CHAPTER 1 THE INTERVIEW
Kasalukuyang maingay ang loob ng conference room ng mag sidatingan na ang mga myembro ng famous boy band na The Slashers. Ito ay binubuo ng 7 kalalakihan na sina, Travis, Kevin, Terrence, Nyx, Andrew, Liam at Alexander.
Nagbulong bulongan ang lahat ng naroon ng isa-isa nang nag siupo ang mga ito sa kanilang upuan at agad na ngang nag simula ang presscon.
Isa-isang nag taas nag kamay ang mga reporters para mag tanong sa mga ito.
"Good afternoon Slashers! Congratulations on your successful world tour and welcome back to the Philippines!" mahabang pagbati ng isang reporter.
"Thank you" sabay-sabay namang sagot ng mga ito.
"It's an honor po na ako ay nabigyan ng pagkakataon na maka panayam kayo ngayong araw. My question is for the leader Terrence, kamusta naman po ang pakiramdam na naging successful ang inyong world tour nitong nakaraan?"
"Hello! Good morning po!. Unang una po maraming salamat po sa inyong lahat na nandito ngayon at sa mainit na pag salubong po sa amin. And to answer your question po, napaka over whelming at sobra po aming pasasalamat dahil kahit saan man po kami mapadpad ay nandoon po ang ating mga kapwa Pilipino na sumusuporta at nag mamahal po sa amin. Kami po ay nagagalak sa inyong pagmamahal na hinding hindi po mapantayan na siyang naging dahilan ng success ng aming grupo."
Nagpalakpakan ang lahat matapos magsalita ni Terrence. Kitang-kita nga sa kanilang mata ang sobrang saya.
"Wow. Again congratulations sa inyong lahat Slashers, at dahil nandito na din naman po kayo matapos ang world tour, may mga susunod pa po ba kayong mga events o magpapahinga muna ang inyong grupo, like vacation?" tanong naman ng isa pang reporter.
"Well....." si Travis ang sumagot.
" As of now, we don't have upcoming schedules yet. So we are planning to take a break for maybe a couple of months, will spend time with our family and loved ones na din po muna since it's been a long time..." diniinan pa nito ang salitang "loved ones" na siyang ikinangiti at umugong ang bulong-bulongan sa loob ng conference room.
"Nakakatuwa nga naman at syempre nakakamiss nga ang bonding with family lalo na super famous na kayo ngayon at sunod-sunod nga ang inyong mga events for the past 10 years... akalain mo nga naman yon," dagdag pa ng reporter.
"Speaking of, loved ones Slashers..kakaiba yata ang ngiti ni Slasher Travis ng banggitin niya ang mga katagang iyon... kung hindi niyo mamasamain ay ito bang loved ones na ito ay...."
" Special someone...." dugtong naman ni Andrew na siyang nagpahiyaw sa mga naroroon.
May iba ding napa 'aw' na animoy dismayado pero napatawa na din ang mga ito.
"We all knew this will be asked when we come back so ayan nasagot na ang tanong ng lahat... hahahahahaha! Walang uuwing luhaan ah!" nakatawang singit ni Kevin.
"Oh well... not for Nyx, his still... you know..? Siya ang binansagang international playboy ng grupo but his still single... akalain niyo yon??" nakangusong wika ni Kevin kay Nyx.
Kilalang mahilig talaga mag bardagulan ang mga ito lalo na sa kanilang presscon. Mga binatang sa kabila ng pagiging sobrang successful ay napaka down to earth parin ng mga ito. They are not just rich but filthy rich.... Billionaires... pero napaka humble. Parang barkada lang nila ang mga reporters...
"Naku maraming mabo-broken na fans ninyo for sure hahaha. Pero wag silang mag-alala dahil single pa daw itong si Nyx" dagdag ng isa pang reporter...
Lahat ng mata nakatuon kay Nyx na simpleng nakangiti lamang sa kanila na tila nahihiya pa sa mga ito.
Nagpatuloy ang interview sa mga ito....
SAMANTALA.....
Napatigil naman si Ysa sa pagra-rounds sa kanyang mga pasyente ng maagaw ang kanyang pansin sa telebisyon na nasa loob ng ward.
"He's back" bulong ng isip niya.
Ilang segundo din siyang napatulala sa screen ng mag focus ang camera sa mukha ng lalaking minsang naging parte ng kanyang buhay. Si Nyx.
Napapitlag nalang siya ng kalabitin siya ng kanyang pasyente.
"Ay sorry po Nanay, ano po yun?" baling niya rito.
