Maagang tinungo ni Leonhart ang bahay ng mga magulang ni Sophie kinabukasan. Kinontak na din nya ang iba pang mga kaibigan ni Sophie na kakilala nya pero hindi din daw alam ng mga ito kung nasaan si Sophie. Masyado ng nawawasak ang puso nya sa bawat araw na lumilipas na hindi nya nakikita si Sophie. Nasa tapat na sya ng bahay ng mga magulang ni Sophie at nag-doorbell sya doon. Wala pang isang minuto ay may lalaki ng lumabas mula sa loob. Ito ang ama ni Sophie at halatang kagigising lang nito. "Leonhart, ikaw ba yan?" tanong nito habang papalapit at sinisipat sya. Binuksan nito ang gate nang makalapit na ito sa kanya. "Magandang umaga po Tito," bati nya sa may katandaan ng lalaki. "Oh, napasugod ka yata? May kailangan ka ba sa amin?" tanong nito sa kanya at niluwagan ang pagkakabukas

