CHAPTER 08

1309 Words

Nagngingitngit pa din ang kalooban ni Leonhart nang lumabas sya ng kanyang silid. Tumingin sya sa orasan. Ala-singko na ng hapon. Tahimik sa sala nang lumabas sya. Nakita nyang nakahiga sa sofa si Sophie at mahimbing itong natutulog doon. Wala na si Draco, siguro ay umalis na ito kanina pa kaya nag-iisa na lang si Sophie sa sala. Pinagmasdan nya ang maamong mukha ng kanyang kababata, bahagyang nakaawang ang labi nito at tila ito isang anghel habang natutulog. Napako sya sa kinatatayuan nya at ilang minuto syang nakatitig lang kay Sophie. Naiinis sya sa nalaman nya kanina dahil nag-aalala sya para dito. Halatang may gusto ang kababata nya sa modelong kapitbahay nila at iyon ang ayaw nyang tanggapin. Kinikilig pa ito kanina. Ayaw nyang masaktan na naman ito. Ayaw nyang umiyak na naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD