Eleven Benjamin's POV Makailang ulit siyang napabuntong hininga, nasa Heaven's Club sila ngayon. Kung saan dati nagta-trabaho si Ana. Kapag nandito siya naalala niya si Ana, ito kasi ang pinakasikat na club ngayon sa Manila. May mga private shows kasi dito na kung gusto ng costumer na mag-all the way ang dancer gagawin iyon. No touch nga lang habang nasa loob pa ng club, kung magkakasundo ang dancer at ang costumer pwede nilang ituloy sa labas ng club. At sa isipin na iyon nag-iinit ang ulo niya. Naiisip kasi niya kung ilang lalaki na kaya ang nakahawak kay Ana habang nagta-trabaho ito noon sa club. Lalo na sa isipin na may ibang lalaki na ang nakaangkin sa dalaga samantalang siya naghihintay lang kung kailan siya papansinin nito. "Hey, Benj. Ang tahimik mo naman. Asan na ang wild ko

