Twelve Ana's POV Hindi niya alam kung saan siya dinala ni Benjamin, basta ang alam niya matagal ang biyahe nilang dalawa at lumabas sila ng Manila. Hindi naman niya matanong si Benjamin dahil natatakot siyang baka sigawan siya nito bigla. Namalayan nalang niyang huminto ang sasakyan ni Benjamin sa isang tapat ng bahay na malapit sa dagat. Pabalagbag siya nitong hinila palabas sa sasakyan at sapilitan na hinila papasok sa loob ng bahay. May sumalubong sa kanilang isang matandang lalaki na mukhang katiwala sa bahay na ito. mababakas sa mukha nito ang pagkabigla sa kanilang pagdating. Isama pa na ang itsura nila ni Benjamin ngayon ay nakakabigla din hanggang ngayon kasi hindi pa din siya nakakapagpalit ng damit, ni hindi nga siya pinahiram ng coat o jacket man lang ni Benjamin. Kanina pa

