When the rush is slowly subsiding, medyo naiintindihan ko na ‘yung nangyayari. Tiningnan ko ‘yung braso ko and it’s already bleeding. Naka-white pa naman ako kaya ang dumi tingnan. “You alright?” I snicker. “My sister is probably going to kill me faster with cardiac arrest than this. Galos lang.” Tumango naman siya. She’s obviously used to not making a big deal out of a small thing like this and I like that. “Come on. Let’s get you back to the hospital.” Bago pa kami makalakad palabas, tinadyakan pa ulit niya ‘yung isa sa mga nakahiga kaya hinatak ko na siya para umalis. Habang naglalakad patawid, hawak ko lang ‘yung upper arm ko para medyo bumagal ‘yung paglabas ng dugo. “Sa likod tayo daan,” I tell her. Hindi naman na siya sumagot pero sumunod siya sa ‘kin. Kapag

