Chapter 128 NA HOSPITAL SI TUTAY DAHIL dinugo ito. Hindi ko alam kung bakit siya dinugo basta sinabi lang sakin ni Kitty na tinakbo sa hospital si Tutay kanina. Hindi ko alam kung bakit siya dinugo, wala naman siya'ng ginagawa sa bahay namin kundi humilata at matulog. Pumunta ako sa dahil wala si Thirdy at nasa school pa. Tanging si Kitty lang ang kasama ni Tutay sa bahay kaya ito ang nagdala sa hospital. Mabuti na lang si mama ay hindi inatake kaya nakahinga ako. Pagdating sa hospital ay nakita ko agad si Kitty saka lumapit sa kanya " Anong nangyare?" Tanong ko agad sa kanya ng makalapit. Nasa palengke ako kaya hindi ko alam. " Hindi ko alam ate. Basta paglabas niya ng kwarto may dugo nasa hita niya at humihingi ng tulong kaya mabilis ko siya dinala dito." Kwento ni Kitty sakin. "

