CHAPTER XIV Bandang alas tres ng hapon nang magpaalam na siya sa mga anak niya. Sa awa naman ng Diyos ay naayos din ang problema niya kay Lyka at maginng kay Keigh, laking pasasalamat din niya kay Sephy at hindi niya hinayaang mag-isa at umiyak nang umiyak ang kanyang bunso. Ngayon na-realize niya na may point din naman si Lyka kung baakit gano’n na lang ito kumilos dahil tama nga naman ito hindi ito lumaki sa kanya at kahit alam niya kung ano ang pinagdaanan nito ay hindi naman niya alam ang naging dago niyon sa mura nitong kaisipan. Pagdating niya sa UNI Trends ay labis ang paghingi niya ng pasensya kay Pierre, hindi naman ito nag-usisa pa nang sinabi niyang dahil sa mga anak niya kung bakit siya na-late sa pictorial niya. Last day na ngayon para sa pictorial niya rito sa kom

