Nakahanda na ang mga gamit ni Sophie at si Leonhart na ang nagbitbit ng lahat ng iyon. Uuwi na sila ngayon sa Maynila at nakahanda na ang sasakyan. "Baguio magkikita pa ulit tayo!" sigaw ni Roz pagkalabas nito sa pintuan ng bahay ni Zach. Napailing naman si Zach habang ikinakandado ang bahay. Sila Wes at Deveraux ay nasa loob na ng van, pati na din si Draco at Kalil. Saktong 10:00 AM na at nakapagpahinga na din sila matapos mag-agahan kaya napagdesisyunan nilang umuwi na. "Ano wala na bang naiwan na mga gamit sa loob? Check nyo muna baka may naiwan pa kayo," ani Zach sa kanila. Chineck ni Leonhart ang mga gamit nila at wala naman na silang naiwan sa loob. "Roz, katukin mo muna sila Kalil sa loob ng van at baka may naiwan pa silang gamit sa loob," utos ni Zach kay Roz. Agad naman na su

