Chapter 10

1685 Words
FIRST PLAN FAILED. Ang plano niya lang naman ng gabing iyon ay ma-turn sa kanya ang binata. But it didn't go according to her plan. Imbes na ma-turn off, dinala siya ng binata sa bahay nito at nangyari nga ang nangyari kaninang umaga. She can't ever really tell what's going on inside his mind. Mahina siyang napabuga ng hangin. Parang mas lalo lang siyang nahirapan dahil mas naging persistent ang lalaki. Savannah stared at the glass walls of her office, thinking deeper. Why? Why does he want to continue the marriage? What is wrong with him? Gustong-gusto niyang malaman kung bakit ayaw nitong iatras ang kasal noong una pa lang na nag-suggest siya. Kung iisipin, mas marami itong makukuhang benefits kaysa sa kanya. He's free to go wherever he wants and sleep with whoever he wants. Bakit gusto nitong magpasakal sa kanya? Nasa ganoong pag-iisip siya nang biglang marahas na bumukas ang pinto. Napaigtad siya at muntik pang mahulog sa swivel chair. "What the hell Stella?" asik niya sa kaibigan. Stella doesn't seem to mind her annoyance. Nanlalaki ang mga mata nito habang dahan-dahang lumapit sa kanya. Nagusot ang noo niya sa pagtataka. Ano'ng nangyari rito? "Where did you sleep last night?" mabilis nitong tanong. Lalo siyang nagtaka. "Bakit mo tinatanong?" Napaatras siya dahil sa biglang pagsinghap nito. Akala mo ay sinabi niyang may pinatay siya at ginawang pataba sa lupa. Gusto niya na itong batuhin ng mouse dahil ka-weirduhan nito. "You slept with him!" mapangkusa nitong sigaw. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize kung ano'ng iniisip nito. "H-Hoy! M-Mali ka ng iniisip—" "Oh my God! Are you two getting along now?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Stella! You don't understand—' Muli nitong pinutol ang sasabihin niya. "Pakakasalan mo na siya?!" "Stella—" Nasapo nito ang bibig at suminghap. "Magkakaroon na ba ako ng inaanak— Aw!" Kamot-ulo ito habang nakatingin sa kanya nang masama pagkatapos tumama sa ulo nito ang binato niyang mouse. "Alam mo ba kung gaano ka-solid ’yang mouse mo? Ha?" asik nito. "At alam mo rin ba kung gaano katabil ’yang bunganga mo?" gigil niyang laban dito. "I'm just asking! Bakit ba galit na galit ka?" naiinis nitong tanong. "Hindi ka nagtatanong, Stella! You were asking nonsense question na ikaw rin ang sumasagot!" asik niya. "Where did you get all those idea? Sa bahay niya lang ako natulog! Hindi sa kanya! At anong inaanak? That would never happen!" Ngumisi ito. "Sure na ’yan?" Savannah glared at her annoying friend. "You? Ano na namang ginagawa mo rito? Papalugi na ba ang publishing company mo at palagi kang nandito?" Ito naman ang sumama ang tingin sa kanya. "Shut up, Savannah! Hindi nalulugi ang publishing company ko!" Naglakad ito papunta sa kanyang sofa rito sa loob ng kanyang office at pabagsak na naupo. "What you did last night was insane!" bulalas nito. "Alam mo ba kung gaano ako kinabahan nang sabihin mong tawagan ko ang fiancè mo? Urgh! Muntik ko nang makita ang downfall ng negosyo ko!" "What downfall are you talking about?" kunot-noong tanong niya rito. "Really? Nakikinig ka ba sa mga kwento ko sa ’yo? You're soon-to-be husband, is a billionaire! A ruthless billionaire to be precise. Ano'ng laban ko roon kapag pinasara niya ang publishing house ko dahil sa akala niya iniimpluwensyahan ko ang magaling niyang asawa?" mataray na lintaya ni Stella. Gusto niya sanang itama ang sinabi nitong asawa niya ang binata but something caught her attention. "Stop exaggerating, Stella. Hindi niya gagawin iyon," mariin niyang saad. Tumaas naman ang kilay ni Stella sa sinabi niya. "Natulog lang sa bahay niya, pinagtatanggol na," pasaring nito. "Sure kang tulog lang ginawa niyo?" Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Wala naman silang ginawa kagabi pero dahil sa sinabi nito, may mga larawan na pumasok sa kanyang isipan. "Lumayas ka rito bago kita isako at itapon sa labas!" asik niya. Ngingisi-ngising lumabas ng opisina niya si Stella. Nang-aasar pang nag-wave sa kanya bago lumaya. Nahagis niya ang ballpen sa inis dahil alam niyang hindi na siya makakapag-focus pa. "They're so annoying!" gigil niyang bulong sa sarili. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa usapan nila kaninang umaga ni Alessandro. Dumagdag pa itong impakta niyang kaibigan na malakas ang trip ngayon sa buhay. Mariin siyang napapikit at malalim na nag-isip. No. She can't stop just because her plan failed last night. Kung hindi makukuha ang lalaking iyon sa pakiusapan, idadaan niya sa santong paspasan. She just has to think of a better idea to woo him away. . . Napamulat siya dahil sa tikhim na gumising sa kanyang malalim na pag-iisip. Stephano was standing in front her door. Hindi na niya na napansin siguro ang pagpasok nito sa lalim ng iniisip niya. "What?" masungit niyang tanong. Hindi agad sumagot ang binata. Instead, he walked to her and put a piece of paper on her desk. She frowned at the white paper. "Ano ’yan?" takang tanong niya. "From your fiancè," tipid nitong sagot bago