Chapter 17

1237 Words
"DON'T give that look, wife," sambit ni Alessandro. Hindi niya kasi ito inalisan ng tingin mula pa kanina sa parking lot ng kompanya. She's looking at him like he grown two heads. "Then don't act like that!" bulyaw niya. Nagtataasan lahat ng balahibo niya sa inaakto ng binata. What happened to him on those days? "Act like what?" tanong nito. Umawang ang kanyang mga labi. Hindi niya ito sinagot, imbes ay nag-isip siya nang malalim habang pinagmamasdan ito. A thought suddenly appeared in her mind. "What are you planning?" paasik niyang tanong. "You were missing for days, then you suddenly showed up, and now you're acting weird! May plinaplano ka, umaamin ka!" "I was just busy in those days. Wala akong plinaplano, Savannah," kaswal nitong sagot. Of course, she didn't believe him. Mag-iiba ba ito ng kilos kung wala itong balak? Nanliit ang mga mata niya. "Busy? Are you sure? Anong klaseng busy ba ang pinagkakaabahalan mo ngayon? Business o babae?" pang-iinteroga niya. Nagtagis ang mga ngipin niya nang tumaas lang isa nitong kilay. She saw amusement in his eyes. Kinagat nito ang pang-ibabang labi na para bang pinipigilan ang pagngiti. Dapat dinadakdakan niya na ito sa ganitong oras, but damn her, natulala siya rito. It feels like a sin to deny how sexy that gesture was. Never did she see that side of him. Lagi lang itong tahimik, blangko ang mukha at intimidating. Para siyang nakakita ng ibang Alessandro. "I can assure you, wife, that it was just business." Ang baritonong boses nito ang pumukaw sa kanyang pagkakatulala. Ilang beses siyang napakurap bago nagawang mag-iwas ng tingin sa binata. Pasimple siyang tumikhim para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan. "Business? Stella told me na wala kang project ngayon? How are you busy with work, huh?" galit niyang tanong. "Hmm . . . My wife's jealous." Nag-init ang kanyang mga pisngi. Kulang na lang ay sakalin niya ito sa gigil niya. "Me? Jealous? Nanaginip ka yata ng gising, Mr. Forfax," sarkastiko niyang turan. "If this is just a dream, I'd rather not wake up, Savannah." Napalunok siya sa biglang pagseryoso nito. Hindi na siya umimik at pinili na lang sumiksik sa gilid. She didn't dare look at him. What is wrong with him?Ano'ng pinaggagawa ng binata sa ilang araw na nawala ito? Hindi na niya hinintay pang ito ang magbukas ng pinto. Kusa siyang lumabas. Mauuna rin sana siya sa loob ng building nang tawagin siya nito. "Savannah, you forgot something." Napahinto siya sa paghakbang. Salubong ang kilay niyang nilingon ito. He was standing next to his car. Ngayon niya lang napansin ang suot nito. He was wearing a white long sleeve polo, black slacks and black shoes. Para siyang biglang bumalik sa unang beses na nakita niya ang binata. Napalunok siya nang maramdaman ang kakaibang t***k ng kanyang puso. "Ano ‘yon?" tanong niya nang makabawi. "Your husband." Napakurap siya. Hindi kaagad pumasok sa isip niya ang sinabi nito. Tulala pa rin siya nang makalapit ito. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong humawak sa kanya. "You forgot me. . ." he whispered to her. She was again speechless as Alessandro pulled her inside the building. Kahit sa loob ng elevator ay tikom ang kanyang bibig. Kabaliktaran naman ng kanyang pakiramdam. Savannah can feel the heat and roughness of Alessandro's hand wrapped around her. It was a good and strange feeling. Hindi niya nga alam kung bakit hindi niya pa hinahatak ang kamay mula rito. "A-Akala ko ba nagluto ka?" tanong niya nang makapasok sila sa condo. "Yeah. It's in the kitchen," sagot ng binata. Pasimple niyang hinatak ang kamay mula rito. "You cooked here?" kunot-noong tanong niya. "Yes." "Paano ka nakakapasok sa loob ng condo ko? Hindi mo ba alam na trespassing ang ginagawa mo?" paasik niyang tanong. "Hindi ako ibang tao sa ‘yo, Savannah. I'm your husband," saad nito. Napaismid siya. Napaka-advance naman mag-isip nito. Pinag-kros niya ang mga braso. "You're not my husband, Alessandro! Fiance!" mariin niyang pagpapaintindi rito. Bumaba ang kulay ginto nitong mga mata sa kanya. There's a glint in his eyes again she hates so much. "Fiance is fine but assurance is better, wife." Tumalikod ito at naglakad papunta sa kanyang sala. Kaswal itong naupo sa kanyang sofa saka nagtanggal ng sapatos. Feel at home ang lalaki. "What are you doing? Hindi ka na dapat nagtanggal ng sapatos. Hindi ka naman magtatagal dito," pasaring niya. Naglakad siya papunta sa pinto ng kuwarto. Binuksan niya iyon at pumasok sa loob. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Sunod siyang nagsuot ng komportableng damit. She took her time drying her hair before going out of the room. Wala siyang pakialam kung mag-antay ito nang matagal. "Dinner's ready." Tumaas ang isa niyang kilay nang makita itong nakaupo pa rin. Walang bawas ang ulam at kanin sa hapagkainan. Talagang hinintay siyang matapos. Naiiling na naupo siya at nagsimulang kumain. Completely ignoring him. Although, she didn't like his presence here. Ito pa rin ang nagluto at naghanda ng pagkain kaya siya na ang naghugas ng mga plato. "Thanks for the food. I hope this is the last time. Makakauwi kana," malamig niyang saad. Iniwan niya ang binata sa sofa na nagsasapatos. Wala naman itong imik sa kanyang tinuran. Pabagsak siyang nahiga sa kama at pinatay ang ilaw. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang marinig ang pagbukas at sara ng pinto sa sala. Finally gone! Ipinikit niya ang mga mata at handa na sanang matulog nang muli niyang marinig ang pagbukas ng pinto pagkalipas ng ilang minuto. Gulat na napatayo siya. What the hell?! Muli niyang binuksan ang ilaw at lumabas ng kuwarto. Bagsak ang panga niya nang makita ang binata. May hawak nang itim na backpack! "Good evening, wife," kaswal na bati nito. "What do you think you're doing?" paasik niyang tanong. Imbes na mahiya, naupo pa ito sa sofa at muling nagtanggal ng sapatos. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa backpack nitong nasa kanyang sofa. "What the hell is this Alessandro?" gigil niyang tanong. "It's my clothes. I'm staying tonight." "What?!" Nakasunod ang tingin niya sa binata nang tumayo ito at maayos na inilagay ang sapatos sa shoe rack. Parang wala lang na nilampasan siya nito para kumuha ng damit sa dala nitong gamit. "At saan ka pupunta? Kinakausap pa kita!" sigaw niya. Pero hindi siya pinansin nito. Parang wala nga itong narinig at basta na lang pumasok sa kanyang kuwarto. "Alessandro!" Hindi niya ito nakita sa kanyang kuwarto. Nasa loob na ito ng kanyang banyo. She has no choice kundi hintayin itong matapos. Madilim na ang kanyang mukha nang lumabas ito. Naka-pajama na ang walang hiya! "Leave! Before I call the security!" nagtatagis ang ngiping utos niya. "Hindi ako nagbibiro!" "Sleep, Savannah. Masama nagpupuyat," utos nito na parang hindi siya narinig. Maang niyang sinundan ng tingin ang paglapit at paghiga nito sa kanyang kama. ‘Di pa nakuntento at pinatay ang ilaw saka iniwang bukas ang lampshade. Hindi niya na napigilan ang gigil at kinuha niya ang isang unan para ihampas dito. Pero mabilis na naagaw nito ang hawak niya. The next thing she knew, nakahiga na siya sa kama at ang nakadagan na ang kalahati ng katawan nito sa kanya. "Alessandro! Get off me!" gigil niyang sigaw. Imbes na umalis, isiniksik pa nito ang mukha sa kanyang leeg at iniyakap ang braso sa kanyang tiyan. Nanigas siya sa kinahihigaan. "Sleep, Savannah. . .while I still know the word control."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD