"Savannah," mariing sambit ni Alessandro.
Ngunit kahit pa kinakabahan siya at unti-unting nang tinatakasan ng traydor niyang confidence, hindi siya bumitaw. Mas lalo pang humigpit ang hawak niya rito.
Umiwas ng tingin ang lalaki nang hindi niya ito sundin. She was expecting him to lash out or warn her again pero walang dumating na gano'n. Iyon sana ang gagamitin niya upang ma-blackmail ito but her plan wasn't working on how the way she wanted.
Nagtagis ang mga ngipin niya. Why isn't he doing anything?
Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa hita nito but to her horror, wala na itong reaksyon. Nang silipin niya ang mukha nito wala na siyang nakitang pagkailang. Instead, napalitan iyon ng amusement
Mas lalo siyang nanggalaiti sa inis. May nakakatawa ba sa ginagawa niya?! Nagpapakahirap siyang i-execute ang plano niya rito 'tapos tatawanan lang siya nito.
"Don't f*cking laugh at me, old man!" mahina niyang asik, takot din na marinig ng dalawang matanda na busy na sa lalaking nagsasalita sa stage.
Tumingin ito sa kanya. Nakataas ang isang kilay ngunit may maliit na ngiti sa mapupulang mga labi. Ang sarap lamukusin ng mukha nito. How dare he make fun of her?
"Make me, baby girl," Alessandro muttured, teasing her.
Daig niya pa ang nakakita ng multo sa sinabi nito. Nagtayuan lahat ng balahibo niya sa katawan. Napabitaw tuloy siya sa pagkakahawak dito, which was a wrong move because he casually placed his hand on her bare thigh.
Napasinghap siya nang maramdaman ang init ng kamay nito sa kanyang balat at tuluyang hindi nakahinga nang sensuwal na humaplos ang palad mainit nitong palad. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman niya sa buong sistema. And she hates it. She doesn't want it!
Gusto na niyang tumakbo palayo rito ngunit hindi siya makagalaw. Napalunok siya nang bumaba ang mukha nito. His lips brush on her ear and she knew it was on purpose.
He was seducing her!
"You want to play, wife?" he whispered. "Then let's play. If you lose, I will stay away from you for two weeks. But if you lose. . ."
Napalunok siya sa offer nito.
"Pasasakop ka sa akin, Savannah."
Mabilis siyang napatingin dito. "What?!" bulalas niya.
Ngumiti lang ito at pinisil ang tungki ng ilong niya. "Don't lose, wife."
Saglit siyang natulala upang i-proseso ang sinabi nito. So he wants to play the game she started first. Ngunit may consequences na. If she won, lalayuan siya nito. Though hindi pasok sa gusto niyang mangyari, but it is enough. Magagamit niya ang oras na 'yon para makaisip ng bagong plano. But if she lose, he will dominate her and she will have no other choice but to obey.
Tumingin siya rito at nagtanong, "Do you mean it?"
"Yes," sagot nito.
"Then offer accepted," matapang niyang sagot. "If I won, you will leave me alone."
"And if you lose. . ." Ngumiti ito. "I don't wanna hear no's from you, Savannah."
Hindi na siya nagsalita. It was risky ngunit kung hindi siya nito lalayuan pagkatapos ng party na 'to, she would really lose her mind. Bahala na kung ano'ng mangyari kapag natalo siya. She'll focus on how to win instead.
"Ang kamay mo," asik niya. Hindi pa rin kasi nito inaalis ang kamay sa kanyang hita.
"You touched me first," katwiran nito.
Balak niya pang magreklamo nang bumaling sa kanila ang dalawang matanda. The two women were back talking to them again. Pilit siyang ngumiti upang hindi mahalata ng mga ito ang tensyon sa pagitan nila ng binata.
"May I ask nga pala, hijo, hija. Kailan ang kasal?" tanong ng isa.
Muntik na siyang masamid sa iniinom na wine. There's no formal announcement ng engagement nila yet everyone were already asking when. Too bad, the will never happen.
"We're still planning," tipid na sagot ni Alessandro.
