Aminado ako, medyo kabado ako kahit na nasa likuran ko lang siya Nakasunod lang siya sa akin habang ipinapakita ko sa kaniya ang mga kuwarto. Para may mapagpipilian siya kung sakaling desidido na talagang lumipat dito. Napapaisip talaga ako kung anong trip ng isang ito at pinili niyang magrenta dito. Pero bahala na talaga kung papatulan niya talaga ito o hindi!
Pinihit ko ang pinto ng isa pang kuwarto. Binuksan ko iyon. Tumambad sa amin ang silid na tama lang ang lawak. Typical na guest room lang. Ang pinakamalaking kuwarto kasi dito sa bahay ay ang master's bedroom. Kuwarto 'yon ng parents ko. Bukod pa doon, umuuwi pa rin naman dito sina mama at papa kaya hindi ko ginagalaw ang kuwarto. Alam ni Maseng tungkol sa bagay na 'yon.
Pareho kaming tumapak sa naturang silid. Nasa isang sulok lang ako at pinapanood ko siya kung papaano niya pinag-aralan ang silid na ito. Bawat sulok at detalye nito ay pinag-aaralan niya. Tanging gamit lang meron sa silid na ito ay ang kama at bookshelf. Pero pupwede pa naman siyang magdagdag ng mga iba pang kagamitan dito kung gugustuhin niya. Pero hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kaniya. Habang pinag-aaralan niya ang kuwarto ay pinag-aaralan ko din siya. Maganda ang tindig niya. Matangkad siya (hanggang dibdib lang po niya ako, hindi pa yata umabot sa balikat niya! Kainis), maganda ang pangangatawan, maputi pa! Halatang mayaman talaga ang isang ito! Maganda din ang built ng katawan niya, halatang alaga sa gym. Kulang nalang talaga maging modelo!
Bigla siyang lumingon sa direksyon ko. "Magkano ba buwanang bayad?" seryosong tanong niya.
Ibinuka ko ang aking bibig. Natigilan lang ako saglit. Medyo nakalimutan ko kung ano ang sinasabi ni Maseng kung magkano nga ba ang bayad sa bawat bedspacer. Ah! Natatandaan ko na! "Three-five! Hindi pa nga lang kasama nag kuriente at tubig..." tugon ko.
Tumaas ang isang kilay niya sa naging sagot ko. "Three-five?" ulit niya. Mukhang nasopresa pa siya sa lagay na 'yan! "Are you serious?"
"O-oo..." Bakit? Mali ba? Pero 'yon ang sabi ni Maseng!
He pouted and nod. Damn, ang cute niya sa part na 'yan! Shet, Mimin! Ano na naman ang pinag-iisip mo? Shoo shoo, damn thoughts! "Mas mura pa siya kaysa sa inaasahan ko." saad niya. "Kukunin ko na."
Laglag ang panga ko sa naging desisyon niya. Like, what? Seryoso ba siya?! Kukunin na niya?! "S-sige..."
"Bukas na bukas ipapadala ko na ang mga gamit ko dito through truck." seryoso niyang sabi. May dinukot siya mula sa back pocket niya. Isang wallet. May kinuha siya mula doon. Tatlong blue-green an papel at dilaw! Nilapitan niya ako saka inabot niya sa akin ang mga 'yon. "My advance."
Para akong tudo nang tanggapin ko ang pangunahing bayad. Damn, seryoso nga siya! Seryoso siya na siya ang gagamit ng silid na ito! What the...
"May kontrata ba akong pipirmahan?" sunod niyang tanong.
Napaamang ako. "Kontrata?"
"Yeah, between landlady and tenant. Contract of agreement or something."
Agad ako umiling. "Wala, eh..."
"Okay, I understand." tumitig pa siya sa akin na parang pinag-aralan pa niya sa lagay na 'yan. "May gagawin ka pa pagkatapos nito?"
"Wala naman." mabilis kong tugon.
"Good. Ako naman."
Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko sa kaniya. "Ha?"
"Ikaw naman ang pag-usapan natin, Miss Velasco..." mas lumapit pa siya sa akin. Napaatras ako. Lumapat ang likod ko sa pader. Namimilog ang mga mata ko dahil sa kinikilos niyi hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakakorner niya ako sa pagitan ng mga braso niya. What the hell... "May boyfriend ka ba ngayon?"
"H-ha? Bakit napunta sa akin ang usapan?" ngumiwi ako.
He shrugged. "Interisado lang ako sa iyo."
Nagpakawala ako ng pekeng tawa. "Lakas ng trip mo." kumento ko at kumawala sa kaniya. "May itatanong ka pa ba?"
"Saan? Tungkol sa iyo? Marami pa."
"Hindi, tungkol sa pagrenta ng bahay." sabay iwas ng tingin. Damn, ano na naman bang problema ng isang ito?
"Hmm... Sa ngayon wala pa, pag-iisipan ko pa." sagot niya.
"Okay..." hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Pero bakit umiiba ang pakiramdam ko? I mean, nagiging intense ang feeling ko ngayon? May aircon naman dito pero bakit pakiramdam ko ay naiinitan pa rin ako? Pinagpapawisan pa ako! Para mabawasan ang abnormal kong nararamdaman, kusa na akong lumabas ng kuwarto pero nagawa pa rin niya akong sundan!
"Mag-isa ka lang nakatira dito?" sunod niyang tanong habang naglalakad kami.
"Hindi, kasama ko dito si Maseng. Ang bestfriend ko."
"A boy or a girl?"
"Babae, syempre." kaswal kong tugon.
Dumiretso ako sa Kusina pero hanggang dito ba naman sinusundan pa rin ako?! Hindi bale na nga. Dinaluhan ko ang ref saka binuksan ko 'yon. Kinuha ko mula doon ang isang pitsel na naglalaman ng orange juice at isang microwavable round casserole na may lamang carbonara na niluto ko. Inilapag ko 'yon sa dining table. Ipinasok ko naman ang casserole sa microwave. Sunod ay kumuha ako dalawang baso, dalawang plato at dalawang tinidor mula sa kitchen organizer habang pinapainit ang carbonara. Nagsalin ako ng juice. Napansin ko na pinag-aaralan na naman niya ang mga kagamitan dito sa Kusina! Parang sa lahat ng bagay na maron dito, interisado siya.
"May problema ba?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya 'yon. Nagtataka na kasi ako sa kinikilos niya.
Nakuha ko ang atensyon niya. Tumingin siya sa akin at lumapit dito sa mesa. "Nothing, I'm just curious." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Curious ka saan?"
"Sa buhay mo." tugon niya pero may bahid pa rin na kaseryosohan.
Umiiling-iling ako. "Oh, mag-juice ka muna. Hintayin muna natin ang carbonara." binalikan ko ang microwave dahil rinig ko na tumunog ito, ibig sabihin okay na siya. Binuksan ko 'yon at nilabas ang carbonara. Inilipat ko ito sa serving plate. Naglagay din ako ng serving spoon. Nilipat ko ito sa mesa. "Okay na, kumain ka muna." aya ko pa sa kaniya.
Kahit na nag-aapply siyang bedspacer, itinuring ko pa rin siyang bisita. Ang pangit naman kasi tinanggap niya ang silid dito sa bahay, pakonsuwelo ko nalang din sa kaniya ito. Ang kumain muna siya bago umalis. Atleast busog siya pagkaalis niya, wala siyang masasabi sa akin. Para naman mabait na landlady ako, kahit na inaway niya ako nang nag-apply ako sa kaniya!
Tulad ng inaasahan ko, medyo nagulat pa siya dahil inaya ko pa siyang kumain. Hinila niya ang isang upuan at umupo na. Ganoon din ang ginawa ko. Ako pa ang nagsalin ng carbonara sa plato niya. Hinayaan niya lang ako sa ginawa ko. Hindi ko lang din malanan kung bakit bakit nagpipigil ng ngiti ang kumag na ito. Ano na naman bang problema niya? May mali ba sa ginagawa ko?
"Mukhang maasikasong girlfriend ka," rinig kong kumento niya nang mag-uumpisa na kaming kumain. Napatanga ako sa sinabi niya. Nagtama ang tingin namin. Bakit ba sa tuwing nagkukumento siya tungkol sa mga ganitong bagay, he made me uneasy? Bakit ginagapang ako ng kaba—kaba na hindi 'yung tipo na may gagawin siyang masama sa akin o anuman. Iba. Iba ang pakiramdam na ito. Oo, nagawa ko rin kabahan sa harap ni Ace noon pero sa kaniya, iba. Mas grabehan pa! "Don't mind me." biglang bawi niya.
Isang mapait na ngiti nalang ang sumilay sa aking mga labi para mapawi ang sakit na sumikdo sa aking puso sa mga oras na ito.
"By the way," pahabol pa niya. Muli akong tumingin sa kaniya. "Starting tomorrow, magiging secretary kita."
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tinidor sa naging anunsyo siya. "S-seryoso ka ba talaga d'yan?" hindi makapaniwala kong tanong.
Tumango siya bilang sagot. "Yes. Ikaw mismo humiling sa akin na bigyan kita ng trabaho." kaswal niyang pahayag.
"Oo nga, pero ang sabi ko, kahit mababang posisyon lang."
"Iyon ang mas convenient na trabaho para sa iyo."
**
Nakahinga ako ng maluwag nang nakaalis na si Jhafarin Hochengco. Ang akala ko talaga mas tatagal pa siya dito. Gusto pa man din niyang tumulong sa mga gawaing-bahay dito pero ako na mismo ang tumanggi dahil bukod sa nakakahiya, hindi pa ako sanay sa presensya niya. Mas hindi ako makapaniwala dahil magiging secretary niya ako bukas na bukas din! Wala din akong experience sa pagiging secretary! Assistant ng head chef, pwede pa. Kinakastigo ko na nga ang sarili ko dahil sa katangahan ko!
Inabot na ako ng gabi sa paglilinis at pag-aayos ng bahay. Nakapaluto na din ako ng dinner para sa pagdating ni Maseng, kakain nalang kami. Sasabihin ko din sa kaniya na mayroon nang bedspacer na papatol. At sakto ay dumating na siya. Medyo pagod na siya sa lagay na 'yan. Inaya ko na siyang kumain. Sumunod naman siya. Pansin ko ang pagiging tahimik niya sa palipas ng mga oras. Gustuhin ko man banggitin sa kaniya tungkol kanina ay hindi ko na nagawa. Siguro bukas nalang ng umaga, tiyak okay na siya.
Siya na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan. Nagpaalam na ako sa kaniya na papasok ako sa kuwarto dahil maghahanda na ako ng damit na susuotin ko para bukas dahil bukas din ay mag-uumpisa na ako sa trabaho ko bilang sekretarya niya. Nagshower at lumabas akong nakatapis pa. Agad ako nagbihis ng damit pampatulog na siya naman pagtunog ng cellphone ko na nakapatong lang sa ibabaw ng kama. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko dahil unknown number ang nakalagay. Pero parang may nagtulak sa akin na sagutin 'yon.
"Hello?" bungad ko sa kabilang linya.
"Ready ka na for tomorrow?" tanong niya sa pamamagitan ng seryosong boses.
Umawang ang aking bibig nang napagtanto ko kung sino ang nagmamay-ari na boses na 'yon sa kabilang linya! "R-ready na ako..."
"I see." he paused for seconds. "Tomorrow at seven in the morning. I'm expecting you."
"Okay po." ang tanging naging sagot ko.
"Jasmine," tawag niya ulit.
"Po?"
"Jasmine... Mine..."
Natigilan ako sa huling salita na kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung ano ang magiging reaksyon ko. Damn, ano bang nangyayari?
"Nothing, alam ko na kung anong iseset ko na pangalan mo sa phone book ko." he said.
"A-ah... Okay po."
"Can I confess something?" he added.
"Sure,"
"I'd seen you long before you saw me in the interview. You're terribly drunk because of your broken heart. Hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya dinala muna kita sa isang Inn para makapagpahinga ka. That night, you made unusual me. I found you a woman who was still but unsure of her own attractiveness, with a nice figure, but she hid it with a looseness to her blouse that was supposed to be sexy but actually disguised the curviness of her body." he sighed. "I'm kind a possessive boss. I'm more possessive if you're going to be mine, Jasmine."