Sulit na sulit ang paggala ni Roz sa Baguio sa loob ng dalawang araw. Alas-singko na ng hapon at pauwi na sila nila Zach. Bumibili lang ng souvenirs ang mga ito dahil bukas ay uuwi na sila. Nakabili na din sya ng mga t-shirt at keychain. "Uy, Zach! Bili tayo ng ube jam ah? Favorite yun ni Horran eh. Magtatampo yun kapag di ako nakabili," ani Kalil kay Zach. "Oo naman dadaan tayo sa bilihan ng mga pasalubong," sagot ni Zach. Nang makabili ng souvenirs ang mga kasama nya ay nagtungo na nga sila sa bilihan ng mga pagkaing pampasalubong. "Bilhan na lang natin sila Leonhart, kawawa naman hindi sila makakabili," ani Kalil. Agad naman na tumango si Zach. "Yep, ako na ang bahala," sagot ni Zach. Bumili ito ng ube jam, strawberry jam at peanut brittle. Ganoon din ang binili nya. Pati ang dri