" Kaku Dok yong ballpen niyo po nahulog, napatulala kayo sa TV, siguro idol niyo din po ang bandang yan" nakangiting wika ni Nanay.
" po?" parang wala.parin siya sa kanyang sarili.
"Naku... ganyan na ganyan din ang apo ko Dok. Natutulala pag yang banda na yan ang pinapanood. Alam mo Dok, naka subaybay yon siya sa kwento ng bandang yan simula noong nag-uumpisa palang yan sila" mahabang paliwang ng matanda.
"Ah eh. Naku hindi po, ngayon ko lang po nakita sa TV yan Nay, naku alam niyo naman po ako hindi ako mahilig sa music... Pero mababait nga sila Nay nhu? kahit ngayon ko lang sila nakita.. makita ko talaga sa mga awra nila..." paliwagan naman niya dito.
"Okay na po pala itong chart ninyo Nay, at good news po pwede na po kayong makalabas bukas".
" Salamat naman kung ganon Dok. Alam niyo nabuburo na ako dito sa ospital."
"Sige po Nanay. Mauna na po ako sa inyo titingnan ko pa ang ilang pasyente." nagpaalam na siya rito.
Muli niyang sinulyapan ang telebisyon at sa di sinasadyang pagkakataon ay kay Nyx na naman ito naka focus at tila ba ito nakatitig sa kanya.
Pakiramdam niya'y nagliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan. Pinagpawisan din siya bigla. Agad siyang nagbawi ng tingin at napadiretso sa nurse station para kumuha ng botteled water. Dire-diretso niya iyong nilagok na halos mabulunan na siya.
"Dok Ysa? Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Nurse Lina.
"Namumutla po kayo Dok"
"Huh? No... I'm fine... Muntik lang ako mabulunan ng tubig."
"hays.. akala ko kung ano na. dahan-dahan lang po Dok."
"Sige.. maiwan na kita ha. Babalik na muna ako sa office ko." paalam niya dito.
Pagkapasok sa kanyang office ay agad siyang naghubad ng kanyang coat at napasalampak sa upuan. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
Napatingala siya sa ceiling ng kanyang opisina. Walang kakurap-kurap.
"He made it"... wika nalang niyang sa sarili.
"Ang layo na nga ng narating niya ngayon... May mabuti naman talagang resulta ang ginawa ko" mapait siyang napangiti.
===FLASHBACK===
Kasalukuyan siyang naghihintay na matapos ang rehearsal nila Nyx. May sasalihan kasi ang banda nila na contest kaya puspusan ang insayo ng mga ito.
Hawak niya ang cellphone nito ng biglang may mag popup na message.
Hindi siya yong tipo na pakialamera sa gamit dahil unang-una wala naman siyang karapatan dahil hindi naman niya ito boyfriend. Nasa ligawan stage palang sila but her gut is telling her to open the message.
There is something on it na hindi niya ma explain kaya kahit nanginginig ang daliri ay hindi niya namalayan na nabuksan na pala nito ang mensahi.
Galing ito sa nag ngangalang Manager Ed. Binasa niya ng mabuti ang mensahi.
"Congratulations Nyx, I just received an email from Swift Entertainment and they said you passed the audition for the next boy band search. I have attached a screenshot of the email. You made it.....for real..."
May naka attach nga na litrato sa ibaba ng message ng Ed... Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Para siyang maluha sa tuwa na hindi niya maintindihan.
Bakit walang sinasabi si Nyx sa kanya? Yes he is an introvert pero nagsasabi iyon pag may sasalihan. Naguguluhan siya. Napansin niyang patapos na ang rehearsal ng mga ito. Agad niyang pinindot ang mark as unread sa cellphone nito at agad iyong ibinulsa ng makitang papalapit na ang binata sa kanya.
" Hi Love! Sorry, natagalan kami" kung maka Love naman to akala mo kung sila na.
She acted normal.
"Okay lang... Hindi naman ako na bored nhu? Tsaka para naman to sa school kaya keri lang" nakangiting wika niya sa binata.
"Thank you Love, tara na?"
"Sige"...
Bitbit nito ang bag at mga libro niya habang sukbit naman nito sa likod ang kanyang gitara.
Nagkukwentohan sila habang naglalakad pauwi sa kanyang boarding house. Hinahatid siya nito tuwing hapon at maaga din itong dumadating palagi para sunduin siya.
Halos 20 minutes din ang nilalakad niya mula paaralan at bahay. Habang daan nga ay marami itong pinagku-kwento sa kanya. Hindi pa nito nabuksan ang cellphone nito.
Ano kaya ang gagawin niya pagnabasa niya ang mensahi? Sasabihin niya kaya sa akin? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa binata.