"Sure ka lalakadin na lang natin?" tanong nya kay Sophie habang papalabas sila sa gate ng bahay nya. "Oo ang lapit-lapit lang naman nun eh," sagot ni Sophie sa kanya. Alas-otso na ng gabi pero hindi pa naman ganoon katahimik sa lugar nila. "Sige, sabi mo eh," pagsuko nya dito at ipinad-locked ang gate ng kanyang bahay. Ayaw nito na gumamit pa sila ng sasakyan at wala syang magawa kundi sumang-ayon na lang sa gusto nito. Naglakad na sila ni Sophie habang nakakapit ito sa braso nya. "Tingnan mo may nag-iinuman na naman dun sa tindahan. Ibang klase talaga ang mga sunog-baga dito satin," naiiling na sabi nito sa kanya. "Hayaan mo sila, dyan sila masaya eh," sagot naman nya dito. Hindi nauubusan ng manginginom ang tindahang iyon kaya hindi na yun bago sa kanya. Wala naman problema lalo

