nito ang malakas na pintig ng puso. Sa kabila ng kaalamang ito, hindi niya pa ring magawang mabawi ang lakas upang maitulak ang binata.
"If you want to shoo your husband away, my wife. You have to try harder than that. . ." maaligasgas ang boses nito.
Napasinghap siya nang pumasok sa loob ng suot na coat ang mga kamay nito. His hands perfectly fit on her waist. Marahan siyang hinaplos ng binata roon na siyang dahilan kung bakit halos hindi na siya makahinga. May damit siya sa loob ng coat ngunit dama niya pa rin ang init na nagmumula sa mga palad nito.
"Because my decision to make you my wife is stronger than your refusal to make me your husband . ."