Naglakad si Ice palabas habang kumakaway sa ‘kin nang may nakakalokong ngisi. Kasunod niya si Tony. Parehas sila halos ng suot except that Ice is wearing a light blue top. Identical din ata ang suot nilang shorts. “Good morning,” Ice greets. “Welcome to my humble abode.” “Good morning. Thank you,” I reply. Umupo siya sa upuan sa tapat ko. “Sorry, four AM na kami natapos uminom. Muntik ko na ngang makalimutan na nagbilin akong dito ka unang patuluyin.” Tumango ako. “It’s alright.” I look around, scanning the interior of her house briefly. “Pwede ba akong makibihis?" Tumango siya tapos lumingon sa labas ng bahay niya, sa wall na parang isang malaking TV dahil pinapakita ang isang magandang view ng makukulay na puno. “Paano kayo maglalaro niyan?” Ang tinutukoy niya mal

