Humahangos na tinungo ni Leonhart ang bahay ng mga magulang ni Sophie. Nakatanggap sya ng tawag mula sa Mommy nito kanina. Ang sabi nito ay kauuwi lang nila kanina at nahanap na daw ng mga ito si Sophie. Nasa bahay raw ng mga ito ang kababata nya. Kulang na lang ay paliparin nya ang sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa mismong address ng bahay ng Mommy ni Sophie. Walang ibang laman ang isip nya kundi ang makita ito ngayon at masilayan. Punong-puno ng katanungan ang isip nya kung bakit nito nagawa ang pagtatago ng ganoon katagal. Kanina noong tumawag ang Mommy ni Sophie ay ramdam nya ang lungkot sa tinig nito. Hindi nya tuloy maiwasan ang kabahan lalo pa at gustong-gusto nito na pumunta sya kaagad ngayon sa bahay nito. Matagal na syang pabalik-balik sa pagtatanong lagi sa mga ito

