AFTER that night, Savannah tried her very best to avoid Alessandro. Gumana naman dahil mukhang iniiwasan din siya ng binata. Actually, she's not sure kung iwas nga bang matatawag ‘yon. Basta ang alam niya lang ay ilang araw niya na itong hindi nakikita.
She's not sure kung humihinga pa ba ito o ano. Halos one week na rin kasing wala itong paramdam sa kanya. Anyways, whatever he's reason, avoiding her or not, ang mahalaga payapa ang sistema niya ngayong linggo.
Walang Alessandro, wala ring magpapaalala sa kanya sa nangyari ng gabing ‘yon.
That night. . .
Savannah groaned in annoyance. “Stop thinking about it, Savannah!"
"Thinking about what? About seggs ‘yan no?"
Napamulat siya nang marinig ang boses na iyon. Tumalim ang mga mata niya nang makita si Stella na papaupo sa kanyang sofa.
"What are you doing here again, Stella? Lalaki mo ba ako para uwian mo ng straight five days!" singhal niya.
Sawang-sawa na siya sa pagmumukha nito tuwing hapon! Ewan niya ba kung ano'ng trip nito at sa opisina niya dumidiretso pagkatapos ng trabaho. Wala naman itong ibang ginagawa kundi buwisiten siya.
"Chill, Mommy," pang-aasar nito.
Nanlisik lalo ang mga mata niya. Eversince Stella heard that goddamn words, she wishes she never said. Ayaw na siya nitong tigilan sa katatawag no‘n sa tuwing gusto siya nitong asarin. Para siyang nagkaroon ng female version ng kapatid na lalaki.
"Nandito ka lang talaga para mang-asar? Gusto mo bang sunugin ko buong publishing house para may pagka-busy-an ka?" gigil niyang asik.
Nasira kaagad ang mukha nito nang bantaan niya ang pinakamamahal na kompanya.
"Don't you dare touch my company, Savannah! Ikaw na nga‘ng binibisita rito, galit ka pa!" bulyaw nito.
"Kung katulad mo lang din namang walang kwenta at mapang-asar ang bisita ko. Huwag na lang!" asik niya.
Exaggerated na sinapo nito ang hindi namang pawisang noo. "What's with you, Savannah? Bakit ba galit na galit ka? Don't tell me may laman na ‘yan?"
Nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Tila bumalik siya sa gabing iyon. With Alessandro on the top of her. . . His fingers trailing down her breast—
"Aba! Wala pa yatang isang buwan! Tinaniman kana agad! Napaka-sharp shooter naman no‘n—"
"Stella! Shut up!" singhal niya nang bumalik ang katinuan.
Damn it! Wala ngang Alessandro, meron namang Stella! Give me a break!
"Anyways, sure naman na ninang ako. So, okay, I'll shut up." Stella casually rest her arm on the armrest.
"I'm not pregnant! Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo! Someone might hear you. Pagsimulan pa ng tsismis," gigil kong sermon sa kanya.
"Then, hayaan mo silang magkalat ng kaempaktuhan. Inggit lang ang mga ‘yon dahil isang Forfax ang nagdidilig sa ‘yo," nakanguso nitong sambit.
Namasahe niya ang sentido nang wala sa oras. Stella just won't shut up. Kaunti na lang ipapatapon niya na ‘to kay Stephano.
"Back to my question. What are you doing here, Stella?" tanong niya.
"Ahm. . . nothing. I just want to relax myself by gossiping about your love life. You know, kapag walang kalandian, makiki-tsismis na lang," anito. "So, where's your fiance? Halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita, ah?"
Muli niyang itinutok ang mga mata sa papel at bumalik siya sa ginagawang pagpirma sa mga ito.
"How am I supposed to know? I'm busy, and I don't care about him. Mas mabuti na ‘yung wala siya para hindi ako nagi-stress," mapait niyang sambit.
"Are you sure? Hmm. . . I didn't get news from my source. Balita ko wala naman siyang project ngayon. So, why is he not showing up?" pagkausap ni Stella sa sarili. Saglit na nanahimik na parang nag-iisip ng malalim.
"Hindi kaya may iba na siya?!"
Nanigas ang daliri niyang pumipirma. Different scenarios flash in her mind. Alessandro is with another woman. Cuddling on the sofa and being intimate with each other.
Nagdilim ang mukha niya. After he touched me that night! May gana pa siyang maghanap ng iba—
“Hmm. . .but that was impossible though. Simula ng divorce nila ng ex-wife niya. Wala na akong narinig pang na-link sa kanya. Well, other than you."
Kumibot ang sentido niya. Just a little more.
"Aha! Hindi kaya nag-aadik siya?"
That was it!
"Stephano!" halos pumutok ang ngalangala niyang sigaw.
‘Agad namang pumasok ang lalaki. Nagtataka itong tumingin sa madilim niyang mukha. She gestured the stunned Stella.
"She's banned here for three days. Take her out!" utos niya.
"Stella. Let's go." Lumapit si Stephano sa babae at hinawakan ito sa braso.
Maang na tumingin sa kanya si Stella. "You can't do this to me, Savannah! What did I do wrong?"
Nagtagis ang panga niya nang maalala ang binata sa huling linyang sinambit ng kaibigan.
"You're disturbing me! Saka kana bumalik kapag may kwenta na mga pinagsasabi mo. Take her out, Stephano. Kung gusto mo, iuwi mo na."
Nanlaki ang mga mata ni Stella. Mabilis nitong binawi ang kamay mula kay Stephano.
"Okay! Fine! Pero babalik pa rin ako! Walang ban-ban sa akin!" pagmamatigas nito. Sinulyapan nito si Stephano at pinanliitan ng mata bago umalis. Stephano followed her.
Binitiwan niya ang ballpen at pabagsak na sinandal ang katawan sa swivel chair. She can't focus anymore. Kakalbuhin niya talaga ang kaibigan kapag nagka-time siya.
She decided to call it a day after resting for awhile. Inayos niya ang gamit sa lamesa bago ang sarili. Wala na ang secretary niya paglabas. Naabutan naman niya si Stephano elevator. Akmang papalabas na.
"Let's go home. I'm tired," aniya.
Tumango ito. Tahimik lang siya hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Just another day, uuwi na namang pagod. Kakain at matutulog. She has been doing this for so long now that she couldn't remember the last time she had a rest.
Mahina siyang napabuga ng hangin. Actually, p‘wedeng-p‘wede naman siyang mag-day off. The company won't sunk down kapag nawala siya ng isa o tatlong araw. But the problem here is her mind. It was always what she thought.
“Should I just drop you home o dadaan pa tayong restaurant to order food?" tanong ni Stephano sa kanya.
Akmang sasagutin niya ang tanong ng lalaki ngunit isang boses ang nagpahinto sa kanya. Isang malalim at pamilyar na boses.
"I'll take care of my wife."
Napalunok siya.
"You can go home now."
Tumalima naman si Stephano. Bahagyang yumuko at umalis. Hindi man lang siya tinanong kung payag siya. Babawasan ko talaga ang sahod no‘n! Urgh!
"Hatid na kita. Nagluto ako."
Humugot siya ng malalim na paghinga bago hinarap ang binata. Her eyes meet those familiar amber eyes. Wala sa sariling bumaba ang mga mata niya sa mapupulang mga labi ng binata. She suddenly remembers what happened that night. . .
Napabalik siya sa realidad dahil sa mainit na bagay na dumampi sa kanyang pisngi. Lumaki ang mga mata niya nang ma-realize kung ano'ng ginawa nito.
He kissed her! In her cheeks!
"What are you thinking? Who gives you the right to kiss me, huh?" gigil niyang tanong.
"Me, since you won't give me yours."
Maang siyang napatingin dito. Parang ibang Alessandro ang kaharap niya ngayon. Kelan pa ito naging vocal? Sumasagot lang ito nang mahaba sa kanya kapag galit o naiinis.
Nagtayuan lahat ng balahibo sa kanyang katawan nang paraanan nito ng daliri ang kanyang ibabang labi. She was sure she saw something flicker in his eyes before they went back to being blank and mysterious.
"Let's go home, wife. It's been six days. . ." Lumamlam ang mga mata nito. "I miss you already."