Tila umangat ang dugo ni Leonhart sa ulo dahil sa mga nasaksihan nya kanina at sa nakitang itsura ni Tanya. Hindi nya lubos maisip kung paano nagagawa ng ama nito saktan ang babae. Kitang-kita nya kanina kung paano nito sinampal ang anak. Hind nyai akalain na ganoon pala ito karahas, pati babae ay pinapatulan nito at pinagbubuhatan ng kamay. Hindi sya papayag na mangyari ang ganoon lalo na mismo sa harap nya. Oo nga at naiirita sya kay Tanya dahil sa prisensya nito at sa mga ginagawa nito pero hindi naman ibig sabihin nun na hahayaan na lang nyang masaktan ito at wala man lang syang gagawin kahit nasa harap na nya ito at sinasaktan. Hindi sya pinalaking ganoon ng mga magulang nya. May damdamin pa din sya kahit pa sabihing palikero sya dati. Ang takot na nakita nya sa mga mata ni Tanya kani

