"Kung masama pa rin ang pakiramdam mo ay huwag na lang tayong sumama sa kanila. Nasabi ko naman na ito kila Zach kagabi," saad ni Leonhart kay Sophie. Kagigising lang nito at halatang hindi pa din ito okay. "O-okay lang ba sa kanila? Pasensya na ha, hindi man lang natin naenjoy ang bakasyon dito sa Baguio. Minsan ka na nga lang magkaroon ng bakanteng trabaho ay ganito pa," malungkot ang mga matang sagot ni Sophie. Iniisip siguro nito na hindi man lang nila nasulit ang araw dito sa Baguio dahil hindi sila makakasama ngayon kila Zach sa pamamasyal ng mga ito. Wala naman iyong problema sa kanya, sa katunayan ay masaya naman sya basta kasama lang nya si Sophie. Hindi naman importante ang lugar. Mas importante si Sophie para sa kanya. Ngumiti sya at hinawakan ang kamay nito. Masuyo nyang hina

