-FINAL CHAPTER Makalipas ang halos isang taon... "Mhie bilisan mo naman dyan kanina pa iyak ng iyak 'tong si Leona," Pinatay ni Tanya ang shower dahil sa narinig nyang sigaw na iyon ni Leonhart. Halata ang pagka-aligaga sa tinig ng asawa nya kaya napailing na lang sya habang nakangiti. Walong buwan na ang anak nila pero hanggang ngayon ay hindi pa din nito alam kung paano patahanin ang anak nila. Nagtapi sya ng tuwalya sa katawan at daling lumabas ng banyo. Tumambad sa kanya si Leonhart habang sinasayaw-sayaw nito ang baby nila. Hindi nya alam kung matatawa sya o maaawa sa itsura nito. Iyak ng iyak si Leona at si Leonhart naman ay halatang nahihirapan na. "What the f**k—" mahinang mura nito at agad na tinakpan ang labi dahil sinamaan nya ito ng tingin sa pagmumura nito. Inihian kasi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


