CHAPTER 63

2075 Words

Nagdesisyon ang mga magulang ni Sophie na sa chapel iburol ang dalaga kaya narito sya at tahimik na nagbabantay kasama ang iba pang mga kaanak ni Sophie. Hindi pa sya umuuwi buhat kahapon, ni hindi na nga sya nakapagpalit ng damit. Empty ang battery ng cellphone nya kaya wala syang kaalam-alam sa nangyari kay Tanya. "Leonhart, anak baka gusto mong magpahinga muna? Wala ka pang tulog," sabi ng ina ni Sophie sa kanya. Tila hindi naman sya nakakaramdam ng antok dahil sa mga nangyari. Gising na gising ang diwa nya. "Okay lang po ako Tita," sagot nya sa ina ni Sophie. Ayaw nyang iwanan ang burol nito dahil ilang araw na lang nya itong makakasama. Gusto nya ay palagi syang nakabantay dito. Ang ganda-ganda ng pagkakaayos kay Sophie. Kitang-kita pa rin ang kagandahan nitong taglay. Tila payapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD