chapter three

2440 Words
Hinubad ko ang toque hat na suot ko, kasabay na huminga nang malalim. Isinandal ko ang aking sarili sa Kitchen table upang magpahinga. Kakatapos ko lang lutuin ang isa sa mga Chinese dish na isa sa mga specialty ng pamilyang Hochengco. Tapos na din ako sa plating. Kulang nalang ay iserve ang mga ito. Good thing, nakamarinate na ang karne sa pampalasa nito nang dumating ako. Kulang nalang talaga ay lutuin ko na ito. Bukod si Madame Laraya lang tanging ako lang ang nagturo sa akin sa mga specilaty ng angkan na ito. Hindi niya itinuro ang mga iyon sa aming mga sous chef o kahit kanino man. Hindi ko aakalain na magiging productive ako ngayong araw although hindi ako natanggap ng Jhafarin Hochengco sa inaapplyan kong trabaho. Ngumiwi lang ako nang sumagi sa isipan ko ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Siguro ay hindi ko pa rin tanggap na pagkatapos ng araw na ito ay nakatengga pa rin ako sa bahay. Kahit anong pagmamaktol ko siguro ay wala pa rn ako magagawa. Hindi ko na maibabalik kung ano na ang nangyari. Bahala na kung anong mangyayari sa akin sa susunod na araw. May savings pa rin naman ako kaya iyon na muna siguro ang gagamitin ko habang wala pa akong trabaho. Dahil wala na akong gagawin sa lugar na ito, nagpasya na akong magpaalam at umalis na sa naturang Hotel na 'yon. Sa gayon ay hindi na ako makakaistorbo pa. Bukod pa doon ay anong oras na din naman. Tiyak hinihintay na ako ni Maseng sa bahay at baka mag-alala na naman dahil hindi ko nasabi sa kaniya kung bakit hindi ako dumiretso ng uwi pagkatapos ng interview. Alam pa naman din niyang hindi ako natanggap kaya hindi ko siya masisisi kung mag-alala pa siya. "What? Aalis ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Madame Laraya nang nakapagpaalam na ako sa kaniya, hawak niya ang isang plato ng pagkain na kakatapos niya lang din magplating ng main menu. Tipid akong ngumiti. "Opo, baka po kasi nag-aalala na ang kasama ko sa bahay." may halong hiya pa 'yon. Bago niya ako sagutin ay luminga-linga siya sa paligid na tila may hinahanap. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi nang may namataan yata siya. "Jhafarin!" malakas niyang tawag sa pangalan na 'yon. Dahil sa pagkabigla ay napasunod din ako ng tingin sa direksyon ng hambog na 'yon! Nahagip ng aking paningin siya na may hawak na wine flute. Nakatingin siya sa direksyon namin. Walang alinlangan siyang lumapit sa amin. Inilapat ko ang mga labi ko para kontrolin ang sarili ko na huwag magsalita lalo na sa harap nito! Oo, aminada kong naiinis pa rin ako sa kaniya pero kailangan ko pa rin pigilan ang sarili ko dahil nasa harap ko din si Madame Laraya! "Yes, tita?" pormal niyang wika kay Madame Laraya. "May gagawin ka ba ngayon?" diretsahang tanong nito sa hambog. "Hmm, wala naman po. Bakit po pala?" wow, ha! Ang galang niya! Samantalang sa akin, kung anu-ano pang-aakusa na binitawan niya laban sa akin! Tss. "Good! Hihingi sana ako ng favor. Baka puwede mong ihatid itong si Mimin sa bahay nila." hindi mawala ang ngiti ni Madame nang sabihin niya 'yon. Bumaling siya sa akin. "Ayos lang naman siguro, Mimin... Na ihatid ka nitong pamangkin sa bahay ninyo?" "N-naku po, Madame... Nakakaabala naman po. Pupwede naman po akong mag-commute..." bigla akong sumingit. "No," maagap niyang sabi. "Pinagbigyan mo ako sa pabor ko na tulungan mo ako ngayong araw. Dahil sa akin kaya ka napatagal na imbis ay didiretso ka na sa pupuntahan mo. Please?" mas nilambingan pa niya ang huling salita. Mukhang alam na alam niya kung paaano ako hindi makatanggi sa gusto niya! Ngumiwi ako. Sumulyap ako saglit sa hambog. Nakatingin din siya sa akin na parag hinihintay niya ang approval ko. Lumunok ako nang ibinalik ko ang tingin ko kay Madame Laraya. "S-sige po." iyan nalang ang tanging naging sagot ko. Abot-tainga ang kaniyang ngiti sa aking sagot. Halos gusto na niyang pumapalakpak sa tuwa pero hindi niya magawa dahil may hawak siya. "Yes! Oh sige, mag-ingat kayo. Ako na bahala magpaliwanag sa parents mo Jhafarin kapag umalis kayo." nagpahabol pa siya ng kindat sa amin. Bahagya akong tumango saka muli nagpaalam na aalis na. Hindi ko initindi kung nakasunod ba ang lalaking hambog. Ilang saglit na naman ay pagtitiisan kong makasama ang isang ito. Hindi bale, ilang minuto lang naman ang byahe mula dito papunta sa bahay! Saglit na saglit lang 'yon! Pagkatapos ay wala na, aalis na din siya! Until we reached the Parking Lot. Doon ay nauna siyang lumapit sa sasakyan na ginamit niya kanina papunta dito at kasama niya ang napag-alaman kong mga pinsan niya. Binuksan niya ang isang pinto ng frontseat, kasabay na tumigil ako sa paglalakad. Mas lalo pa ako natigilan nang bumaling siya sa akin habang nakahawak siya sa pinto na tila hinihintay niya ako na makapasok doon. Papaano kasi, seryoso na naman ang mukha niya! Akala mo kaaway ang tingin sa akin! "Hop in," kahit sa boses niya ay ramdam ko pa rin ang kaseryosohan niya. It feels more like a demand! Tumayo ako ng tuwid. Tumikhim saka lumunok. Isang seryosong tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Ayos lang ako. I mean, pupwede mo naman akong hindi ihatid..." naging mas mahina at mabagal ang pagbigkas ko sa huling salita, hindi ko rin maituloy dahil nakita ko na nanatili pa rin siya sa kaniyang kinakaatayuan, nanatili parin sa akin ang kaniyang mga tingin. Akala mo ay wala siyang pakialam sa sinasabi ko! "...Kaya kong magcommute." nagawa ko pang ipagpatuloy 'yon. Gumalaw siya't humarap sa akin. Ipinasok niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng kaniyang black slacks. Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Damn, why I suddenly feel the intesity? Lalo na sa pamamagitan ng kaniyang mga mata na kulang nalang ay kainin na niya ako ng buhay?! "Kapag pumayag ako, ginagawa ko." bigla niyang sabi sa pamamagitan ng malamig na tinig. "And besides, Aunt Laraya expecting me to be a gentleman to you." Muli pa ako humakbang paatras dahil pakiramdam ko ay hindi ko na nakakaya ang intense sa paligid, lalo na sa pagitan naming dalawa! Pero ang akala ko ay tuluyan na akong makalayo sa kaniya ay nagkakamali ako! Dahil bigla niyang pinulupot ang isa niyang braso sa aking bewang. Natigilan ako sa kaniyang ginawa! Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sabay tingin sa kaniya. What the... Wala na akong narinig na kung anumang salita mula sa kaniya. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa loob na ako ng sasakyan. Lalo na't siya pa mismo ang nagkabit ng seatbelts para sa akin! Pero hindi ko maitindihan ang sarili ko kung bakit nangingibabaw para sa akin ang pabango niya. Lalaking lalaki. Dahil d'yan ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniya at ganoon din siya sa akin! Napagtanto ko na masyado na pala siyang malapit sa akin! Sa pagtama ng aming tingin ay akala mo ay malalagutan na ako ng hininga! My eyes scanned him until it darted into his neck. I swallowed hard when I saw him damn and sexy Adam's apple! Gusto kong magmura pero pinipigilan ko lang! s**t, Mimin! What the hell are you doing?! "You okay?" he snapped. Bumalik ang aking ulirat nang marinig ko ang kaniyang boses. Dahil napalitan 'yon ng pagkataranta ay hindi ko sadya na maitulak ko siya kaya napauntog