Chapter 15

1573 Words
HINDI niya alam kung ilang oras siyang tulala sa kulay asul na tubig ng swimming pool. Paulit-ulit na naglalaro ang mga salitang narinig niya kay Alessandro sa utak niya. Ano ba ang dapat niyang gawin para maunawaan niya ito? Dahil para nang masisira ang utak niya kakaisip kung bakit gusto pa rin nitong manatili sa tabi niya kahit ilang beses niya na itong pinagtabuyan. Ang mga salitang iyon. Saan galing iyon? May ginawa ba siyang maganda sa binata para sabihin ang mga katagang iyon? May nagawa ba siya noon kaya handa itong magtiis sa kanya? "I will really lose my sanity soon because of him. . ." bulong niya. Mahina siyang napabuga ng hangin. Oo at tanggap niya nang matigas ang puso niya, ngunit hindi siya magpapanggap na hindi siya naapektuhan ng mga salitang 'yon. Pagak siyang natawa. Hindi lang pala salita, kundi pati na rin ang binatang nagsambit ng mga salitang iyon. Alessandro always affects her. Either his confusing words or his unpredictable actions. Lahat 'yon ay apektado siya. Maging pagtapak yata ng paa nito sa sahig ay may epekto sa sistema niya. That's why she's scared of him back then. There was something about him that scares him, noon pa man. Kaya hindi lang dahil sa ayaw niyang magpatali ang dahilan ng pagtutol niya sa kasal. Kundi natatakot siya sa sariling emosyon. She released a soft sigh. "So, what if he still wants to stay? It won't change my mind. . . I won't still marry him." Yes, hindi ko dapat hayaan ang sarili na sobrang apektuhan ng mga salita niya. After all, he's still a man. A man with influence, wealth, and good looks. Alessandro is perfect, to be precise, because he has everything, and a man who has everything cannot be trusted. Nadapa na siya noon sa paniniwalang magagawa niyang maging sapat sa lalaking meron na ang lahat, pero nasaktan lang siya sa huli. Ngayon pa ba siya magpapakarupok? Sa isang lalaking handang makuha ng kahit sinong babae kahit pa gumapang sila sa lusak? Hell, no! Muli siyang napagkawala nang malalim na paghinga saka humakbang paalis nang isang boses ang gumulat sa kanya mula sa likod. Napapitlag siya at sa kasamaang palad ay nabali ang kanyang takong. Akala niya mahuhulog na siya sa tubig ngunit isang matikas na braso ang pumulupot sa kanyang bewang at nahila siya. "Are you okay?" Lihim siyang napalunok nang manuot ang panlalaking pabango nito sa kanyang ilong. Nakadikit kasi pala ang mukha niya sa dibdib nito. Mabilis siyang umatras mula sa binata ngunit hindi siya masyadong nakalayo dahil hawak pa rin nito ang braso niya. Kumunot ang noo niya. "Let go of my hand!" asik ko. "You almost fell," saad nito imbes na bitawan ang kanyang kamay. "Alam ko. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin," mariin niyang wika. "Ano'ng ginagawa mo rito sa pool? Malamig na ang simoy ng hangin. Baka magkasipon ka," aniya sa natural na mahinahong boses. Nagtagis ang mga ngipin niya nang maramdaman ang pamilyar na kabog sa dibdib. "So what? Eh, kung gusto ko rito. May magagawa ka ba?" Tumaas ang kilay nito. Marahil ay kinukwestiyon ang pinanggagalingan ng init ng kanyang ulo. "Meron," hindi inaasahan niyang sagot nito. "I would drag you inside, lock you in my bedroom, and wrap you in my blanket. Iyon ang gagawin ko." Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa inis. Dahil wala na siyang masabi, marahas na lang niyang hinila ang kamay. It was a wrong move. Nalimutan niya ang pool na nasa kanyang likod. "Savannah!" She fell into the pool! Saglit siyang nanigas sa ilalim ng tubig dahil sa biglang pagbalot ng lamig sa katawan niya. Savannah was about to swim up ngunit may humatak na sa kanya pataaas. Habol niya ang hininga nang makaahon. "What the hell are you doing? Savannah!" galit na bulalas ni Alessandro. Natigilan siya nang makita ang galit sa mga mata nito. Ito ang unang beses na nakita niyang galit ang binata. "Manang! Manang!" dumagundong boses nito sa tahimik na kapaligiran. Humahangos na pumasok ang isang matanda. Agad na nanlaki ang mga mata nito nang makita ang itsura nilang dalawa. "Get me a towel," dinig niyang utos ng binata. Tumalima kaagad ang matanda at iniwan silang dalawa. Malamig ang paligid ngunit wala nang mas lalamig pa sa nararamdaman niya. Walang itong sinasabi ngunit dama niya ang galit mula rito nito. "Oh my God! Alessandro? Savannah? Ano'ng nangyari?" Nanlalaki ang mga mata ng ina ng binata nang makita silang dalawa. Walang sumagot sa kanila. Mukhang naramdaman ng ginang ang tensyon kaya hindi na ito nang usisa pa. "May extra akong damit doon, 'nak. Ipahihiram ko sa 'yo," saad nito. "Dito ba kayo matutulog?" "Hindi po—" "Yes." Napatingin siya