Napataas kilay naman siya. He sounds so confident. Akala mo talaga ay papayag siyang magpakasal dito. Kung confident itong matutuloy ang kasal, confident din siyang hindi matutuloy iyon. Palakasan na lang sila ng lucky charm.
"Oh! I'm really excited! Siguradong maganda at guwapo ang magiging mga supling ninyo," natutuwang saad ng matanda.
Ngunit siya hindi natutuwa. How she hated talking about having children with him! There's no way she would bear his baby! Mas gugustuhin niya na lang ipatanggal ang matres.
"Ilan ba ang balak ninyo?" tanong ng isa pagkatapos ay humagikgik pa.
Hindi na niya malunok ang iniinom na wine sa pinag-uusapan ng tatlo. Si Alessandro naman ay chill lang.
"Three would be enough. Two boys and one girl," sagot ng binata na ikinatingin niya rito.
At talagang may lakas pa itong mag-demand ng tatlo. Gusto pa dalawang lalaki at isang babae! Hindi naman ito ang manganganak! Nanggigil na talaga siya. Kung wala lang ang dalawang kausap nila, nagbardagulan na silang dalawa rito.
"Kung gano'n ay galingan mo, hijo! Para makarami! Sayang ang lahi!"
Oh my God! Seriously?
Palihim siyang tumikhim para ipaalam na nandito pa rin siya. Wala man lang bang manghihingi ng opinyon niya about sa bagay na 'yon? Dahil marami siyang sasabihin!
"Stop it!" mariin at mahina niyang suway rito nang mawala ulit ang atensyon sa kanila ng dalawang matanda.
"I thought we're playing, Savannah?" makahulugang tanong nito. "I'm just playing your game."
Nagtagis ang panga niya. "Well, then. Let's play!" gigil niyang saad.
Nanlilisik ang mga mata niya nang mag-iwas ng tingin dito. Pinagana niya ang utak kung paano makakabawi rito. Hindi lang dapat siya ang iinit ang mukha dahil sa hiya. Dapat ito rin!
Napangisi siya nang may maisip. Let's see, Alessandro, how long will you play this game.
Hindi na siyang umimik pa. She enjoyed drinking her wine while waiting for the right moment. Maya-maya ay napuno na ang buong table nila. Ngiti lang ang sinukli niya sa bati ng mga bagong dating.
"Don't drink too much," suway ni Alessandro nang mapansing nakailang salin na siya ng wine.
Hindi niya ito pinansin. Inisang lagok niya ang laman ng baso saka muling nagsalin. It was just a wine. Hindi siya pagagapangin pauwi.
"Savannah," tawag ng binata sa kanya.
"Yes, Daddy?"
Nanigas ito sa kinauupuan. Parang ilang segundong naglakbay ang kaluluwa nito at hindi kaagad nakahuma. Maya-maya ay nanliit ang mga mata. Nahulaan na marahil ang iniisip niya. Palihim siyang napangisi. They were people around them at alam niyang narinig nito ang tinawag niya sa binata.
Ngunit ang ngiting tagumpay sa mga labi niya ay hindi nagtagal. Hindi nakatakas sa kanya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Yes, Mommy?"
Napasinghap siya at napalayo rito. It was so cringe! Nagtatayuan lahat ng balahibo niya sa katawan. What's wrong with this man?
Naputol ang tensyon sa pagitan nila dahil sa isang mahinang tawa. Napatingin siya sa babaeng humahagikgik sa kilig. Bata pa ito. Probably around seventeen years old.
"Ang sweet niyo po. Endearment niyo po ba iyon?" tanong nito.
Wala siyang balak sagutin ito ngunit ang dakilang kupal sa buhay niya ay walang balak itikom ang bibig at nagsalita.
"Yes. My wife made it. She liked it kinky," walang hiyang sagot ng katabi niya.
Laglag ang pangang napatingin siya rito. "What—"
Hindi na natuloy ang reaksyon niya nang magtawanan ang mga tao sa table nila. Nag-init ang mga pisngi niya nang makita ang malisyosong tingin ng mga ito sa kanya. Mariin siyang napapikit.
For the second f*cking time!
She failed again!