mabilis na nagpaalam at lumabas ng opisina niya. Naweweirduhan siyang napatingin sa nilabasan nitong pinto. What's wrong with them? Bakit ang weird nila ngayon? Napailing na lang siya bago binuksan ang papel. Agad na nangunot ang noo niya nang mabasa ang laman nito. I'm going to a party tonight. I want you there, my wife. I'll fetch you later. Alessandro Napaismid siya. "As if I will go—" Savannah stopped when something popped up in her mind. Muli niyang binasa ang nakasulat sa papel. A mischievous smile appeared on her lips. Here I thought it would take me a long time to take my next step. SHE WORE a gold sparkly mermaid halter top gown na may slit sa leg part at gold strappy heels. Her long brown hair in a messy bun. Tonight, she only has one thing in mind. Success. If she f*ck up the first time, hindi dapat ngayon. She will show him what will happen kung magmamatigas pa rin itong ituloy ang kasal nila. Humanda ka! I will win this time! Naalis lang ang tingin niya sa salamin nang marinig ang doorbell. Kinuha niya ang purse sa kama saka lumabas ng kwarto. Binuksan niya ang pinto at doon, bumungad sa kanya ang binata. Nakalimutan niya saglit ang confidence niya at natulala rito. He's wearing a black tuxedo that suits him really well. Lagi niya naman itong nakikitang nakasuot ng business suit but there's something about him tonight, in his tuxedo. "Let's go?" Bumalik sa realidad ang isip niya. Ilang beses siyang napakurap dito bago bumalik sa katinuan ang utak niya. Napapahiyang nag-iwas eiya ng tingin. "What are you wearing? You look bad," komento niya. "You too." Frowning, she looked at him. "What?" "You should look bad too." Alessandro stared at her intently. "Para bagay tayo." Mabilis siyang bumaling sa kabilang direksyon para itago ang pag-init ng kanyang mga pisngi. She was silently cursing at herself. It was just a damn corny pick-up line and she was affected! "Corny. . ." masungit niyang bulong saka naunang lumakad. Savannah thought it was just a small party pero nagkamali siya. It was big and grand party. Mga kilalang tao ang nasa party. They were the successful business men and women across the globe. Bigla niyang naalala ang unang beses na nakapunta siya sa ganitong party. It was intimidating and belittling. Pakiramdam niya noon hindi siya nababagay sa ganitong mundo. Who is she anyway compare to these people? She's just a broken and unworthy girl with a traumatic past. Kung hindi dahil sa mga parents niya ngayon. She's nothing, and will never be worthy. Napabalik ang isipan niya nang maramdaman ang mahigpit na kamay na humawak sa kanya. Agad niyang natagpuan ang mga mata ng binata. Staring at her softly like he's comforting her. Nag-iwas siya ng tingin. "Tatayo lang ba tayo rito?" malamig niyang tanong. Nagpaubaya siya nang hilain siya nito papunta sa isang bakanteng upuan. They were two old women sitting and chatting there. Nakuha kaagad nila ang atensyon ng mga ito. "Mr. Forfax! I'm happy to see you here," magiliw na saad ng babae. Nangingislap ang mga mata nito. "Minsan lang kita sa ganitong mga party." Bigla naman itong napatingin sa kanyang direksyon. Sa kislap ng mga mata nito. Alam niya na kaagad ang iniisip ng ginang. "I see why," makahulugan nitong aniya. "What's your name, hija? You look familiar." Maliit siyang ngumiti rito. "Savannah Sarmiento po." Nanlaki ang mga mata ng dalawang babae. "Oh! The Sarmiento's daughter! Kung gano'n ay totoo ngang ikakasal na ang anak ni Milana at Amelie," sabat ng isa. Milana is her mother and Amelie is Alessandro's mother. "Too bad! Balak ko pa naman sanang ipakilala ang aking apo kay Milana! Iyon pala ay totoong ikakasal ka na," nanghihinayang saad ng babae. Tipid lang siyang ngumiti. Maya-maya ay napuno na ang mga upuan sa table nila. Savannah was just silent and contemplating on whether to continue her plan or not. Lihim siyang sumulyap sa binata. He looks so serious and innocent. Walang kaalam-alam sa balak niyang gawin. Mahina siyang napabuga ng hangin. I have to do this. . . or else I would go home, mission failed again. Bago pa magbago ang isip niya, she did it. Naramdaman niya ang pag-igtad ng binata nang lumapat ang kamay niya sa hita nito. Ramdam niya ang mainit nitong tingin sa kanya. "Are you okay, Mr. Forfax?" biglang tanong ni babae. Alessandro cleared his throat. "Y-Yes." Savannah felt him stilled when she started caressing his thigh under the table. Nanunuyo ang lalamunan niya sa ginagawa. "Savannah. . ." Alessandro warned in a deep and dominating voice. Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata nito. She almost back out when she saw how dark his eyes were. Nilabanan niya ang mainit nitong tingin. "What?" inosente niyang tanong. Hinuli nito ang kamay niyang nasa hita nito at mahigpit na hinawakan. His jaw clenched. "Stop provoking me. . ." Imbes na matakot, tila mas lalo yatang siyang ginanahan. She suddenly become curious. Curious of what he will do once he runs out of patience. "Make me, Alessandro. Make me. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD