Limang araw lang ibinurol si Sophie at ngayon ay libing na nito. Sa limang araw na iyon ay halos walang naging tulog si Leonhart. Palagi syang nakabantay kay Sophie at hindi nya ito iniwan sa mga huling sandali nito sa lupa. Ang mga kabanda nya ay madalas din doon tuwing umaga, hindi din makapaniwala ang mga ito sa pagkawala ni Sophie. Ngayon ay kasama nyang makikipaglibing ang mga magulang nya. Nagkaayos na sila ng mga ito at labis din ang pagkalungkot ng mga ito nang malaman ang nangyari kay Sophie. Pati si Tanya ay sumama na din sa kanya dahil okay naman na daw ito at hindi na masakit ang katawan dala ng pagkaka-aksidente. Ang baby nila ay nabigyan na din nila ng maayos na libing. Tinanggap nila ni Tanya ang lahat kahit napakasakit na hindi man lang nila ito nahawakan ng buhay. Ngunit h

