chapter two

1935 Words
Lugmok akong umupo sa isa sa mga bench. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ipinatong ko naman ang aking bag sa aking tabi. Hindi ko muna sinilip ang aking cellphone dahil paniguradong hindi pa makakapagreply si Maseng dahil na din sa busy na siya sa kaniyang trabaho ng mga ganitong oras. Makakareply lang siya kapag lunch time na. Isinandal ko ang aking likod sa bench. Pinagmasdan ko ang mga tao sa aking paligid. Napangiwi lang ako nang may makita akong iilang couples na masayang naglalakad habang nakaholding hands pa! Kusang kinuyom ko ang aking kamao. Ewan ko ba, bigla nalang ako nakaramdam ng inis sa tuwing nakakita talaga ako ng couple. Minsan, ang sarap sigawan na 'walang forever!' o hindi kaya, 'hindi rin kayo magtatagal, maghihiwalay din kayo!' Pero huwag nalang pala, baka mapaaway pa ako nang wala sa oras kung uunahin ko ang kabitteran sa katawan. Ang dapat kong unahin ay kung ano na ang sunod kong gagawin? Minsan sarap batukan ang aking sarili dahil sa katangahan ko. Bakit kasi nagawa ko pang umalis sa Restaurant nina Sir Suther at Ma'm Laraya? Tama naman ang sinabi ni Maseng sa akin, maganda ang pagpapasweldo sa akin ng mga amo ko lalo na't maganda naman daw ang performance ko. Anong magagawa ko din kasi? Sobra akong nasaktan ng mga panahon na 'yon. Imbis pagbalingan ko nalang sa trabaho ang lahat ay nagawa ko pang magmukmok sa bahay ng ilang buwan. 'Yung tipong wala akong gana sa lahat, kumain, gumala o mga madalas na ginagawa ko noon. Kusang tumulo na naman ang luha ko dahil sumagi na naman sa isipan ko ang pinagsasabi sa akin ng CHRO na 'yon! Ang sakit niya talaga magsalita, grabe. Nag-aapply palang ako, papaano pa kaya kung naging boss ko na siya? Eh di palagi niya akong pagbabalingan ng init ng ulo niya kung sakali? Nakakainis lang din dahil napakasuplado niya! Okay, naiitindihan ko siya sa part na 'yon. Ginagawa niya ang kaniyang trabaho bilang isa sa mga nag-iinterview pero what the hell, bakit below the belt naman yata ang mga pinagsasabi niya?! Natigilan ako nang naalala ko ang sinabi niya. Bahagyang kumunot ang noo ko at tumulala. Siya ang kasama ko ng gabi na 'yon? I mean, noong lasing ako?! Napatay ako. "What?!" matigas kong bulalas nang isa-isa nang bumabalik ang mga alaala sa aking isipan tungkol nang gabing 'yon. "Shit." sunod kong bigkas. Agad kong pinunasan ang mga luha na kumawala. Muli ko isinuot ang aking bag saka umalis sa Parke para bumalik sa kompanya kung nasaan ang lalaking 'yon! - Mabibigat na hakbang ang pinapakawala ko habang papalapit na ako sa gusali na 'yon. Huminto lang ako nang natanaw ko ang lalaking 'yon na kakalabas lang sa building! Hindi siya nag-iisa. May mga kasama siya. Isang babae at isang lalaki. Muli na naman kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Isama mo na ang pagkangiwi dahil ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo sa inis! Sinundan ko siya ng tingin, hindi niya ako makita dahil abala siya sa pakikipag-usap sa mga kasama niya. Tumigil lang sila nang may tumigil na sasakyan sa harap nila. Nagbukas ang pinto mula sa driver's seat, isang lalaki na naka-itim na business suit. Lumapit siya sa direksyon kung nasaan ang CHRO saka inabot ang susi. Tinanggap ng lalaking 'yon ang ibinigay sa kaniya at siya naman ang lumapit sa sasakyan, kaniya-kaniyang sakay naman ang mga kasama niya sa naturang sasakyan. Bahagyang umawang ang aking bibig dahil ang lalaking 'yon ang magmamaneho ng sasakyan na 'yon! Agad ako tumalikod, nagbabakasakaling hindi niya ako makita. Lumunok ako at umaaktong inosente pero sa nagnanakaw sulyap ako upang malaman kung nakalayo na ba sila o hindi pa. Nang makita kong nakalayo na sila, agad ako lumapit sa kalsada saka pumara. May tumigil na isang taxi sa harap ko. Dali-dali akong sumakay sa backseat. "Manong, sundan mo ang color blue na sasakyan na 'yon." wika ko sa taxi driver. Tumango ito saka pinausad na niya ang sasakyan. Tulad ng utos ko, sinundan nga niya ang kulay asul na sasakyan na pagmamay-ari ng hambog na 'yon! Tss. