Nanghihina si Sophie habang nagtutupi ng mga damit na nilabhan nya kaninang umaga. Mga damit ito ni Shiloah at pinahiram muna sya nito dahil wala naman syang mga damit na dala noong umalis sya sa bahay nya at magtungo sa lugar na ito. Ayaw sya nitong paglabahin pero pinilit pa din nya ang sarili. Halos isang linggo na din buhat ng dumating sya dito. Hindi nya binubuksan ang kanyang cellphone. Alam nyang nag-aalala na sa kanya ang mga magulang nya pero binabalewala nya na lang iyon. Hindi pa sya handang humarap sa mga ito. Siguro ay saka lang sya magpapakita sa mga ito at kay Leonhart kapag nalaman nyang nagpakasal na si Leonhart sa babaeng nabuntis nito. Iyon naman kasi talaga ang gusto nyang mangyari at iyon ang makabubuti. Saglit na inihinto nya ang ginagawa nang maramdaman nya na may

