“My turn,” Autumn Leaf says. Kinuha niya ulit ‘yung bola mula sa pocket na pinaghulugan nito tapos inayos sa table. This time, seryoso lang ang mukha niya. Naglakad siya paikot, as if estimating the size of the table or the shot she’s about to take. Hanggang sa pumwesto na siya sa tapat ng cue ball at nag-umpisang tumira. Ngayon talagang hindi ko na napigilang mapanganga no’ng mabilis na pumasok ‘yung dalawang bola sa magka-ibang pocket tapos napasigaw ‘yung mga kasama no’ng lalaking naka-pink. “Wow,” he says in amusement. “Billiard,” Autum Leaf simply announces. “Can I get my reward?” “Fine. What do you want?” the guy asks with a disgusting smile on his face. Pero hindi pa rin ako agad makaalis sa nangyari. I mean, come on. Laman din ba siya ng pub gabi-gabi? Kasi para