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko pang sundan ang lalaking 'to, eh. Dapat sa mga oras na ito ay bumibyahe na ako pauwi sa bahay para makapagpahinga o hindi kaya makapaghanap sa internet ng ibang trabaho. Pero hindi, eh. Talagang sinundan ko pa kung saan pupunta ang siraulong hambog na 'yon! Tss, bahala na nga! - Laglag ang panga ko. Aminado ako, hindi ako makapaniwala nang nasa tapat ako ng isang five star hotel. What the hell? Ano naman gagawin ng hambog na 'yon dito? Sumilip ako sa aking cellphone kung anong oras na. Alas onse palang ng umaga. Oras ng trabaho pero nagawa pang maghotel ng lalaking 'yon! Kalma, Mimin. Inhale, exhale... Sinimulan kong maglakad papunta sa loob ng magarbong hotel na 'yon. Bumati sa aking ang security guard nang pagbuksan niya ako ng pinto. Sinuklian ko 'yon ng ngiti at ginantihan ko na rin siya ng bati bago ako tumapak sa lobby ng Hotel. Natigilan ako nang tumambad sa akin na akala mo mala-palasyo ang lobby ng hotel! Pakiramdam ko ay nasa ibang bansa ako ng mga oras na ito! Damn it, Mimin! Hindi ka narito para mag sightseeing! Narito ka para gumanti sa lalaking hambog! Tandaan mo 'yan! Tama, tama! Oo, gaganti na nga ako! Nahagip ng aking mga mata ang lalaking hambog, kasabay niya ang mga kasama niya. Papunta sila sa iisang direksyon. Pasimple akong sumunod. Nakita ko na may isang bodyguard na nakatayo sa tabi ng malaking pinto. Nang makita niya ang pagdating ng tatlo, kasama ang lalaking hambog ay umiba ang postura nito, para bang nirerespeto niya ang mga bagong dating. Pinagbuksan niya ng pinto ang mga ito. Tumikhim ako sa maglalakad para sundan pa sila pero naudlot nga lang nang hinarangan ako ng guard. Now he looks intimidating! "Ano pong sadya niyo dito, Miss?" tanong niya sa akin, mas nakakatakot siya kapag nagsasalita, hala! "Ah... Eh..." nangangapa ako kung anong palusot ang sasabihin ko. "K-kasama ko 'yung lalaki..." Kusang kumunot ang noo niya sa sinabi ko, para bang hindi siya kumbinsido sa aking sinabi. "Sinong lalaki?" sunod niyang tanong. "'Yung lalaki na kakapasok lang..." malumanay kong tugon sabay turo ko sa direksyon ng pinto. "Yung matangkad na chinito!" "Sino doon? Si Sir Nilus ba o Sir Jhafarin?" Teka, ano nga ulit pangalan ng lalaking hambog na 'yon? s**t, ano ba? Ano ba kasing isasagot ko?! "At saka," dagdag pa niya. "Hindi ka pamilyar sa akin, Miss. Ngayon ka lang kita naencounter dito. Spy ka ba o isa sa mga tauhan ng kalaban ng mga Hochengco?" bakas na doon ang pagdududa. "H-ha?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Hindi, hindi ako kalaban... Maniwala kayo." "Mimin?" Sabay kaming napatingin ng guard sa direksyon ng nagmamay-ari ng pamilyar na boses na 'yon. Natigilan ako nang tumambad sa akin si Ma'm Laraya. She's wearing a prestine white dress. As usual, she looks classy and elegant! Lalo na't suot niya ang peal jewelries! She's holding a handbag na natitiyak ko na mamahalin pa! "M-Ma'm Laraya?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "What are you doing here? Hindi ko inaasahan na makita ka." nasa likuran naman niya si Sir Suther, nakasunod lang sa kaniya. Kasama niya din ang mga anak niya! "Ah... Ano po kasi..." "Ma'm Laraya, gusto po niyang pumasok dito. Baka po kasi tauhan siya ng kakompetensya—" Inis na bumaling si Ma'm Laraya sa guard. "Manahimik ka, hindi ikaw ang kausap ko. Sabat nang sabat, eh." Inilapat ko ang mga labi ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na matawa sa harap nila. Kahit kailan talaga, hindi nagbabago si Ma'm Laraya. Pero may awa din naman akong naramdaman para sa