Gabing-gabi na nang umuwi si Leonhart. Dumaan pa kasi sya kila Wes at nakausap nya ang mga ito pati na din ang manager nila. Nagpaalam sya ng maayos sa mga ito tungkol sa dahilan kung bakit hindi pa sya makatugtog ngayon. Madali naman syang naunawaan ng mga kabanda nya kaya si Draco na lang daw muna ang papalo sa mga gigs. Nakainom din sya ng alak. Gusto nya talagang uminom para makalimot sa lungkot. Wala pa din syang nakukuhang magandang balita kung nasaan si Sophie. Hanggang ngayon ay bigo pa din sya na matagpuan ito. Medyo nahihilo na sya kaya walang imik na bumaba sya mula sa kotse nyang dala. Hindi pa naman sya gaanong lasing kaya kaya pa nya ang sarili nya. Binuksan nya ang loob ng bahay at walang tao sa sala. Tahimik lang ang loob ngunit nakaamoy sya ng amoy ng mabangong pagkain. A

