Alas-otso na nang umaga pero hindi pa din umuuwi si Leonhart. Inaasahan na ni Tanya na mangyayari ito ngayon, na hindi makakauwi agad si Leonhart kahapon dahil siguradong mag-iistay muna ito kila Sophie. Mukhang pati ngayon ay wala pa din itong balak umuwi. Kasalukuyan syang pababa ng hagdanan upang magtimpla ng gatas. Malungkot na naman sya ngayon. Ang daming tanong sa isipan nya. Natatakot sya at nangangamba. Maingat ang bawat paghakbang nya habang bumababa sa hagdanan. Walang ibang laman ang isip nya kundi si Leonhart at Sophie. Ano kaya ang ginagawa ng mga ito ngayon? Siguradong namiss ng dalawa ang isa't isa. Siguro ay ang saya-saya ng mga ito. Hindi nya maiwasan ang masaktan. Nang makababa sya sa hagdanan ay kumuha sya ng baso at nagsalin ng tubig. Uminom muna sya at pagkatapos s