guard dahil napagalitan na naman siya nang wala sa oras. "Dati ko siyang empleyado, okay? Huwag kang ano d'yan." segunda pa ni Ma'm Laraya sabay hawak niya sa akin. "Tamang-tama, may family gathering kami ngayon. At mabuti nalang ay narito ka rin naman, tutulungan mo ako sa paghahanda." Magsasalita pa sana ako pero hindi na maituloy dahil tuluyan na niya akong nakaladkad papasok sa banquet hall! Puros mga chineses designs ang tumammbad sa akin. May mga bulaklak din na nakaset sa paligid na akala mo ay wedding reception! Marami ding tao! Puros mga chinese ang nakikita ko dito! Like, what the hell?! Bumaling ako kay Ma'm Laraya. "F-family gathering?" mahinang saad ko. "Yes, family gathering ito." nakangiting tugon niya sa akin. "Puros mga Hochengco ang naririto dito. At isa ako sa maghahanda ng pagkain dito. Natatandaan mo pa naman siguro ang mga itinuro ko sa iyo habang nasa Resto ka pa, right?" I swallowed hard. "O-opo..." Mas lalo lumapad ang ngiti niya. "Great. So, let's get started. And don't worry, magbabayad ako. You know me, Mimin." sabay kindat siya sa akin at nauna na siyang naglakad. Para akong tuod na nakasunod sa kaniya. Ramdam ko na may nakatingin din sa akin. Dahil sa hiya ay hindi ko naman magawa. Finofocus ko lang ang sarili ko na sumunod kay Ma'm Laraya pero biglang may humarang sa akin nauntog ako. Napaatras ako sabay sapo sa aking noo. Tumingala ako kung sino 'yon. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yon! Si hambog! Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nakapamulsa siya sa harap ko. "Why are you here?" "H-ha?" "Ayokong inuulit ko ang tanong ko, Miss Velasco." "Oh, Jha! You know her?" rinig king tanong ni Ma'm Laraya. "Yes, tita Laraya." seryoso sagot niya pero nanatili siyang nakatingin sa akin. "Nag-apply siya sa Tung Xiao, but unfortunately, I rejected her." "What?" rinig kong bulalas ni Miss Eilva sa bandang likuran ko. "Seryoso?" Dumapo ang tingin ko sa sahig. Hindi na naman ako makatingin ng diretso sa kaniya dahil sa hiya. Ang tanga mo kasi, Mimin! Bakit mo pa kasi sinundan eh ayan tuloy, malalagay ka na naman sa alangin! And worst, hindi lang kayong dalawa ang naririto kanina. Sa mga oras na ito, may ibang tao nang makakarinig! Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang sarili kong maiyak. Kinuyom ko ang aking kamao. Damn, gusto ko nang tumakbo palayo pero hindi naman ako hindi ko naman magawa. Pakiramdam ko ay may ugat ang mga paa ko na para bang hindi ko pupwedeng takasan ang sitwasyon na ito. "Oh, hindi ba siya ang dati sa mga sous chef ni tita Laraya, right?" bigla kong narinig ang boses ng isang babae. "Yes, Verity. She is." sagot ni Miss Eilva. May lumapit kay hambog na lalaki. Kasing tangkad niya ito. Maputi at chinito din. "Cous, bakit rejected siya? Disente naman niyang tingnan, ah." wait, siya ang lalaking tinutukoy ng guard. Sa pagkaalala ko, Nilus ang pangalan niya. "Oo nga naman. Mukhang dedicated din siya trabaho. Bakit nga ba, Jhafarin?" sunod na tanong ng kasama niyang babae kanina. I shut my eyes so hard. Hinahanda ko ang sarili ko sa oras na sabihin niya sa kanila kung anong katangahan na ginawa ko para hindi ako nito matanggap sa trabaho. Oh please... Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Masyado siyang maganda." "WHAT THE f**k/WHAT THE HELL?!" Napadilat ako saka tumingin sa kaniya na nanlalaki ang mga mata dahil sa hindi inaasahan na isasagot niya. A-ano daw?! Seryoso pa rin ang mukha niya. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Hindi lang siya bagay sa front desk. Kailangang lang itago ang ganda na meron siya." Napatampal ng noo si Miss Eilva, ang iba sa magpipinsan ay natawa at bumungisngis. "Oh no, here we go again... Goodluck, Mimin!" Huh? Bakit ganoon ang reaksyon nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD