Chapter 127 SINILIP KO SA MAY SALA SINA KIT at Thirdy habang umiinum. Sa bahay na sila uminum dahil iyon 'din ang gusto ni mama. Balak pa nga magyaya ni Thirdy ng tropa pero sinabi kung bawal kaya hindi na namilit pa ang kapatid ko at sila na lang dalawa ni Kit. Nakita kung nag-uusap sila kaya bumalik na ako sa taas para kunin ang tuwalya at maliligo ako. Amoy pawis na ako dahil galing ako sa palengke. Nakakahiya naman tumabi ay Kit kung amoy anghit naman ako. Well, wala naman ako'ng gano'n na amoy. Ayaw ko lang tumabi kay Kit kapag amoy pawis ako at walang ligo. Pagpasok sa banyo ay naghubad agad ako ng damit saka nagsimula ng maligo. Masarap maligo dahil malamig ang tubig at mainit ang panahon ngayun. Kahit nakatutok na ang electric fan sakin ay mainit parin. Mas lalo na kapag nilandi