siya! Dumaing siya. Napasinghap ako sa aking katangahan! "So-sorry!" malakas at aligaga kong sambit. "Sorry talaga! Sorry!" I was expecting he would be a mad-ape. Imbis ay marahas na buntong-hininga ang pinakawalan niya saka tumingin sa akin. "I'm fine..." tipid niyang pahayag. Umalis na siya sa harap ko saka umikot sa harap hanggang sa marating na niya ang driver's seat. Umayos ako ng upo. Nagkukungwaring inosente sa nangyayari, ni hindi ako makasulyap sa kaniya dahil sa hiya na ginawa ko. Pero ang totoo niyan ay ilang beses ko na kinastigo ang aking sarili sa pamamagitan ng aking isipan. Ang tanga mo, Mimin! Lahata na yata ng mura ay sinabi ko na sa sarili ko! Binuhay niya ang makina ng sasakyan, bago niya tapakan ang gas ay hinawakan niya ang kambyo hanggang sa umusad na ang sasakyan. Mabilis kaming nakaalis mula sa Parking Lot. Nanatili pa rin akong tahimik sa isang tabi. Pilit kong tumingin sa window pane dahil sa totoo lang ay inaagaw ng atensyon ko. Akala mo may nag-uutos sa akin na sulyapan ko ang lalaking hambog pero hindi, hindi dapat ako tumingin sa kaniya! Sa kasagsagan ng highway ay rinig ko na pagsalita niya, "So, dating empleyado ka pala ni tita Laraya..." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Y-yeah..." ang naging sagot ko. "Bakit ka umalis sa kaniya kung ganoon? Mukhang gustong gusto ka niya." sunod niyang tanong, kaswal at seryoso. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa dinadaanan naming kalsada. Imbis na magsalita ay inilapat ko ang mga labi ko. Pwede ko bang sabihin na pass? Ayoko talagang sagutin ang tanong niyang 'yan. Oo, anim na buwan na akong single pero sa tuwing nababanggit ang tungkol sa bagay na 'yan, hindi ko maiwasang hindi masaktan! Aminado ako, may naiwan pang sakit na ginawa ni Ace! Na nagawa niya akong ipagpalit para sa iba! "Hindi bale, don't mind my questions." pahabol pa niya. - Pagkatigil ng sasakyan niya sa tapat ng bahay at agad ko kinalas ang seatbelt saka binuksan ang pinto na nasa tabi. Bago ko man isara 'yon ay humarap ako sa kaniya. Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko. "Salamat pala sa paghatid, Sir..." Wala akong narinig na salita, imbis ay tumango lang siya. Isinara ko ang pinto. Hindi ako nagdalawang-isip na pumasok sa gate saka isinara 'yon. Dumiretso ako hanggang sa nakapasok na ako sa bahay. At doon ay dinaluhan ko ang bintana. Hinawi ko nang kaunti ang kurtina para silipin kung nakaalis na ba siya. Kumunot ang noo ko dahil tanaw ko pa rin ang kaniyang sasakyan. Binitawan ko ang kurtina saka lumayo na mula sa bintana. Nagkibit-balikat ako upang balewalain siya. Ngumuso akong dinaluhan ang aking silid nang nakasalubong ko si Maseng. Nakapajamas na siya't nagpapatuyo ng buhok sa pamamagitan ng tuwalya. Pareho kaming natigilan sa isa't isa. Muntik na nga ako mapatili dahil sa gulat. "Oh, nakauwi ka na rin sa wakas." saad niya saka nilapitan ang sofa at umupo. Patuloy pa rin siya sa pagpapatuyo ng buhok. "Anong nangyari at ngayon ka lang?" Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Nakasalubong ko kanina si Madame Laraya." panimula ko. Kita ko kung papaano siya natigilan sa sagot ko. Tumitig siya sa akin, hinihingi pa niya ang buong detalye. "At nalaman ko na ang HR na nagreject sa akin ay pamangkin ni Madame." Umawang ang kaniyang bibig dahil sa narinig. Kumurap-kurap pa siya. "Seryoso?" Tumango ako bilang tugon. She scoffed. "Anyway," siya naman ang nagsalita. "Nareceive ko ang text mo na nareject ka nga, gumawa ako ng paraan para may pagkakakitaan ka pa rin habang naghahanap ka ng trabaho." Kumunot ang noo ko. Nilapitan ko ang single sofa at umupo doon. "Talaga? Ano naman 'yon?" naging interisado pa ako. "Pagkauwi ko kanina, nilibot ko ang buong bahay. Napansin ko na may mga extrang kuwarto pa dito. Naisip ko, bakit hindi mo nalang iparenta ang mga ito. Bed spacer, ganoon. Tutal naman ay wala naman dito ang mga magulang mo, nag-iisang anak ka lang din naman." Napasinghap ako sa aking napagtanto. Bakit hindi ko naisip tungkol sa bagay na 'yon?! "Pwede." kusang lumabas sa bibig ko ang salita na 'yon. "Alam ko namang papayag ka, kaya nilinis ko na ang mga kuwarto. Naglagay na din ako ng sign sa may gate. Hintayin lang natin kung mayroon papatol. Sasabihin ko sa iyo kung magkaroon ang renta kada tao. Maliban doon ang kuryente at tubig. Syempre, magseset tayo ng house rules dito." dagdag pa niya. Malawak ang ngiti ko. "Sige! Mukhang exciting 'yan!" walang atubiling kong tugon. Mas sumeryoso pa ang mukha niya. "Pero iisa lang masasabi ko, tengene niya." "Huh? Sino?" "Sino pa ba? Eh di ang HR na nagreject sa iyo. Tss." inalis na niya ang tuwalya sa kaniyang ulo. Niyakap na niya ito sa huli. Bumungisngis ako. "Oo nga, petenge niya." - Panay hikab ko habang palabas ako ng bahay. Papaano kasi, nagising ako nang may nagdodoorbell sa labas. Sunod-sunod pa. Nang silipin ko kung anong oras na. Pasado alas siete na, tiyak wala na din si Maseng dahil may trabaho siya kaya ako lang ang mag-isa ngayon dito sa bahay. Pero kahit ganoon, maghahanap pa rin ako ng trabaho thru intenet. Hindi ako pupwedeng sumuko! "Nar'yan naaaaa!" hindi ko mapigilang lakas ang boses ko nang tuluyan na akong nakalapit sa gate. Binuksan ko ito. Tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki kaya napatingala ako. Halos takasan na ako ng kaluluwa ko nang makita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Teka, anong ginagawa niya dito?! "I-ikaw..." "Good morning, Miss Velasco." pormal niyang bati sa akin. "A-ano pong kailangan ninyo? May... Ginawa ba ako?" humakbang pa ako para makalagpas ng gate. Bago man siya sumagot ay may dinukot siya mula sa loob ng kaniyang business suit. Ipinakita niya sa akin 'yon. Isang flyer. "I am interested here." wika pa niya. Titig na titig ako sa flyer na ipinakita niya. Kumurap pa ako. Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Maseng tungkol sa pagrerenta ng kuwarto. Sandali, ano? Ang Hochengco na ito, interisado maging bed spacer? Teka, mayaman ang isang ito, at saka... Afford niyang bumili ng mga condo unit o anuman. Pero bakit pinatulan niya ang pagiging bed spacer? "Handa ako magbayad kahit magkano." segunda pa niya. Biglang may sumagi sa isipan ko. Tumitig ako sa kaniya. "Sige, pero may kondisyon." kusang lumabas sa bibig ko ang mga salita na 'yon. Kumunot ang noo niya. "Huh?" Ngumuso ako. "Kailangan ko talaga ng trabaho. HR ka naman, hanapan mo ako kahit maliit na posisyon lang sa Tung Xiao." Umukit ang pagkasopresa niya sa aking sinabi. "Seriously?!" Tumango ako. "Seryoso ako. Pero kung ayaw mo, okay lang din sa akin na umalis ka..." "Oh damn," matigas niyang bulalas. "May alam akong trabaho na nababagay sa iyo. Hindi talaga bagay sa iyo ang maging front desk representative." Tumaas ang isang kilay ko. "Eh ano ba dapat?" Pero shems, bigla ako nakaramdam ng intesity. Humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Hindi ko rin maitindihan kung bakit nagawa ko pang tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata hanggang sa napagtanto ko na nakorner niya sa ako sa gate! Nakalapat ang isang palad niya doon. "Be my secretary." ANO DAAAAAW?! SOUS CHEF TO SECRETARY, REALQUICK! SERYOSO BA SIYA?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD