Saktong 1:00 pm na nang makauwi si Sophie at sa bahay na ni Leonhart sya dumiretso. Tuloy-tuloy syang pumasok sa nakabukas na gate at ganoon din sa pintuan ng bahay nito na nakaawang pa. "Doktora!" bati sa kanya ni Draco nang makapasok sya sa loob. Nakita nyang nakahiga si Leonhart sa mahabang sofa at kunot na kunot ang noo nito. Si Draco naman ay naka-indian-seat habang may tinitingnan sa laptop. "Oh bakit parang pinagsukluban ng langit at lupa ang kaibigan mo Draco?" tanong nya dito. Bumangon si Leonhart sa pagkakahiga nito sa sofa at tumingin ng diretso sa kanya. "Bakit ngayon ka lang?" busangot na tanong nito. Mukha itong bata na inagawan ng candy dahil sa itsura nito. "1:00 pm pa lang naman ah?" aniya dito at ibinaba ang bag nya. Tumabi sya dito at tiningnan ang mukha nito. "Masa

