Pagmulat ng mga mata ni Sophie ay naroon na sya sa silid nya. Inilinga nya ang paningin at nakita nyang nasa gilid ng kama sila Shiloah, Jacint, at Jonas. Agad syang kinausap ni Shiloah nang makita nito na gising na sya. "Sophie! Diyos ko! Salamat naman at gising ka na," ani Shiloah sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pilit nyang inaalala kung ano ang nangyari kaninang umaga. Nawalan sya ng malay. Palagi namang nangyayari iyon sa kanya. "Kung hindi ka pa nagising ay naghahanda na kami para dalhin ka sa ospital. Masyado mo kaming pinag-alala," sabi ni Shiloah at hinawakan ang kamay nya. "May sakit ka pala. Bakit ayaw mong magpagamot?" tanong ni Jonas sa kanya. Batid nyang alam na nito ang lahat dahil malamang na nasabi na nila Shiloah ang dahilan kung bakit sya nawawalan ng mal

