Sumapit ang umaga at nagising si Sophie na wala na si Leonhart sa tabi nya. Sinabi nya kasi dito na papasok sya ngayon sa clinic kaya umuwi muna siguro ito sa bahay nito. Buong magdamag nga sya nitong inangkin at tila ba walang kapaguran si Leonhart sa mga ginawa nila. Katawan nya ang sumuko sa pagtatalik nilang iyon kagabi. Halos hindi na nga sila nakapag-hapunan dahil ayaw sya nitong pakawalan. Nagreklamo lang sya dito na nagugutom na sya kaya napilitan itong kumain sila. Ang totoo ay hindi naman talaga sya papasok ngayon sa clinic. Ngayon nya malalaman ang resulta ng test nya noong nagpacheck-up sya kaya sa Ospital talaga sya pupunta. Nitong mga nakaraang araw ay medyo maayos naman ang pakiramdam nya kaya umaasa sya na sana ay maganda ang maging resulta niyon. Alas-otso ng umaga pa l

