Masayang-masaya si Sophie habang pinagmamasdan ang bestfriend nya na nilalantakan ang dala nyang leche flan para dito. Sa wakas ay napatawad na sya nito. Effective ang ginawa nyang peace offering para kay Leonhart. "Baka naman masobrahan ka at sumakit na naman ang ipin mo mamaya," paalala nya kay Leonhart. Natigilan ito sa pagsubo ng pagkain. "Ito naman, tinatakot mo na naman ako eh," nakangusong sabi nito sa kanya. Mahina syang napatawa. Nakatitig sya sa gwapong mukha nito at ilang sandaling parehas silang natigilan sa isa't isa. Naramdaman nya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig kay Leonhart. Mabilis syang nag-iwas ng tingin nang hindi na nya malabanan ang titig na ibinibigay din nito sa kanya ngayon. Parang huminto ang paligid. Geez! Hindi normal ang pintig