sa binata. "Bukas na kami uuwi ni Savannah," malamig na dagdag ng binata. Parang may malamig na bagay ang yumakap sa puso niya dahil sa lamig ng boses nito. Bumuka ang mga labi niya at akmang magsasalita ngunit tinalikuran na siya nito. Walang salita o lingong iniwan siya roon. NASA LOOB NA SIYA NG KUWARTO. Nakasuot ng pinahiram na pajamas ng Tita Amelie niya at tuyong-tuyo na ngunit wala pa rin ang binata. Pasado alas dose na ng madaling araw ngunit kahit anino nito, hindi niya nakita. She is actually inside his room. Pabor dapat sa kanya na wala ito pero hindi talaga siya mapakali. Sinubukan niya nang baliwalain ang nangyari kanina at matulog. Kaso ayaw siyang patulugin ng kaluluwa at utak niya. Pabagsak siyang nahiga sa kama at marahas na napabuga ng hangin. Hindi niya makalimutan ang galit sa mga mata nito. Bakit ito galit? Dahil ba nahulog siya sa pool o dahil nabasa niya ito? "That old man—" Nanigas siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Mabilis pa sa alas kuwarto ng napaupo siya saka nilingon ang pinto. Kumabog ang dibdib niya. It was Alessandro. Nakamasid siya rito nang isarado at i-lock ng binata ang pinto. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Saan ka galing? Anong oras na!" Napahinto ito saglit bago tumungo sa closet. Kumuha ito ng pantulog. "Matulog ka na, Savannah." Nagtagis ang mga ngipin niya. "Why are you mad? Dahil ba nabasa kita? Well, sorry. Hindi ko naman sinabing sundan mo 'ko sa pool!" "Ang tigas ng ulo mo, Savannah." Umawang ang mga labi niya. Handa na siyang awayin ito ngunit hindi natuloy nang bumagsak ang suot nitong polo sa sahig. Nanuyo ang lalamunan niya nang tumambad ang hubad nitong katawan. The lights were dim and they were illuminating his body in the hottest way. "When will you listen to your husband, wife?" ani nito sa mababang boses. Napasinghap siya nang tanggalin nito ang suot na belt at walang pasumbaling ibinaba ang suot na jeans. Mabuti na lang ay naiwas kaagad niya ang tingin. "What are you doing! Bakit dito ka nagbibihis!" naeeskandalong bulalas niya. "This is my room. Saan ba dapat ako magbihis, Savannah?" Nagtagis ang mga ngipin niya dahil sa sarkasmong turan nito. "You're so persistent in getting rid of me, and it's now getting irritating." Napalunok siya. "Madali para sa 'yong papasukin sa condo mo ang ibang lalaki pero ako, hindi. What did I do wrong to you, Savannah, that even my grip on your arm makes you hate me so much?" Wala siyang maapuhap na salita upang ipanlaban sa salita nito dahil sa gulat. Gulat sa pinahayag nito. Bawat salitang lumabas sa bibig ng binata ay may halong emosyon na sigurado siyang uukit sa isip. Bumigat ang kanyang paghinga nang marinig ang paglapit nito sa kama. Sunod na kumabog ang dibdib niya nang patayin nito ang lampshade. Naging alerto ang kanyang katawan nang kumalat ang dilim sa paligid. "M-matutulog na ako. Doon na lang ako sa kabilang kuwarto," mabilis niyang pahayag. Umusog siya upang makababa sana sa kama ngunit isang kamay ang humawak sa kanya at hinila siya pahiga sa kama. Isang singhap ang kumawala sa kanyang mga labi nang maramdaman ang binata sa kanyang ibabaw. "A-Alessandro!" gulat niyang bulalas. There's no room for you here, Savannah, other than in my room. You will sleep in my bed, in my arm, tonight. Disobey me and I will advance our honeymoon. Do you understood?" he said, dominating her. "Y-you can't d-do that." Hindi na siya halos humihinga dahil sa pagdampi ng magagaang halik nito sa kanyang pisngi. Naglaho ang lamig sa kuwarto at napalitan ng init. "I can, wife. You know that I can. . ." Naipon ang pagtutol sa kanyang bibig nang sakupin ng mainit nitong mga labi ang kanya. At first, she pushed him, but she eventually gave in when she couldn't handle the heat anymore. Isang ungol ang hindi niya aakalaing magagawa dahil sa mainit na mga palad na humaplos sa ibabaw ng kanyang tiyan. Napahawak siya sa balikat ng binata nang tumaas pa ang kamay nito. "A-Alessandro," hingal niyang tawag nang maramdaman ang kamay nito sa ibabaw ng kanyang dibdib. Marahang pumipisil doon na halos pumutol sa kanyang hininga. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang init na nararamdaman dahil sa biglang pagtigil ng binata. Maang na napatingin siya sa bulto ng binatang umalis sa kanyang ibabaw at nahiga sa tabi niya. "Goodnight, wife," was all he said after planting a soft kiss on her temple. That's all? She feels foolish, but she can't help but feel unsatisfied. Padabog niyang tinalikuran si Alessandro at hinila ang kumot na halos wala nang matira para rito. Goodnight, your face!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD