Habang nagkukwento si Rain ng mga nangyayari the past few days at kung paanong medyo nagiging okay na siya, naagaw ‘yung atensyon ko ng paglalakad ni Lei paikot sa desk ko, papunta sa ‘kin. Nakatingin ako kay Rain pero ‘yung isip ko, parang sinusundan siya ng tingin. Ano ba ang ginagawa ng isang ‘to? Nang ‘di ko na matiis, I raise my hand up to pause Rain for a bit. “Sorry. Wait lang,” I tell Rain. Then I look up at Lei with sharp eyes. “What the hell are you doing?” Tinuloy pa rin niya. She sits on the table, right next to me, as in sa mismong table na parang nang-aasar pa. “Last time I sat here, hindi ka naman nagreklamo,” she reminds me. Napasilip ako nang isang mabilis kay Sunny para tingnan kung narinig niya ‘yung sinabi ni Lei. And she obviously did kasi parang siya ‘

